Chapter 46

2.7K 75 0
                                    

GABRIEL POV

Nagising ako dahil sa sobrang lamig na nararamdaman ko.

"Aaarrggghh!" Sigaw ko dahil sa pag biglang bangon ako

Sobrang sakit ng ulo ko at langya! Kaya pala sobrang lamig dahil nakahubad ako pang taas. Nahiga ulit ako at binalot ng kunot ang buong katawan ko tsaka pumikit. pero bigla akong may naalala, inamoy amoy ko ang sarili ko hindi na ako amoy alak, ang hininga ko na lang. Sino ang nag hubad at nagpunas sakin?


Hindi na ako nag abalang isipin kung anu nangyari kagabi ang alam ko lang gusto kong uminom. Kakapikit ko pa lang ng mata ko ng biglang tumunog ang cellphone ko, hinayaan ko lang dahil tinatamad talaga akong bumangon.

Sa sobrang pinabayaan ko, tunog lang ito ng tunog pAti ang telephono, ring na din ng ring.

Naririndi na ako kaya bumangon na ako at sinagot ito.

"Hello?" inis kong bati

"Hello sir, mrs cortez move your meeting with her at three pm"

"Ok"

"Sir its one pm already but you are not here yet"

Napatingin ako sa wall clock ko at langya! Ala una na nga.

"Ill be there, bye"

Agad ko nang binaba ang telephono at diretso na sa banyo at naligo.

Kahit sobrang sakit pa ng ulo ko kailangan kung pumasok, anu ba naman kase yan move pa ang meeting sana ininform ng maaga diba?

Nagdrive na ako papunta sa companya. Pagdating ko sa office ko nakaabang na nga si lea.

"Good afternoon sir, sorry po hindi ko po kayo nainform agad"

"Its ok lea. Did you already eat?"

"Not yet sir"

"Ok, you can eat now. Ako na bahala dito"

"Ok sir thank you po"

Nang makaalis si lea agad ko nang niyuko ang ulo ko at pinikit ang mata. Kailangan kong ipahinga ito dahil baka bangag ako mamaya kaharap si mrs cortez.

Biglang bumukas ang pinto at agad ko naman inangat ang ulo ko para sana sabihan si lea na i take out na lang ako ng pagkain.

"What are you doing here?" tanong ko kay alexandra

Sa pagkakatanda ko shes the reason why i have a hang over now. Langya! Ewan ko pero bakit nagselos ako sa lintik na harvey na yun!

"Ganyan na pala ngayon ang pagbati sa empleyado mo? Well nandito lang naman ako para ibigay ang mga folder na hawak ko para permahan mo"

"Ok just put it there" sabi ko sabay yuko na ulit.

Naramdaman kung nilapag niya na sa table ko at himakbang na papalabas

"Imbes na magpasalamat dahil hinatid pa kagabi nangsisita pa tsk! Mga tao nga naman." Sabi nito kaya napaangat ako ng ulo. Hindi ko na nakita dahil pabagsak niya nng sinara ang pinto.

Bigla akong nabuhayan. Si siya pala naghatid sakin kagabi? I didnt expect.

Hindi ko alam sa sarili ko. I like her na nga ba? Kase pag nakakarinig ako ng pangalan ng lalaki na nacoconect sa kanya i feel jealous, wait jealous nga ba? Langya! Dagdag sakit sa ulo ang ginagawa ko kakaisip.

Instant Mommy (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon