GABRIEL POV
Dahil sa nangyaring iyon ay mas naging kontrolado ako sa sarili ko dahil ayaw kong bigyan rason si Alexandra na iwan ako. Mas maigi nang maghintay at papakasalan ko muna siya , bagay na pinapangarap ko mula nang sinagot niya ako. Hindi ko pa alam kong kailan ko siya yayain dahil wala pa akong maisip na magandang araw at kailangan kong pagplanuhan iyon ng maigi
Dinala namin ulit si Ish sa EK, katulad nang unang punta namin ay masaya pa din siya pero mas iba ang pakiramdam nang araw na iyon dahil hindi lang si ish ang masaya pati kami. Napaka maasikaso ni Alexandra pagdating sa anak niya at napakaswerte ko dahil binalingan niya ako at nakatanggap na ng atensyon. Kung dati ay kulang na lang na limusin ko iyon nang malaman kong may gusto ako sakanya pero ngayon kusa niya itong bininigay at ponaparamdam sakin.Wala na akong iba pang hihilingin dahil siya lang at ang anak niya ay sapat na.
Lumipas ang ilang araw, parati ko siyang sinusundo at hinahatid sa kanila para makita ko din si ish.
Nasa office ako ngayon at medyo madaming trinatrabaho. Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon at si Leah ang pumasok
"Sir, Bukas nang hapon na po ang Flight niyo pa Batanes at ang sa Baguio po pala pinamove ni Mr Cruz next week"
"Anong araw.ang baguio?"
"Friday po sir, Yung ticket niyo po at iba pang documents ay nasa bag na po na dadalhin niyo sir"
"ok, thank you.sa BCC "
"ok po sir" tugon ni leah tsaka lumabas din agad.
Napatayo ako sa upuan ko at tumayo at tiningnan ang paligid sa labas. Napahawak ako sa sintido ko at iniisip na sana pumayag si Alexandra sa gusto ko. Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number niya.
"Love?" bungad niya kaya napangiti ako dahil sa tuwing tatawag ako sa kanya naririnig ko ang pagtawag niyang love
"Love, pabalik kana ng office?" tanong ko kase umalis siya kanina
" nasa elevator na ako, why? "
"pwede kang dumeretso sa office ko love? may sasabihin lang ako"
"ofcourse, dederetso ako diyan, baba ko na ha, bye" sabi niya kaya binaba ko na at mabilis na tiningnan ang sarili ko sa reflection pero bigla n lang ako napalingon dahil narinig ko ang pagbukas ng pinto
Nakangiti ko siyang nilapitan tsaka kinuha ang bag nahawak niya at saka niyakap. Ito ang palaging ginagawa ko sa kanya dahil sa paraang iyon ay naamoy ko ang mabangong pabango niya na ikinakaadikan ko.
"Kumain kana ng lunch?" tanong niya at tumango naman ako. Siya ang nagpahatid ng pagkain ko kaya pano ko pa makakalimutan iyon lalong lalo na kung siya pa ang nagluto.
Sa aming dalawa siya palagi ang nagpapaalala sakin na kakain na. Kung nasa labas man ako, na may ka meeting ay hindi niya nakakalimutang tumawag para lang itanong sakin kung kumain na ba ako kaya kahit busy ay nagagawa ko pa din kumain nang tama.
"love may sasabihin pala ako"
"anu yun?"
"i have to meet someone in Batanes, isang araw lang iyon but i made it three days dahil isasama ko kayo ni ish doon" paliwanag ko sa kanya at tumango tango lang ito at kita sa mukha nya na may iniisip ito. Tiningnan ko lamang siya at naghihintay nang sagot niya, binalingan niya ako kaya ngumiti ako.
BINABASA MO ANG
Instant Mommy (Ongoing)
RomancePara sa kanya, sa mata nang mga magulang niya ay isang tambay siya dahil ang ginagawa niya bukod sa pagtago ng sariling negosyo ay inum dito inum doon. Sarili niya lang ang inaasikaso niya , boyfriend? wala dahil ayaw niya. Pero dahil sa aksidenteng...