PROLOGUE

5.6K 124 22
                                    

PROLOGUE

“Mama, papa! W-where are you?” tumatangis na bulong ng bata, balot ng takot ang kanyang paos na tinig.

“Kuya, I’m s-scared… m-mama!” Lumakas ang kanyang panaghoy.

Nang walang ano ano’y may paniking sumulpot sa kanyang harapan, dahil sa gulat at takot ay napatakbo ang pobreng bata. Pagod na siya ngunit pinipilit pa ring ihakbang ang mga maliliit na paang manhid na sa katatakbo.

Halos hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari, animo isa itong masamang panaginip para sa munting nilalang. Kailan lamang ay puno ng saya ang kanilang pamilya na bihira lamang mamasyal ng buo dahil abala ang kanyang ama sa negosyo. Ngunit habang naglalaro sila ng kanyang kapatid ay napalayo siya rito at hindi na natukoy ang daan pabalik.

Namalayan na lamang niya ang paghila sa kanya ng isang mama at mabilis siyang isinakay sa isang itim na kotse. Hindi na niya nagawang pumalag dahil tinakpan na siya ng panyo na may masangsang na amoy at naging dahilan upang siya’y mawalan ng ulirat.

Nagising siyang nasa isang maliit na kwarto, narinig niya ang usapan ng mga mandurukot. Matatagalan pa raw bago siya ilabas dahil mainit ang sitwasyon lalo’t magbibigay ng isang milyon ang kanyang pamilya sa makakapagturo ng kanyang kinaroroonan.

Matagal rin siyang naghintay ng pagkakataon upang makatakas, mahal siya ng Diyos kaya sa kasalukuyan ay napapalayo na siya sa mga masasamang loob nang hindi pa namamalayan ng mga ito.

Natanaw niya ang kalsada kaya binilisan niya lalo ang pagtakbo, inaasahang nalalapit na ang pag-asa. Ngunit sa pag-apak niya sa sementadong daan ay siya ring paglabas ng humahagibis na sasakyan. Ang huli niyang naalala ay ang pagkasilaw sa isang maliwanag na bagay.

= = =

“Keith, sabihin na natin sa mga magulang niya ang kanyang kalagayan.” Pinukaw ng kaibigan ang kanyang atensyon mula sa nakahigang bata.

“Ni hindi nga tayo sigurado kung siya ang batang iyon, masyado kang nagpapasilaw sa isang milyon.” Balewala niyang sagot at ibinalik ang tingin sa na-aksidente niyang tao.

“It’s not just the money, alam mo kung ano ang pakiramdam ng walang pamilya. Gusto mo bang maranasan ‘yon ng bata?”

“Tayo ang magiging pamilya niya.” Determinado niyang sagot.

“Nababaliw ka na ba!? Hindi naman ‘yan ulila!”

“Tumahimik ka, kung ayaw nyo, ako ang mag-aalaga sa kanya.” Sagot niya sa kontroladong tinig.

“At ano? Anong klaseng buhay ang ibibigay mo sa batang ‘yan? Katulad natin? Kayang pumatay without any hesitation? Ng walang emosyon?” Tiningnan siya ni Chanel ng may pang-uusig.

“This can’t change the fact that you cannot conceive, wake up Keith.” Matagal na sandali ang lumipas bago siya nagsalitang muli.

“Huwag ka nang makialam pa Chanel, ‘pag nagising siya tatanungin natin kung siya nga ba ang batang iyon. Kung oo, sige ibabalik natin siya. Pero hangga’t wala siya malay, ako ang mag-aalaga sa kanya.” Pinal  niyang sagot, wala nang nagawa ang kaibigan kundi bumuntong hininga at umalis dahil nai-inis sa katigasan ng ulo ng babae.

Rebel's Death Angel #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon