Chapter 31

798 37 18
                                    

Chen's POV

Nakapagpahinga ako ng mabuti dito sa hotel na tinirhan ko. Yun nga lang, si Sir Wayo ang nag-asikaso ng hotel na 'to para sakin. Babayaran ko sana siya pero ayaw niya kahit pinilit ko pa siya.

Isang magandang umaga ang sumalubong sakin. Hindi ko na inisip yung mga problema ko sa pamilya dahil hahatulan naman sina Dad at Lucy. Wala na rin ako magagawa dahil maling mali naman silang dalawa. Kahit anong paliwanag ko sa kanila noon ay ayaw nila makinig.

Bumangon ako at napngiti dahil sa maganda ang sinag ng araw. Habang inaayos ko yung higaan ko ay may nag doorbell.

Shiya!

Si Theo nandito.

Hindi pa naman ako nakapag-ayos at magulo pa yung buhok ko. Agad ako bumalik ng kwarto at naghilamos. Nag-mumog na din ako ng bibig gamit ang mouthwash tapos sinuklay ko ang buhok ko bago ko binuksan yung pinto.

"Good Morning." Bati sakin ni Theo at nakangiti pa siya. He's really cute and beautiful. Napaisip talaga ako na ang ganda ng buhay ko kung si Theo ang kasama ko habang-buhay.

"Good morning." Bati ko rin.

Napansin ko na may dala siya at mukhang lunchbox. Pinapasok ko siya at agad naman siya dumeretso sa may little kitchen.

"Ihanda ko lang yung breakfast natin at maligo ka na din, okay?" Sabi niya.

"Are you sure na kaya mo yan?"

Inirapan niya ko at ngumit nalang ako.

"Okay. Maliligo na po."

Sinunod ko yung utos ni Theo at naligo ako ng maayos. Ayoko naman magmukhang taong grasa sa harap ni Theo. Matapos ako naligo ay nagbihis na ako na pang business attire. May meeting pa ako kay Sir Wayo at 9am.

"Chen, tapos ka na? Ready na yung food."

Narinig ko si Theo mula sa pintuan ko.

"Oo... lalabas na."

Napatingin pa ako sa salamin just to check if I look presentable. Sa paglabas ko ay nagulat ako na naghintay pala si Theo sakin sa may pintuan.

"Bakit hindi ka pa kumain?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot at may tinititigan siya sakin. Na-conscious tuloy ako na baka may pangit sa damit ko o sa mukha ko.

"Nagpalit ka ba ng dressing sa sugat mo?"

Ngumisi lang ako dahil nakalimutan ko lagyan yun.

"Pasaway ka talaga. Papalitan natin yan pagkatapos natin kumain." Sabi pa niya.

Hinila na niya ko papunta sa dining area at parang may fiesta sa mesa. Ang daming pagkain!! Parang unlimited breakfast ata ang hinanda ni Theo kasi iba't ibang pagkain ang nandito, mapa-local o western food ang nakahanda.

"Sorry, hindi ko kasi alam kung ano paborito mo kaya bumili nalang ako ng marami." Sabi niya.

"It's okay. Hindi naman ako magarbo sa pagkain. Simpleng breakfast lang kinakain ko."

Sana naman hindi papaubusin sakin ni Theo ang mga pagkain. I'm sure, hihiga nalang ako buong araw nito dahil sa sobrang busog.

Sabay na kami kumain. Sunny side-up eggs, wheat bread, vegetable salad, and bacon ang kinuha ko dahil ito naman ang gusto kong breakfast. Tumayo ako para kumuha ng gatas pero pinigilan ako ni Theo.

"Ako na." Sabi niya.

Kumuha siya ng fresh milk mula sa refrigerator at nilagyan niya ang baso ko. Hindi pwedeng walang fresh milk sa breakfast ko.

My Sweet LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon