................
In one stupid mistake can change your whole life.ISa isang pagkakamali maaring may masira kang pamilya, relasyon o pagkakaibigan.
.......
Mahal ,
Happy First anniversarrry, Mahal. Biruin mo tumagal tayo ng ganon. Pasensiya na kung sulat lang ang kaya kong ibigay sayo. Alam mo naman na hindi ako mayaman. At saka noong mga nakaraang araw na may nakakakita sa akin na lumalabas ng condo mo. Ang dahilan non pumupunta ako kay Mikhael. Siya ' yong pinagkamalan mong lalaki ko. Hindi totoo na may namamagitan sa amin at malabong mangyari iyon, dahil kapatid ko siya sa ama. Nakakahiya mang aminin anak kasi ako sa labas ng tatay ko. Kaya nga ang saya ko kasi tanggap mo ako kahit na hindi ako nakapagtapos ng pag aaral at hindi ako matalino. Nagpapasalamat nga ako kasi nakilala kita, dahil may nagtatanggol na sa akin. Salamat din kasi minahal mo ako kahit hindi ako kagandahan at ang simple ko lang. At iyon ay sobra kong pinagpapasalamat kay Yahawashi.
Kahit nga nasaktan ako sa mga sinabi mo na noong gabi na galit na galit ka sa akin na keso malandi ako.'Yon yung gabi na natakot ako sayo ng sobra. Hindi na lang ako umimik non at nakipagtalo, dahil alam ko na pagod ka sa trabaho mo saka nahihiya akong sumagot sayo, dahil pakiramdam ko na wala akong karapatan kasi nakikitira at pinapakain mo lang ako. Kahit di mo sabihin alam ko namang nagsasawa ka na sa akin at hindi mo na ko mahal at kita ko naman kung gaano ninyo kamahal ang isa't isa at congrats nga pala kasi magkakaanak na kayo. Alam ko namang iyan ang lagi mong hiling sa akin. Nagtataka ako bakit lagi kang gabi umuwi iyon pala ang dahilan. Dahil magkakaanak na kayo. Dapat sinabi mo sa akin willing naman ako na palayain kita. Siguro pagbinasa mo ito malamang wala na ako. Pagkatapos mo itong basahin may box na maliit kang makikita. Buksan mo iyon, surprise ko iyan sayo dapat nga hindi ko sasabihin kasi may anak ka na pero karapatan mo parin na malaman ito. Alam ko kasi na magiging masaya ka kasi bukod na anniversarry natin birthday mo pa. Iyan din ang dahilan bakit ako laging wala at kasama ko si Mikhael para pumuntang obgyne .
Mahal na Mahal na Mahal po kita at pinapalaya na po kita. Dahil ayaw ko makasira ang bubuoin ninyong pamilya. Huwag kang mag aalala hindi namin kayo guguluhin ng anak natin. Mag ingat ka at alagaan mo ang sarili mo at magiging anak ninyo. Paalam sayo Salvi..
Nagmamahal
Santina.Hindi mapigilang mapaiyak ni Salvi habang binabasa ang sulat ni Santina. Binukasan niya ang box na sinasabi nito. Pregnancy test ang laman non may kasama pang picture ng nagpunta ito ng clinic. At kita sa picture na ang saya nito dahil kumikislap ang kulay brown na mata nito habang nakahawak sa tiyan nito.
"M-Mahal, s-sorry kung b-bakit naniniwala ako sa sinasabi ng iba. I know na hindi ka talaga nagcheat kaya nga umuwi agad ako para magcelebrate tayo at magsorry sa mga nagawa ko sayo nitong mga nakaraang araw. Pero huli na ang lahat d-dahil iniwan mo na ako.."sabi ni Salvi habang patuloy na umiiyak at hinahaplos ang picture nito. Nang dahil lang sa isang pagkakamali, dahil sobra talaga siyang mali imbis na ito ang paniwalaan niya mas pinaniwalaan pa niya ang sinabi ng iba at ang mas malala nakabuntis pa siya.
...........................................................
A/N:Hellow! Sana magustuhan nyo. Try ko lang magsulat ng sobrang lungkot.
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ERRONEOUS
RomanceWarning this story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime Be unique Credit to wattpad for the photo.