Magkalapit na ang mga labi namin at hindi ako pumalag dahil sa sistema ko, gusto ko rin mahalikan si Theo. Yung mga na-imagine ko kanina ay gusto kong totohanin kahit saglit lang. Gusto ko matikman ang taong nagugustuhan ko na ngayon.
"Theo, nandito ka ba?"
Agad ako lumayo kay Theo ng biglang pumasok si Kuya.
"Yes Kuya. Inalalayan lang ako ni Bank kasi medyo tipsy ako." Sagot ni Theo.
Napatingin sakin si Kuya at ngumiti siya. Lumapit na din siya kay Theo at pinahiga na niya sa kama. Tiningnan ko pa si Theo habang inasikaso siya ni Kuya at umalis na lang ako.
Parang sasabog yung puso ko mula sa dibdib ko ng muntik na kami mahuli ni Kuya. Naiinis din ako ng konti dahil hindi ko man lang napigilan ang sarili ko kanina nung hahalikan na ako ni Theo. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumunta ng kwarto ko. Medyo nanghihinayang din ako dahil hindi ko natikman ang labi ni Theo.
Iba pa rin yung naramdaman ko, yung urge na gusto ko halikan at galawin si Theo.
Pumunta nalang ako ng kwarto ko at naligo. Nagpalabas pa nga ako dahil ayaw huminahon ng d**k ko. Nasa sistema ko na ata yung hitsura at katawan ni Theo.
Nagmukmok lang ako dito sa kwarto buong hapon habang nagsisiyahan sina Mom doon sa baba. Gusto ko nga puntahan si Theo pero hindi ko ginawa baka nandun pa din si Kuya. Ang pinagtataka ko ay bakit ganun ang approach ni Kuya kay Theo. Noon ay hindi naman siya ganun ka-caring kay Theo kasi malikot, madaldal, sumbungero, at maki-Daddy.
Hindi kaya gusto din niya si Theo?
No!
Magkapatid sila... actually, hindi talaga kasi magkaibang matres sila nanggaling at ibang sperm din. So, posible na pareho din kami ng iniisip ni Kuya Cerdic.
Pero, ayoko muna mag-conclude baka mali din hinala ko.
Habang nag-iisip ako tungkol sa mga hinala ko ay may kumatok sa pintuan ko. Binuksan ko at si Uncle Drake lang pala.
"Nakabili ka na ba ng libro?" Tanong ni Uncle Drake habang pumasok siya sa kwarto ko.
"Hindi pa."
"Gusto mo ako na bumili ng mga libro mo?"
"Nagpaalam ka ba kay Mom at Dad?" Tanong ko.
Sinigurado ko muna baka magtampo ang mga magulang ko.
"Oo. Okay lang sa kanila na ako na bumili ng mga libro. Pinaliwanag ko na din na gusto ko lang bumawi sa mga ginawa nila sakin na maabot ko ang pagiging doktor ko." Sagot ni Uncle Drake.
Napatingin siya sa kwarto ko at tumatango pa.
"Organize ka talaga Bank. Lahat nasa ayos pero yung puso mo, nasa ayos na ba?" Tanong niya sakin.
Parang nagmimingwit ng informations mula sakin.
"Kind of. Naka-move on na din ako kay Mom at..."
"At doon ka naman sa kapatid mo?" He interjected.
Nanlaki ang mga mata ko nung narinig ko ang tanong niya sakin. Ganun na ba ako ka-obvious at nahalata pa ni Uncle Drake.
"Wag mo kong lokohin Bank dahil kitang kita ko kanina kung paano mo tingnan si Theo."
Oh... SHIYA!
Obvious nga siguro pero hindi naman kasi si Uncle Drake lang ata ang nakahalata. Mas mabuti na siya lang nakahalata kesa nina Mom at Dad. I'm sure papagalitan nila ako ng todo dahil sa kapatid pa ko nagkagusto.
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.