Tulad nga ng napag usapan nila Menerva at Santina. Nagpunta sila sa Mall para mamili ng gamit ng babies ni Santina.Habang nasa mall sila at namimili ng mga damit pang baby. Bigla nyang hinila para magtago si Menerva. Nakita niya kasing mag kasama si Monica at Salvi. Mukhang bumibili rin ng damit pang baby.
"Sabihin mo na kaya na magkakababy na kayo kay Salvi para masupalpal mo yang babae na yan. Ikaw tatlo ang magiging anak ninyo eh iyan isa lang o diba lamang ka?" sabi ni Menerva.
Nakatago sila sa mga estante na pinaglalalagyan ng mga gamit pang babies.
"Magkakaron nga siya ng baby sa akin na tatlo pero si Monica naman ang Mahal niya" malungkot na sabi ni Santina.
"Hay! Santina. Malay mo pag sinabi mo ang totoo bumalik yong pagmamahal niya sayo" sabi ni Menerva.
"A-Ayos lang na hindi na niya ako Mahal. Bastat makita ko lang siyang masaya, masaya na rin ako" nakangiti ng napait si Santina.
Nakatingin siya kila Salvi na masayang namimili ng mga damit pang baby. Halatang excited.
"Santina, wag kang palaging iyak ng iyak. Matuto kang lumaban. Halika, lapitan natin sila at sabihin mo na ikaw ang original at siya ang fake dahil mukha siyang retukada, ikaw totoong maganda" sabi ni Menerva at hinihila siya.
"Wag na, hayaan na natin sila !" pigil ni Santina.
"Ow! Hello Santina" napatingin sila sa nag salita. It was Monica, nakakapit ito kay Salvi.
Ngumiti lang bilang sagot si Santina at nagyuko ng makita niyang nakatitig ng malamig sa kaniya si Salvi.
"Tsk.. Arte mukha namang tuko" bulong ni Menerva.
"Anong ginagawa nyo rito?" pababeng tanong nito at lalong naglingkis kay Salvi.
"Ay! Sunga! Hindi ba halata na buntis kami-este ako! At namimili kami ng damit ng baby ko" taray ni Menerva na muntik ng madulas.
"For your Baby, bakit kulay blue at halos lahat panglalaki? diba ang anak ninyo ay girl?" takang sabi ni Salvi.
Napakagat labi si Santina dahil alam niyang matalino si Salvi.
"Bakit purket blue eh pang girl? Bakit meron namang babae na mahilig sa blue ah!" buwelta ni Menerva.
Medyo nakahinga ng maluwag si Santina dahil sa pagsagip ni Menerva ng sitwasyon.
"Tama na ang usapan about her baby. Anyway, Santina and you " panimula ni Monica.
"Me?" takang tanong ni Menerva.
"Yes, you are invited to our engagement party kasabay ng birthday ni Babe" sabi ni Monica saka inabot ang invitation card. Kinuha ni Santina ito.
"Babe? tsk.. Hindi naman mukhang baboy si Salvi" bulong ni Menerva.
"Stop murmuring. I heard you. Say it clear and loud " asar na sabi ni Monica.
"Paenglish-english ka pa riyan? mas mukha ka pa ngang eskwater na nagpupumilit nag english kahit wrong grammar " inis na sabi ni Menerva.
"How dare you to insulted me?"
"Totoo naman ah! Sabi nila Truth can hurts. Tinamaan ka no kasi totoo?" mocking of Menerva.
"Tama na iyan, Menerva " awat ni Santina sa dalawa.
"Try to be kind like your friend" sabi ni Monica.
"Kind, tsk.. kung ikaw wag na lang saka ang pagiging mabait ko nakadepende sa kausap ko. Kung sayo lang wag na, dahil mukha kang Chuckie" sabi ni Menerva saka inirapan si Monica.
"Aba't!"
"Menerva, pakiusap magbayad na tayo at umalis" sabi ni Santina na sobrang naiilang kay Salvi.
"Tama, makinig ka kay Santina" sabi ni Monica.
