Chapter 79

986 33 11
                                    

GABRIEL POV



Pinaliguan ko na si ish tsaka binihisan pero si alexandra mahimbing pa rin ang tulog. Masyado yata siyang napagod dahil samin ni ish kaya lumapit ako sa tabi niya at inayos ang kumot na nalaglag nanaman niya. Napakakulit niya ngayon matulog dahil ilang beses nang nalaglag ang kumot na nilagay ko.

Umupo ako sa tabi niya at pinagmamasdan ang maamong mukha niya, yung tipo na hindi ka talaga mag sasawa kakatitig. May nag doorbell kaya agad na akong tumayo dahil tumakbo si ish papunta sa pintuan kaya napangiti ako dahil sa dami ng strawberry na nakain niya ay nagutom pa din siya.

Pinaayos ko ang pagkain sa mesa nang bumitiw si ish sa kamay ko at tumakbo papunta sa gawi ni alexandra na ngayon ay nakaupo na at nakangiting sinalubong ang anak niyang tunatakbo papalapit sa kanya.

Nang lumabas ang naghatid nang pagkain ay lumapit na silang mag ina .

"Ikaw nagpaligo kay ish love?" bungad niyang tanong kaya napatango na lamang ako

"sorry, nakatulog pala ako love, ikaw pa tuloy ang nagpaligo sakanya" sabi niya , ang akala ko ay ikakagalit niya pero mali ako. Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap

"napagod ka samin kaya i let you sleep, isa pa we play lang naman ni ish then she ate a lot of strawberry then i gave her a quick shower" paliwanag ko at nagulat naman ako dahil sa biglang paghalik niya sa labi ko. Mabilis lamang iyon pero yun ang kaunaunang hinalikan niya ako sa harap ng anak niya at nang bagong gising siya. Yung mga nakaraan kase ako lang ang mapilit na halikan siya na bagong gising wala siyang takas pero pagkatapos ay pilit niyang umalis at magtungo sa banyo.



Masaya naming pinagsaluhan ang hapunan namin pagkatapos tiningnan namin ang mga litrato na kuha kahapon hanggang kanina.
Naunang naligo si Alexandra dahil papatuyuin niya pa ang buhok niya kaya nakikipaglaro muna ako kay sia habang hinihintay siya.

Pagkatapos niya ay sumunod naman agad akong pumasok sa banyo at naligo. Mabilis lamang akong maligo at nakapagbihis na nang lumabas sa banyo. Nakita kong may kausap si alexandra sa telephono kaya naupo na akp sa tabi ni ish at naghanap ng movie na panonoorin naming tatlo

Matapos ni alexandra sa kausap niya ay tumabi na siya sakin dahil naka higa si ish sa sa kabilang hita ko. Sinabi niya sakin kung sino ang kausap niya sa cellphone kahit hindi ko iyon tinanong sakanya. Magkayakap kaming dalawa habang si ish ay nakahiga pa din at nakatutok sa panonood ng Lion King. Ilang beses ko nang pinanood iyon at hindi pa din ako nag sasawa at hinding hindi magsasawa.

Parehas silang mag ina na nakatulog sa bisig at hita ko kaya hindi ko malaman kung sino ang uunahin kong buhatin at ilagay sa kama, biglang gumalaw si ish at hindi ko napigilan ang ulo niya dahil parehas hawak ng dalawang kamay ko ang ulo ni alexandra kaya nasa sofa na siya nakahiga. Dahan dahan kong inangat ang ulo ni alexandra tsaka tumayo habang ang mga kamay ko ay nakaalalay pa sa ulo niya.

Nabuhat at naihiga ko siya nang hindi siya nagising kaya binalikan ko si ish at binuhat tsaka dahan dahan na hiniga sa gitna. Inayos ko ang pagsalangsang ng kumot sa kanilang dalawa, hinalikan ko sila parehas sa noo nila tsaka pinatay na ang tv at nahiga na din sa tabi nila.

Maaga akong nagising kinabukasan at pinahanda ang almusal namin pero nagulat ako nang may biglang yumakap sa likod ko at nakangiti ko naman siyang inikito at niyakap din. Pinadasahan ko ng kamay ang buhok niyang magulo, isa sa naging paborito kong tingnan sa kanya simula nang nag batanes kami.

"Good morning love" bati ko sakanya at nakangiti ito nang sobrang tamis at natutukso akong halikan siya sa labi, pero bago ko pa man gawin ay naunahan niya na ako

Instant Mommy (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon