Chapter 15

1.1K 47 15
                                    

Akala ko sa presinto kami dideretso pero sa isang tagong warehouse kami pumunta. Nakablinfold ngayon ang Daddy ni Off at kinaladkad siya papasok. Pinaupo siya sa isang silya at tinali ng mahigpit ng mga pulis.

Kinabahan ako kasi wala sa plano namin ni Sir Wayo 'to.

"Nasaan ako? Pakawalan niyo ko!" Sigaw ng Daddy ni Off.

Nagsusumigaw siya at hinayaan lang siya ng mga pulis at tauhan ni Sir Wayo.

"Gun, do you want to play?" Tanong sakin ni Sir Wayo.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya. Nalilito ako at tumawa si Sir Wayo sakin. Siguro sobrang obvious sa mukha ko na nagtataka ako ngayon kung bakit kami nandito.

"Ano Gun? Gusto mo bang maglaro tulad ng isang bata?"

Nagulat ako nung dumating si Sir Perth, ang nag-iisang head ng security ng mga Panitchayasawad at kasama pa niya si Sir Saint.

"Gun, dapat makapagdecide ka kung anong gusto mong gawin kay Mr. Adulkittiporn." Sabi ni Sir Saint sakin.

Ang ibig sabihin ba nila ay i-torture namin ang Daddy ni Off? Kung ganun man, hindi ko kaya.

"Gusto niyo i-torture ko siya?" Tanong ko.

"Yes Gun. Sa lahat ng ginawa niya sayo hindi ka ba nakaramdam ng galit?" Tanong ni Sir Perth.

"Oo, galit na galit ako sa taong ito pero yung ako ang magpapahirap sa kanya, hindi ko kaya po. Ayoko po makapanakit ng tao." Sagot ko.

Lumapit si Sir Wayo sakin at hinawakan niya ang balikat ko.

"Very good Gun. It was a test for you. Hanggang ngayon ay ikaw pa rin yung Gun na nakilala ko nung una kitang kinupkop." Sabi ni Sir Wayo.

Ngumisi naman sina Sir Perth at Saint. Kung sinubukan nila ang pagkatao ko bakit nandito pa kami at hindi pa umalis para ma-imbestigahan si Mr. Adulkittiporn.

"I'll give justice that you really want since before pero..." Biglang nag-iba ang mood at aura ni Sir Wayo. "Hindi ko mapapalagpas ang mga masamang plano niya sa anak ko at sa pamilya ko."

Ha? Galit na ba si Sir Wayo? Parang hindi ko nakita sa mukha niya pero sa pagkakasabi niya ay may bahid na galit yun.

"Saint, umalis na kayo ni Gun." Utos ni Sir Wayo.

Lumapit sakin si Sir Saint at sinabihan na niya ko na aalis na kami pero nagpumilit ako na manatili.

"Gun, umalis ka na kung ayaw mo makakita ng isang anghel na naging demonyo." Sabi ni Sir Perth.

Ibig sabihin ba nun ay may demonyo na personalidad si Sir Wayo? Hindi ako makapaniwala kasi sobrang bait niya sakin at tinuring niya ko na anak din gaya ng trato niya kay Sir Theo:

"No... I'll stay. Gusto ko makita at ako mismo ang maghatid sa Daddy ni Off sa presinto." Sabi ko.

Napailing si Sir Perth.

"Sigurado ka ba Gun? Baka hindi mo kaya kung anong makita mo ngayon." Tanong sakin ni Sir Saint.

"Sigurado ko kaya hayaan niyo ko manatili." Sagot ko.

"Paano yan Sir Wayo?" Tanong ni Sir Perth.

"Okay. Sana matatag ang utak at puso mo Gun sa maari mong makita." Sabi ni Sir Wayo.

"Mga bakla! Pakawalan niyo! Lumaban kayo ng patas! Mga duwag!" Sigaw ng Daddy ni Off.

Parang gusto ko ngayon na i-torture ko si Mr. Adulkittiporn dahil sa mga sinabi niya. Siya nga 'tong duwag at nagawa pa niya ko ipagahasa sa mga lalake. Naalala ko tuloy yung nangyari sakin at susugurin ko sana ng suntok si Me. Adulkittiporn pero sobrang gulat ko nung sinuntok ni Sir Wayo ang Daddy ni Off. Hinila pa niya ang buhok ni Mr. Adulkittiporn.

My Sweet LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon