Hindi agad nakasagot si Tee dahil nagulat siya na kasama ko si Godt. Parang najejebs na nga si Tee at hindi na alam kung anong ipalusot niya kasi halos masabi na niya lahat nung pagpasok namin.
Lumingon sa akin si Godt.
"Anong documents ang pinagawa mo kay Tee? May problema ba sa mga papers ng anak ko?"
Gosh!
Tinatanong na ako at hindi ko pa alam kung ano idahilan o ipalusot ko. Bahala na.
"Dad, may pinabago lang ako sa documents ni Bank. Gusto ko na mabigyan ko din siya ng share mula sakin dahil anak ko din siya." Sagot ko.
Tinititigan pa ako ni Godt matapos ko sagutin yung tanong niya. Mga ilang segundo din yun pero nagulat ako dahil niyakap niya ko ng mahigpit.
"Thank you, baby, pero hindi na kailangan yun. Sapat na yung yaman ko para kay Bank." Sabi niya sakin.
"No, hindi yun sapat. Mas pinahalagahan mo pa si Theo kesa sa anak mo. Kaya I'll do the same thing."
Kumalas sa pagyakap si Godt at hinalikan ako sa pisngi.
"Pakiramdam mo ba unfair ako sa pagbigay ng mana kay Bank?" Tanong niya.
Tumango ako sa tanong niya. Kasi naman mas malaki pa binigay niya kay Theo kesa kay Bank. Hindi ko alam kung bakit ganun kasi ayaw din naman niya sabihin yung rason niya.
"Ehem... sa susunod nalang tayo mag-usap Wayo. Mukhang busy pa kayo sa paghaharutan at sa harapan ko pa." Biglang sumabat si Tee.
Natawa ako dun dahil nakalimutan namin na nandito pala si Tee. Binalik nalang ni Tee yung mga papers sa bag niya.
"No, it's okay Tee. Pag-usapan na natin yang plano ni Wayo para kay Bank." Sabi ni Godt.
Shiya!!
"Dad, no!" Agad ako nag-react. Parang naging obvious tuloy na may tinatago ako kasi napatingin siya sakin. "Gusto ko confidential. It's just between me and Tee."
"Ayaw mo talaga ipaalam sakin?"
"Bakit? Pinaalam mo din ba yung pagbigay ng mana sa mga anak natin?" Ayon, at binalik ko yung tanong niya.
Ngumisi lang si Godt at nagkamot pa ng batok. Nahihiya na naman siya dahil binisto ko siya sa harap ni Tee.
"Okay baby..."
"Tee, I'll call soon about this." Sabi ko.
"Okay Wayo... alis muna ako para ipagpatuloy niyo yang kaharotan niyo." Sabi ni Tee at may tawa pa siya bago umalis ng office.
Nung umalis si Tee ay kinulit ako ni Godt na sabihin ko yung plano ko in details pero hindi ako nagpa-give in sa pa-cute at pa-gwapo niya.
"Di ba may trabaho ka pa, Dad?" Tanong ko.
"Shiya! Nakalimutan ko. Tara?"
"Anong tara?" Tanong ko.
Tinaas niya yung kamay niya kung saan nakaposas at ngumisi pa siya na parang may binabalak.
"Sasama ka sakin."
~~.~~
Nandito ako ngayon sa hospital ni Godt, specifically sa Admins Office. Naka-upo ako sa tabi niya habang nagbabasa siya ng mga reports and other stuffs. Medyo na-bored na din ako eh kaya ayon, nag Instagram nalang ako.
Habang nagscroll ako sa Instagram feeds ko, nakita ko ang picture ni Bank sa isang account na sinusubaybayan ko. Isang account kung saan i-post yung mga gwapo at cute. Talagang nag-follow ako kasi sinusubaybayan ko din si Bank dito. Natatawa kasi ako sa mga comments ng mga babae at bading sa mga stolen pictures ni Bank. Hindi ko naman ipagkaila na mala-Godt din si Bank pero iba ang personality ni Bank, strong!
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.