"Bakit late night ka na umuwi ha?"
Yang agad ang tinanong niya sakin matapos ko siya pinapasok sa condo unit ko. Daig pa niya ang ina na sobrang galit sa anak niya dahil late na umuwi.
"Wait... ako dapat ang magtanong sayo. Anong ginagawa mo dito?"
Hindi siya sumagot at naglakad siya sa unit ko. Tinitingnan pa niya ang buong lugar ko.
"Theo, wag kang umiwas sa tanong ko." Sabi ko.
Medyo nainis ako dahil hindi niya ko sinagot. He's checking out my place like he's going to stay here.
Wait.
Is he staying here? Sana nagakamali ako.
"I'm staying here." Sagot niya.
Damn! I was right!
Sa asta pa lang niya na chinicheck niya ang lugar ko ay may plano na siyang magstay dito sa condo ko.
"No, you can't. Umuwi ka nga sa Bangkok at baka hinanap ka ni Sir Wayo." Sabi ko.
"Ayoko. Gusto ko dito tumira."
Napabuntong hininga nalang ako sa pagka-suwail ni Theo. He's like a brat. What he wants is what he gets.
"Wag matigas ang ulo mo Theo. Bumalik ka ng Bangkok." Inulit ko pa yung sinabi ko kanina na bumalik na siya ng Bangkok.
"No way! Sa haba ng biniyahe ko ay papauwiin mo lang ako ng Bangkok? Hell no!" Napataas ang boses niya at parang ako pa yung may mali.
Umupo na siya sa couch habang ako ay nakatayo at naiinis sa kanya. Dapat hindi na siya pumunta dito.
"Galing pa ako ng California. Akala ko doon ka tumira at binigyan mo pa ko ng fake address ha. Kaya wala kang karapatan na pauwiin ako dahil pagod na pagod ako. I travelled for how many hours just to get here." Reklamo niya sakin.
Hindi ko naman inakala na pupuntahan niya yung fake address ko sa California. As what I've thought, busy siya sa trabaho niya sa Bangkok.
"Okay sige. You can stay but one night only." Sabi ko.
Tumayo siya at lumapit sakin sabay sabi.
"No... I'll stay here for good."
Napasalo nalang ako ng ulo sa katigasan ng ulo ni Theo. I never saw this part of him. Ang hirap i-tame ni Theo at mukhang ako pa ang mapasunod niya.
No!
Dapat ako ang superior dito dahil ako ang may-ari ng lugar na ito.
"And I say no too! Just one night and you'll go back to Bangkok." Sabi ko.
"I say No for the second time around. Baka gusto mo magwala ako dito?"
What?
Parang bata naman umasta si Theo ngayon. Hindi ko alam kung anong trip niya. Nagmamaktol na bata ang ginawa niya ngayon.
"Theo please. Umuwi ka na. Tingnan mo nga ako, I live differently now."
"Ano naman ngayon? I experienced this kind of life too kaya I can manage. Saan ba ang kwarto ko?"
Ang dali niya magshift ng mood at hinanap na niya ang kwarto.
"Sorry, one bedroom lang 'tong unit. Sinadya ko dahil ayoko may bisita dito." Sagot ko.
"Okay. Sa kwarto mo ako papatulugin."
Mapilit talaga si Theo and he barged inside my room. Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko ang mga damit ko sa kama. Hindi ko pala naligpit at nagkalat pa ang mga underwear ko. Agad ko hinakot at tinapon ang mga ito sa loob ng cabinet.
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.