"I'm sorry na late ako."
Kinabahan tuloy ako sa maging reaksyon ni Kuya Cerdic. Alam ko na hindi siya papayag at tututulan niya ang plano ni Mom. Lumapit na siya kay Mom at nagbeso. Niyakap pa siya ni Mom ng mahigpit at pinaupo.
"Bakit parang family reunion 'to Mom?" Tanong ni Kuya.
Tumawa pa si Mom bago sumagot.
"Actually, hindi 'to family reunion dahil hindi kasali Dad niyo."
"Why? Nag-away ba kayo ni Dad?" Tanong ni Kuya.
"Hindi. Sekreto lang 'tong meeting natin. Gusto ko mga anak ko muna ang makakaalam kasi hindi papayag Daddy niyo sa napagdesisyonan ko." Sagot ni Mom.
Biglang naging curious yung mukha ni Kuya Cerdic.
"Napagdesisyonan ang alin?"
Ngumiti pa si Mom at si Tito Tee na ang sumagot.
"Napagdesisyonan ni Wayo na ipa-void yung pagka-Panitchayasawad ni Bank."
"What?"
Biglang tumayo si Kuya Cerdic sabay dabog sa mesa. Nagulat si Mom sa reaksyon ni Kuya pero kami ni Bank ay hindi na. Alam na namin na ganito ang reaksyon niya sa gagawin ni Mom.
"Hindi ako makakapayag Mom." Dagdag pa ni Kuya. "Bakit niyo napagdesisyonan na tanggalin si Bank sa pamilyang Panitchayasawad?"
"May malaking rason ako anak at para ito sa ikakabuti ng lahat." Sagot ni Mom.
Tumingin si Kuya Cerdic na parang gusto niyang patayin si Bank. Napansin ko pa yung pagkuyom ng kamay niya at nagpipigil.
"Hey, hey, Cerdic. Desisyon ito Wayo kaya i-respeto mo naman yun." Sumabat si Tito Tae.
Bumaling ng tingin si Kuya Cerdic kay Tito Tae na parang umaapaw ng galit ang mga mata niya. Tumayo na si Mom at pinakalma niya si Kuya Cerdic.
"Tell me anak kung bakit tumututol ka sa desisyon ko?" Tanong ni Mom.
Tumingin na din si Kuya kay Mom pero nag-iba na yung aura ng mga mata niya. Talagang nirerespeto din niya si Mom kahit galit siya.
"Mom, kapag gagawin niyo yan malamang magagawa na lahat ni Bank ang gusto niya." Sagot ni Kuya Cerdic.
Napansin ko na napa-react si Mom sa sagot ni Kuya.
"You knew?" Tanong ni Mom.
Kumunot ang noo ni Kuya nung tinanong siya ni Mom.
"Alam mo din Mom?"
Tumango si Mom sa tanong ni Kuya.
"Then why did you allow it? At gusto mo pa na maging sila?!" Dagdag pa ni Kuya.
Tahimik lang si Bank habang nag-uusap pa sina Mom at Kuya. Hinintay ko na may gawin si Bank pero mukhang wala siyang plano.
"Kuya, please... wag naman ganyan." Sabi ko.
"Sa tingin mo hahayaan ko kayo?!"
Nanuot sa buto ko yung galit ni Kuya dahil tumaas na ang boses niya habang kinausap ako.
"Wala akong planong pirmahan kahit anong papel pa ang ibigay niyo. Mananatiling Panitchayasawad si Bank hanggat nabubuhay ako!"
Ang sarap manapak ngayon pero hindi ko magawa kasi malaki ang respeto ko kay Kuya Cerdic. Kahit hindi kami magkadugo, naging kapamilya ko na siya.
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.