Hinihintay namin si Sir Reun na tumawag sakin pero ilang araw na ang nakalipas ay wala pa rin kaming tawag na natanggap mula sa kanya. Balisa na din si Godt sa kaligtasan ng anak namin.
"Are you sure na hihintayin pa natin yung tawag niya?" Tanong sakin ni Godt habang nandito kami sa office ng bahay.
"Yes... hayaan mo isipin ni Sir Reun na nababaliw tayo sa kakahanap ni Bank."
"But Wayo, hindi ko na kailangan isugal pa ang buhay ng anak ko." Sabi niya sakin.
Tumayo at lumapit ako sa kanya.
"Sa tingin mo ba papayag ako niyan?" Tanong ko sa kanya. "Hindi niya hahayaan na may mangyari kay Bank dahil maisipan niya na ipagpalit ang anak niya sa anak natin."
Yan ang malaking probability na mangyari. Alam niya kung gaano ako makapangyarihan sa bansang ito at hihilingin niya na palayain ko si Lucy, but in his dreams. Hindi rin ako makakapayag na makalaya pa si Lucy.
Maya-maya ay may kumatok sa pintuan ng office, si P'Dott.
"Wayo, may bisita ka."
Nagtaka ako kung sino ang bisita ko. Wala naman akong inexpect na bisita sa araw na 'to dahil hinihintay ko palagi ang tawag ni Sir Reun.
Lumabas kami ng office at pumunta sa living room. Isang lalake na naka-suit ang nadatnan namin.
"Good morning po, Sir Wayo." Bati niya sakin.
I scrutinized him bago ako sumagot.
"Good morning, and who are you?" Tanong ko.
"Ako po pala si Nine, ang bago niyong head security." Sagot niya sakin.
Ahh. Akala ko kung sino siya, bagong security ko pala.
"Ikaw ba ang napili ni Perth para pumalit sa kanya?"
"Opo."
Sayang naman 'to, pwedeng pang model dahil sa aura niya. Matangkad, umaapaw sa sex appeal, and I'm sure, may muscles din.
"Okay. Sana naman na-inform ka na ni Perth lahat-lahat bago ka pumunta dito." Sabi ko.
"Yes po."
"Good. Sa ngayon, standby muna tayo."
Tumango siya at ngumiti pa. Agad naman tumabi sakin si Godt at niyakap niya ko. Ano na naman ang paandar ng asawa ko at may payakap pa sa ganitong sitwasyon namin?
Nagbigay na rin ako ng instructions sa kanya at agad naman niya hinanda lahat kung sakaling aalis na kami.
"Bitawan mo na ko Dad." Sabi ko.
"Ayoko. Baka makawala ka pa."
Napa-iling ako sa kanya dahil umaandar na naman ang ganitong personality niya.
"Come on Dad, wala tayong panahon sa ganito. Unahin muna natin si Bank, okay?"
Ngumisi lang siya pero hindi niya binitawan ang kamay ko. Nung pabalik na sana kami sa office biglang nag-ring yung phone ko.
Unknown number.
Mukhang si Sir Reun na ito. Sinagot ko yung tawag at hindi nga ako nagkamali.
"Magkita tayo Wayo." Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.
"Saan?"
"Ibibigay ko yung address at pumunta ka mamayang gabi na walang kasamang pulis o kahit security mo." Sagot niya sakin.
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.