Hindi ko akalain na yung bisita namin ay kaklase ni Bank sa school at hindi lang kaklase, anak siya ng isang elite din. Pero, bakit kaya kasama siya ni Dad papunta dito sa bahay?
Naiinis ako kasi katabi din niya si Bank at mulhang may gusto pa ang bruha sa boyfriend ko.
"Dad, I think you need to introduce her to us." Sabi ni Kuya Cerdic.
"Oh yes. Guys, siya pala si Lucy, isa sa mga anak ng pamilyang Pokphand."
"Really? Ikaw yung bunsong anak ng Pokphand Family? Nice to meet you, iha." Sabi ni Mom at may payakap pa.
Kung ako pa siguro yun, sabunot ang aabutin ng bruhang yan. Panay tingin sa boyfriend ko. Gusto ko na nga hilahin si Bank palapit sakin pero di ko magawa dahil nandito si Dad.
"So, that means siya ang magiging asawa ni Bank?"
Nagulat ako sa tanong ni Kuya. Parang tinuhog ako ng isang set ng kutsilyo sa tanong niya. Pati si Mom nagulat din sa tanong ni Kuya. Nakangisi lang si Dad at parang tama nga si Kuya.
"Yes, balak kasi ni Reun yung daddy ni Lucy na makisosyo sa hospital ko at yun ang kondisyon niya, ang ikasal ang anak niya na si Lucy kay Bank."
Biglang tumayo si Bank at nagdabog sa harapan namin.
"No, Dad! Don't tell me you'll control my life?" Tanong ni Bank at parang sumisigaw na yung tono ng boses niya.
"No... hindi sa ganun anak. Gusto ko lang din makasiguro na magsettle down ka na after mu mag-graduate ng medicine o kung pwede bago ka grumaduate ay may asawa ka na." Sagot ni Dad.
Gusto ko mag-react pero nagpipigil ako. Ang hirap pala nito pag may ganitong sitwasyon. Hindi ako makakalaban.
"That sounds fair, Bank. At least iniisip ni Dad yung future mo." Sumabat si Kuya at nakangisi pa.
"No! I won't let you control me or my life. Walang magaganap na kasal o kahit ano pa. Just please give me a little respect?" Sumigaw na si Bank.
Tumayo na din si Dad at nagsagutan na sila ni Bank.
"At kailan ka pa marunong sumagot sakin ha?!"
"Ngayon Dad! You're controlling my life!"
Sasampalin sana ni Dad si Bank. Tatayo na sana ako para pigilan sila at mabuti nalang natigilan si Dad dahil pumagitna siya sa kanila.
"Wag mong saktan ang anak natin Godt. Kalma muna kayo at ang pangit din na nag-aaway kayo sa harap ng grasya at sa bisita natin." Pagsita ni Mom sa kanila.
Narinig ko pa na nagchuckle si Kuya Cerdic sa gilid habang kumukuha na siya ng pagkain. Ang bruha naman walang reaksyon, sarap sapakin.
Umupo ulit silang dalawa pero hindi pa rin nawala yung galit sa mga mukha nila. Agad naman nagshift ng mood si Dad at inentertain niya si Lucy. Parang nag-pipretend lang ang bruha na mabait. I'm sure target niya talaga si Bank kaya wala siyang reaksyon. Ni hindi nga siya nag-say NO sa sinabi ni Dad so alam na talaga niya na si Bank ang magiging asawa niya.
"Ako sayo Bank, tanggapin mo na yung plano ni Dad. It's for the best for all of us." Sabi ni Kuya habang kumakain kami.
Inirapan naman ni Bank si Kuya at ngumisi lang si Kuya na parang iniinis niya si Bank.
"Lucy, sorry kanina. Just eat and feel at home, okay?" Sabi ni Dad.
"Okay, Dad."
What?
Naki-DAD na din ang bruha sa Daddy namin? Pwede bang buhusan ko ng kumukulong tubig ang harot na 'to?
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.