Hinila na ni Santina ang kaibigan para magpunta ng counter at makapagbayad na para makaalis na sila.
****
"Nako!! kung hindi lang ako bundat na sabunutan ko na ang malanding babae na yon!" gigil na sabi ni Menerva.
"Ikaw akala mo naman hindi ka buntis kung makipag away ka" nakangiting sabi ni Santina.
Kasalukuyang nasa Condo sila ni Jam. Doon sila dumiretso.
"Siyempre! hindi ako papayag na ganunin ka lang, isa pa dapat hindi ka nagpapaapi basta-basta" sabi ni Menerva.
"Salamat sayo, lagi mo akong pinagtatanggol. Mamimiss talaga kita kapag umalis na ako" sabi ni Santina at niyakap ang kaibigan.
"Santina naman eh!! Pinaalala pa ang pag alis mo naman na hindi ko na nga iniisip yon kasi nga sobra kitang mamiss" sabi ni Menerva at napaiyak. " Wag ka na kasi umalis!"
"Sino aalis?" takang tanong ni Jam. May bitbit na pagkain.
"Wala! chismuso ka talaga!" taray ni Menerva.
Siniko ni Menerva ang kasintahan ng yakapin siya ni Jam.
"Ikaw talaga, gusto ko lang maglambing sayo eh!" sabi ni Jam at nagpout.
"Yan!" sabi ni Menerva at biglang nagsmack kay Jam. Natulala ito, napatawa si Santina. Mukha kasing natuklaw kasi si Jam.
"La! yari sayo kuya." sabi ni Menerva.
Ngumiti si Jam at niyakap si Menerva sa bewang.
"Lovey! isa pa, pakiss" nakangiting sabi ni Jam.
"La! Abusado si Kuya best? tama na yon" sabi ni Menerva.
"Yah! isa pa!" maktol ni Jam.
"Ano gusto mo? sapak isa?" sabi ni Menerva.
Sumimangot si Jam at biglang kinuha ang damit pang bata na kulay blue.
"Lovey? diba bumili na tayo ng mga damit ni baby girl? bakit ka bumili ulit? " sabi ni Jam.
"Pake mo ba?" taray ni Menerva at inagaw ang damit hawak ni Jam .
Napatingin si Jam kay Santina.
"Santina, buntis ka?" tanong ni Jam.
Nagkatinginan si Santina at Menerva.
"Bakit mo naman na sabi?" tanong ni Menerva.
"Eh! medyo tumaba yong tiyan niya" sagot ni Jam.
"Oo, buntis siya. Wag na wag mong sasabihin kay Salvi kung hindi yari ka sa akin!" banta ni Menerva.
"Gago talaga si Salvi, dalawa pa ang nabuntis! " naiilang na sabi ni Jam. " May balak ka bang sabihin kay Salvi?"
"Oo, pero siguro sa birthday na niya. Kakausapin ko siya para na rin magpaalam na aalis na ako para maging masaya na sila at hindi na sila mag away ni Kuya. Saka para malayo ako sa problema. Sabi kasi ng doctor kailangan ko malayo sa problema. Kaya nakapagdesisyon na ako na babalik na ako sa lugar namin" sabi ni Santina at pinahid ang luha sa pisnge niya.
"Kuya?" sabay na sabi ni Menerva at Jam.
"Si Kuya Mikhael"
"Fuck! Ikaw ang kapatid ni Mikhael sa labas na hinahanap niya?" sabi ni Jam.
Tumango si Santina.
"Bakit hindi mo sinabi kay Salvi ang totoo?, di sana kayo magkakaganito" sabi ni Jam.
"Kilan ko lang din nalaman, nung mahospital ako at don ko din nalaman na buntis ako" nakangiting sabi ni Santina.
Hindi mapigilang maawa ni Jam kay Santina. Pero napabilib siya nito dahil kahit ano ay kaya nitong gawin para sa kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ERRONEOUS
RomanceWarning this story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime Be unique Credit to wattpad for the photo.