Theo's POV
Galit na galit ngayon si Sir Pakorn dahil hindi pa nahanap si Pavel. Kailangan na kasi namin magdesisyon kung papalitan na namin yung model at saka, naawa din ako sa manager niya dahil siya magbabayad ng penalty sa hindi pagsunod ng contract. Iyak ng iyak na nga yung manager ni Pavel at gusto ko siyang tulungan.
"P', nasaan ba si Pavel? Hindi ko rin siya makontak." Sabi ko.
"Ewan ko ba sa batang yun. Nag-aalala din ako. Baka anong nangyari sa kanya." Sagot niya sakin.
"I can help. Ipahanap natin siya, okay?"
"Salamat Theo. Please, help me. Anak na din ang turing ko sa batang yun. Wala na yung pamilya."
"I know P', kaya I'll do what I can."
Hindi ako nagdalawang isip na i-contact si Uncle Perth. Sila lang ni Uncle Perth ang maasahan ko kapag ganito at alam ko ma-excite siya sa ipapagawa ko. Mahilig kasi yun sa may action kasi nakaka-bored daw ang magbantay.
Pumayag naman si Uncle Perth na hanapin si Pavel. Nagsend na ako ng picture ni Pavel kay Uncle Perth at pati mga importanteng detalye. Alam ko inumpisahan na agad ni Uncle Perth.
But for now, naghahanap na kami ulit ng model. Isang madaliang pa-audition na ang ginawa ni Sir Pakorn. Sinet na niya ito bukas dahil nagmamadali na kami sa schedule namin.
Dahil sa stress ay niyaya ko si Gun na kumain kami at naisipan ko sa restaurant ni Off. Alam ko magagalit siya sakin pero matagal na siguro yung mga ganap nila sa buhay. Pinagbayaran na ng pamilya ni Off ang ginawa nila sa kanya. Maybe it's time to move forward at kung mahal pa nila ang isa't isa, sana wag nilang pigilan.
"Bakit dito mo gusto kumain?"
Yan ang unang tanong ni Gun sakin. Well, I expected it kaya alam ko na isasagot ko.
"Gusto ko lang dito." Sagot ko.
Hahahaha!
Ang babaw ng sagot ko, parang bata lang.
Pumasok kami sa restaurant at si Max ang sumalubong samin. Iba na ang uniform ni Max ngayon, hindi na pang waiter. Na-promote na ba siya sa restaurant na 'to?
"Theo, nakahanda na po yung VIP room." Sabi ni Max.
"VIP talaga? Okay lang naman dito oh."
Tinuro ko pa yung mesa na malapit samin.
"Sorry po, Theo. Ganun talaga ang inutos ni Sir Off samin kung sakaling maisipan mo kumain dito. Baka dahil din sa nangyari noon kaya automatic VIP room kayo."
Napailing nalang ako. Napansin ko rin na walang tao parang kami lang nandito.
"Bakit wala kayong costumer? Nalulugi na ba kayo?" Tanong ko.
Tumawa si Max sa tanong ko.
"Hindi po. Nung nagpareserve ka kaninang umaga, hindi muna kami nagbukas. Hinintay namin kayo bago kami magbukas."
Hmmm.. wala naman akong sinabi na kasama ko si Gun. Siguro ito talaga ang inutos ni Off sa kanila. Well, wala na ako magagawa kaya I'll go along na lang.
"Ok sige. And else, I want the owner of this restaurant to go at my room."
Biglang kinurot ako ni Gun at napa-aray pa ako.
"Theo, aalis na ko." Sabi pa niya.
"Okay. Kapag ginawa mo yan, ibig sabihin niyan ay affected ka pa rin kay Off."
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
Fiksi PenggemarBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.