Chapter 55

1.4K 38 14
                                    

I'm out of plans right now nung nalaman ko na ginawag hostage ni Art ang bata. Masyadong mahina ako pag bata na ang na-aagrabyado.

"Art, tama na. Lahat ng ito ay walang patutunguhan." Sabi ni Godt.

Hindi ko alam kung bluff ba ito o totoo pero seryoso si Art at gusto niya pipindutin yung button. Nag-panic na ang utak ko sa kakaisip kung paano ko aagawin yung button na hawak ni Art ngayon.

"Sige Wayo, utusan mo ang mga tauhan mo na barilin ako. Kapag ginawa mo yun para na din pinatay mo ang bata."

This is so frustrating and too evil!

Ginagamit niya ang bata para wala akong gawin laban sa kanya. Madali lang naman ipa-snipe si Art ngayon pero nag-aalala ako kay Kyo. Hindi ko alam kung nasaan siya o anong ginawa ni Art sa bata.

"You're bluffing." Sabi ko.

"Talaga? Bakit hindi natin tingnan bukas na mapapabalita na yung bahay ko ay sumabog? Nandun pa naman si Kyo." Sabi ni Art and he's trying to provoke me.

I'm out of words for now. Baka kasi hindi ito bluff at kasalanan ko pa ang pagkamatay ni Kyo. Hindi talaga ako mapapatawad ni Bank nito.

Tumayo si Art at naglakad siya ng dahan-dahan papunta sa kotse niya. May balak pa siyang tumakas sa amin pero hindi ko hahayaan ito. Nagpaputok yung isang tauhan ko sa kanya para tumigil.

"Talagang wala kang awa sa bata no? Isa pa Wayo at pipindutin ko talaga 'to." Banta niya sakin.

"Sa tingin mo makakatakas ka Art?" Tanong ko.

"Oo... kapag gugustuhin, may paraan!"

Papasok na sana siya sa kotse niya at dumating na rin yung mga pulis. Inirapan pa niya ko at tumawa.

"Kahit kailan magaling ka pa rin magplano pero mas magaling ako. Say goodbye to your precious Kyo."

Kinabahan ako nung seryoso na niya pipindutin yung button. Napatakbo pa kami ni Godt ng mabilis papunta sa kanya para pigilan siya at isang putok ng baril ang gumalanta sa amin. Napadapa ako bigla dahil dun.

Sumisigaw ng husto si Art at napatingin ako sa kanya. May bumaril sa kamay niya kung saan hawak niya ang remote button. Hindi yun silencer gun kasi may tunog.

"Bwisit ka, Art! May balak kang patayin ang apo ko!" Sigaw ni Pring.

Pinilit ni Pring na tumayo at naglakad siya papunta kay Art kahit nahihirapan.

"Gago ka! Ang napag-usapan natin ay patayin lang si Wayo at mga anak niya hindi yung apo ko!"

Binaril ulit ni Pring si Art sa kaliwang kamay.

"Mabuti nalang marunong pa rin ako umasinta!"

Sunod niyang binaril ang kaliwang balikat ni Art. Napatawa pa si Pring sa ginawa niya.

"Pring wag! Bluff lang yun. Promise!"  Agad binawi ni Art yung plano niya sakin kanina.

"Ako din nagba-bluff."

Binaril niya ulit si Art sa may tiyan. Babarilin ulit niya si Art pero napigilan siya ng stealth team ko. May umasinta sa baril ni Pring na hawak niya na nabitawan niya ito.

Sumigaw siya ng napakalakas!

Dinampot naman ng mga pulis si Art at mukhang buhay pa siya. Pinaalam sakin ng pulis na isusugod nila sa hospital si Art at hindi na ako nagreact. Hinuli na rin ng mga pulis si Pring pero bago siya dalhin ay kinausap muna siya ni Godt.

My Sweet LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon