Chapter 14

1.1K 51 16
                                    

Nagising ako dahil sa isang phone call at si Kuya lang pala ang tumatawag. Hindi ko sinagot yung tawag at sinwitch ko sa silent mode ang phone ko. Antok pa ako at gusto ko pa matulog kaso pumasok si Dad ng kwarto.

"Theo, kailangan natin mag-usap." Sabi ni Dad.

Kahit antok pa alo ay bumangon na ako. Hindi ko akalain na kaya ni Dad na matulog ng ilang oras. Hindi ko na siya naabutan na dumating ng condo ko dahil nakatulog na ako aroung 9pm.

"Ipaliwanag mo nga 'to kung anong nangyari?"

May ipinakita si Dad sa phone niya. Isang video mula sa isang insidente sa restaurant ag tuluyan na ako nagising nung nakita ko ang sarili ko. May pa-caption pa na, "The New Heir of Panitchayasawad" sa video.

"Dad, I can explain." Sabi ko.

Umupo siya sa isang couch dito sa kwarto ko.

"Ano ba nangyari at naging sentro ka ngayon ng mga netizens? Di ba sabi ko huwag ka masangkot sa isang scandal. Akala ko ba ayaw mo makilala ka na ikaw yung anak namin ng Mom mo."

Napabuntong hininga ako bago ako sumagot.

Kinuwento ko lahat ng nangyari na nasa video. Hindi naman nag-react si Dad at nakinig talaga siya sa side ko.

"Okay. Naniniwala ako sayo baby dahil anak kita at alam ko responsable ka sa lahat ng kilos mo." Sabi ni Dad.

"Sorry Dad, you know that I can't tolerate bad attitude."

"I know Baby pero hindi tayo na klaseng tayo na aapakan natin yung iba. Be responsible of what you did and what you said Theo."

"Yes Dad. Makipag-meet nga ako sa may-ari ngayon to settle things." Sabi ko.

"Good. Hindi na kita masamahan ha kasi may trabaho pa ako. Magpasama ka nalang kay Bank."

Tumango ako at niyaya na ako ni Dad mag-breakfast. Sumabay na ako kay Dad at Tita Saint at pagkatapos ay naligo na. Nagpaalam na si Dad sakin na mauna na siya at pati na rin si Tita Saint.

Nagtext ako kay Bank na sunduin na niya ko.

Naligo, nagbihis at nagpaganda ng konti para naman hindi ako losyang na haharap sa may-ari ng restaurant.

Bumaba na ako nung dumating na si Bank sa building.

"Saan ba kayo magkikita?" Tanong ni Bank nung pumasok na ako ng kotse.

"Starbucks Coffee daw."

Hindi naman kami inabot ng traffic at dumatin ako ng maaga. Nung pumasok ako ng Starbucks Coffee ay tumawag sakin si Gun.

"Sir Theo, nasaan po kayo?" Tanong niya.

"Nasa Starbucks Coffee malapit lang sa kumpanya ng Thanatsaran. Bakit Gun?" Tanong ko.

"Ibibigay ko sayo yung sched ng photoshoot at mga details po. Pupuntahan na po kita ngayon." Sagot niya.

Hindi na ako nakapagsalita dahil binaba na niya yung tawag. Pumunta na si Bank sa counter para mag-order ng drink namin habang ako ay hinahanap ko yung may-ari ng restaurant. Hindi ko kasi alam hitsura niya kaya tinawagan ko na lang.

"Nandito nako sa may pinto, nasaan ka?"

"Ahh... kamukha mo talaga si Wayo." Sagot niya at nakita ko na may kumakaway sakin.

Lumapit na ako sa kanya at tumayo siya. Nakipagkamay pa siya sakin. Hindi ko akalain na matangkad, maputi at singkit pala siya.

"Hi, I'm Off, yung may-ari ng restaurant. Umupo ka." Sabi niya.

My Sweet LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon