"Theo, okay ka lang?" Tanong ko.
Nagulat pa si Theo dahil sa mabilis na pangyayari. Narinig ko din ang tawa ni Lucy nung may binaril.
"Umakto ka na tinanaan ka para maniwala si Lucy na nabaril ka." Utos ko sa kanya.
Nag-resonate yung tawa ni Lucy dito sa kwarto habang kinaladkad siya ng mga tauhan ni Perth palabas. Agad naman kami nilapitan ni Sir Wayo dahil nga natumba kami ni Theo.
"Theo, anak... no!" Sigaw ni Sir Wayo.
May dugo kasi sa katawan ni Theo kaya nag-hysterical si Sit Wayo.
"Mabuti nga sayo Theo! Mamatay ka na! Mamatay ka na!" Sigaw ni Lucy habang palabas na sila ng kwarto.
Umiyak si Sir Wayo at agad naman tiningnan ni Saint kung saan natamaan si Theo. Nagtaka si Saint kung bakit walang makitang bakas ng gunshot. Naramdaman ko lang ang mahigpit na pagyakap sakin ni Theo.
"No, Chen!"
"Theo, bakit? Dalhin ka na namin sa hospital." Sabi ni Sir Wayo.
Umiyak si Theo ng husto na parang bata. Napangiti ako dahil naprotektahan ko ang mahal ko. Naramdaman ko na yung sakit sa likod kung saan ako natamaan at nanghina na ako dahil sa blood loss. Napatumba na rin ako sa bisig ni Theo na umiiyak ngayon.
"Ihanda ang kotse. Tulungan niyo na din kami sa pagbuhat kay Chen."
Narinig ko yung utos ni Sir Wayo habang nakahiga ako dito sa lap ni Theo. Hindi pa rin siya tumahan sa pag-iyak kaya hinawakan ko ang mukha niya.
"I'm glad that I saved you."
"Wag ka na magsalita. Dadalhin ka namin sa hospital." Sabi ni Theo na humihikbi.
Kinarga na ako ng mga tauhan ni Sir Wayo at sinakay sa kotse. Kasama ko sina Sir Wayo at Theo na hawak pa rin ang kamay ko. Medyo nahirapan na din ako sa paghinga at sigurado ako, yung lungs ko ang tamaan.
"Tumahan ka na. Hindi bagay sayo ang umiyak." Sabi ko at binigyan ko pa siya ng ngiti.
"Wag kang bibitaw Chen. Magde-date pa tayo di ba? Wag ka naman madaya!" Sabi ni Theo na umiiyak.
Narinig ko pa yung pag-utos ni Sir Theo na madaliin yung pagmaneho. Si Saint naman ay tinatawagan na yung hospital na pupuntahan namin.
"Theo, I'm happy that for a short period of time, I spend most of it with you." Sabi ko.
"No... mabubuhay ka pa at magdedate tayo kaya wag kang bibitaw. Talagang magagalit ako sayo pag di ka sumunod sa gusto ko." Sabi niya.
Napatawa pa niya ko kahit nahirapan na ako sa paghinga. Hindi ko na alam kung marami pang dugo ang nawala sakin.
I'm starting to feel dizziness, blurring of vision, at masakit na rin kapag hihinga ako.
Nakangiti pa rin ako kay Theo at napahigpit na rin yung paghawak ko sa kamay niya. Ayoko pa sana mawala pero sigurado ako na hindi ako aabot ng hospital.
"Chen, No!!! Wag kang bibitiw!" Sigaw ni Theo habang niyuyogyog ako.
Hindi ko na rin kaya dahil nahirapan na ako humingi at nanghina na rin ako. Kaya bago ako napapikit ay nakita ko ang mukha ni Theo, kahit umiiyak siya.
And I'm happy even I will leave him for good.
~~.~~
Theo's POV
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.