Masakit sa dibdib ko na nakakulong ngayon ang anak ko dahil siya ang napagbintangan na pumatay kay Pavel. Naniniwala ako na hindi ang anak ko ang pumatay.
Hindi naman magsisinungaling ang anak ko kaya ang totoo sa mga sinabi niya ay siya yung dumukot kay Pavel at nag-torture.
Masakit ang ulo ko ngayon habang nasa kumpanya ako. Naging sentro na din ng news ang pangalang Thanatsaran at Panitchayasawad. Patuloy pa rin ako sa trabaho ko kahit wala ako sa mood na maghandle nito at this time.
Nag-alala ako ng husto sa anak ko lalo na yung kalagayan niya. Kusa siyang sumuko sa kasalanan niyang pagdukot pero tinatanggi niya na siya yung pumatay kay Pavel. Wala pa din silang ebidensya na hatulan si Cerdic sa salang pagpatay kay Pavel.
Pinasuri ko na din yung katawan kung yun ba talaga si Pavel dahil sinunog ito. Ni-hindi na rin makilala yung bangkay kaya nagbayad ako ng malaking halaga para masuri ng mabuti yung katawan. Hinihintay ko pa yung resulta at aabutin pa ito ng isang linggo.
Matapos ang meeting ko at nagsi-alisan na ang mga board members, biglang pumasok si Daddy New sa conference room kung saan ako nag-iisip ng mga plano para malusotan ni Cerdic yung kaso.
"Take a break, anak. Ako muna ang temporary chairman ng kumpanya mo habang inaayos mo ang kaso ng apo ko." Alok ni Daddy New sakin.
Niyakap niya ko at mukhang kailangan ko talaga ang yakap ng magulang ngayon. Masyadong masakit yung nangyari dahil alam ko isa ako sa dahilan kung bakit nagawa ni Cerdic yun.
"Nag-aalala ngayon ang Lolo mo. Hindi ko na siya sinama kasi baka mas lalong magkasakit yun."
"It's okay Dad. Sapat na po kayo sakin na mag-comfort." Sabi ko.
Supposedly, si Godt sana ang karamay ko pero busy din siya sa pagtulong kay Perth na maghanap ng ebidensya para kay Cerdic.
House arrest ko muna si Theo sa bahay ko. Pinauwi ko siya dahil hindi na siya safe sa condo lalo na marami akong inutos kay Saint ngayon. Pinasama ko na din si Gun para hindi mabored si Theo sa bahay.
Si Bank naman, he insisted to go on his life like walang nangyari. Ewan ko sa batang yun kung bakit nagpumilit siyang pumasok kahit delikado ang buhay niya.
Everything might go against with one of my children. Maybe kay Theo, o kay Bank ang isusunod nila.
"May idea ka na ba kung sino ang maaring mag frame-up kay Cerdic?" Tanong ni Daddy New sakin.
"Wala ako sapat na ebidensya para idiin ang mga Pokphand. Alam ko sila lang ang pwedeng gumawa nito at diniin nila si Cerdic to make me lose my focus." Sagot ko.
"Okay. Hindi muna tayo lalaban ng harapan pag wala tayong ebidensya. Sa ngayon, let's be cautious lalo na si Theo. Baka siya ang magiging target ni Lucy-fer."
Ha? Nagtaka ako kung sino Lucy-fer na tinatawag niya pero hindi na ako nagtanong.
Habang nag-uusap kami ni Daddy New ay biglang pumasok si Saint na may dalang laptop.
"Kailangan niyo 'to makita." Sabi pa niya.
May nakuha siya isang footage kung saan may kumuha kay Pavel mula sa hideout na sinabi ni Cerdic. Kinaladkad siya ng isang lalakeng na ka itim na maskara. Pina-zoom ko yung image ng lalake pero nakatakip talaga ng maayos yung mukha niya.
"I-save mo yan Saint. We need that footage laban sa kaso ni Cerdic."
"Hindi lang yan ang na-recover ko, young master."
May pinakita pa siyang video na may lalake na nagmamasid malapit sa hideout. Nakatakip din ang mukha at parang nag-aabang siya habang pinapanood yung pagkaladkad kay Pavel.
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.