Chapter 16

1.1K 43 5
                                    

Bank's POV

Hindi ko inasahan na ganun ang itanong sakin ni Mom. Parang namimingwit siya ng information mula sakin pero bakit ganun ang tanong niya at ako pa ang naisip niya na babagay kay Theo.

Ang masaklap na nito ay narinig ni Dad ang usapan namin ni Mom.

"Dad, kanina ka pa diyan?" Tanong ni Mom.

Pansin ko na medyo uneasy si Mom. Inobserbahan ko ang kilos ni Mom pero agad naman siya nakabawi ng composure.

"Hindi naman. Narinig ko lang yung huling tanong mo Mom. Is it a joke right?" Tanong ni Dad.

"Yeah, I was joking Dad. Imposible naman na magkagusto si Bank kay Theo di ba?" Sagot ni Mom.

Napatingin sakin si Dad at para niya kong kinilatis na. Baka iba na rin ang iniisip ni Dad tungkol sakin. Lumapit siya sakin at napahawak sa balikat ko.

"Bank, ayoko na dun ka nakikitulog sa condo ni Theo. Hayaan mo na ang kapatid mo magsarili." Sabi ni Dad.

"Okay Dad." Sagot ko.

Ayoko na pahabain ang usapan at mabuti na din yun na hindi ako pinagbawalan ni Dad na bisitahin si Theo. At least, magkikita pa rin kami ng baby ko.

"Tara na Mom, baka malate tayo sa trabaho." Sabi ni Dad.

Nagbeso na si Mom sakin bago sila umalis ng bahay. Naiwan na naman ako dito mag-isa at bored na naman ako nito. Naisip ko na puntahan si Theo mamaya sa condo niya dahil wala siyang trabaho ngayon at wala din si Tita Saint dahil may trabaho siya.

Naligo ako at nagpa-gwapo para sa pagbisita ko kay Theo. Nagpabango pa nga ako para maakit ko ang baby ko. Nagpaalam ako kay P'Dott at umalis ng bahay.

Hindi na ako nagtext kay Theo na bibisitahin ko siya ngayong araw. Malamang tulog pa yun kaya hindi ko na dinistorbo. Masaya ako nagdadrive ng kotse ko hanggang sa makarating ako ng condo. Kilala naman ako ng mga staff kaya pasok agad ako papunta sa condo unit ni baby. Nag-doorbell ako at nakangiti na sasalubungin ako ng baby Theo ko. Pagbukas ng pinto ay napawi agad yung ngiti ko.

"Bank."

Bakit nandito si Max? Teka, bakit naka-topless siya?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Max, sino yan?"

Narinig ko ang boses ni Theo at pinuntahan na kami sa may pinto.

"Bank, ikaw pala yan. Hindi ka man lang nagtext." Sabi ni Theo.

Casual lang ang pagkasabi ni Theo na hindi man lang siya kinabahan. Siguro, wala naman nangyari at napa-react lang ako bigla na makita si Max dito at naka-topless pa. May tiwala naman ako kay Theo.

Pumasok ako at inirapan ko pa si Max.

"Nagpadeliver kasi si Dad ng breakfast ko at dun pa sa restaurant na pinagtatrabahoan ni Max." Sabi ni Theo.

Tumango lang ako at umupo sa may counter ng kitchen area.

"Max, sorry kung wala akong damit na kasya mo. Nagpapadala na ako ni Gun ng damit para sayo." Sigaw ni Theo kasi nasa living room siya.

"Okay lang Theo. Kasalanan ko naman yung nangyari." Sabi naman ni Max.

Tiningnan ko si Theo habang hinahanda niya yung pagkain. Almost 10am na at ngayon pa lang magbreakfast ang baby ko. Seryoso naman ni baby sa paghahanda pero distracting pa rin ang presensya ni Max nung nag-offer na siya ng tulong kay Theo.

My Sweet LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon