I really don't have a choice but to follow my husband whatever he decides and wherever he will go. Kung babalik man kami ng Bangkok then be it. Panahon na din na harapin ko lahat sa pagbalik ko.
I can't say no to my husband dahil we really support each other at ayoko din na tanggihan niya yung opportunity to be one of the best pero... bakit sa bagong kumpanya pa namin na-assign si Chen. Alam kaya niya 'toh na under Panitchayasawad yung Cerbaeo Company?
Napabuntong hininga nalang ako dito habang hinihintay ko matapos yung photoshoot.
Gusto ko sana sabihin sa kanya na hindi ako papayag pero ang sama ko naman na ako ang maging hadlang sa success niya and Chen was too excited too.
Napaisip din ako na baka kagagawan ito ni Mom dahil ilang taon ako hindi umuwi ng Bangkok. Kahit wala ako dun, si Kuya Cerdic ang tanging nag-a-update sa mga ganap sa pamilya namin.
"Theo, are you okay?" Tanong ng client namin.
"Yes. I'm thinking of a new style that's why I'm spacing out." I lied.
"Okay. That's good." Ngumiti pa siya sakin. "By the way, I like your work. I hope I can hire you again for or coming projects."
"Sure. I'll gladly accept that Mr. Wong. Just contact my agency and they'll inform."
Iba na din ang kasikatan ko dito sa Singapore dahil halos araw-araw may ganap ako. Na-miss ko tuloy si Gun. Kamusta na kaya siya? Sana pinagpatuloy niya yung nasimulan niya.
Nung natapos ang photoshoot ay dumeretso ako sa company na pinagtrabahuan ng asawa ko. Bumili muna ako ng Starbucks Coffee para sa kanya dahil mag-o-overtime daw siya mamaya. May raket din ako sa gabi kaya okay lang, hindi ako maghihintay sa kanya ng matagal.
"Good afternoon lo Sir Theo."
"Good afternoon. Si Sir Chen mo nandiyan ba?" Tanong ko sa secretary niya.
"Opo pero may meeting siya kasama yung chairman."
Ahh...
Akalain mo naman na dito pa sa office ng asawa ko ginanap ang meeting nila. Talagang umaasenso ang asawa ko and I'm happy for him.
Naghintay lang ako dito sa labas at tinawagan ko si Kuya Cerdic.
"O Theo, bakit napatawag ka?" Tanong niya nung sinagot niya ang tawag ko.
"May ginawa ba si Mom na kakaiba?"
"Ha? Bakit? May kakaiba bang nangyari diyan sa inyo ni Chen?"
Mukhang walang alam si Kuya Cerdic. Baka nag-overreact lang ako.
"I was thinking lang... kasi biglaang ipapadala si Chen diyan sa Bangkok and guess what, sa Cerbaeo Company siya na-assign."
"What?!! Bakit hindi ko alam yan? Dapat alam ko kasi ako yung temporary Chairman dun."
Now, something's fishy.
Mukhang may kinalaman nga si Mom just to pull me back there in Bangkok at ginamit pa niya ang trabaho ni Chen.
"Kuya, hindi alam ni Chen na sa atin yung kumpanya. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya o hindi. I'm so confused."
Nag-clear pa ng throat si Kuya bago niya ko sinagot.
"You should tell him. Di ba sabi mo pa, sinasabi ni Chen lahat sayo yung mga ganap niya kaya you also do the same. Kung mahal ka talaga ni Chen, he will understand and knows how to separate personal matter from business."
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.