After Fifteen years.."Nanay! Dalian na natin baka wala na tayong mabentang gulay sa bayan!" tawag ni Seave.
Nasa labas ito ng kubo. Nakabusangot itong nakangalumbaba habang nakaupo sa kawayan na upuan. Naka de quatro pa ito. Ang lokasyon nila ay sa taniman sa Hacienda.
"Teka nga! maghintay ka nga muna. Akala mo namang inaayos pa ang salansan nito eh!" inis na sabi ni Sam.
Kasalukuyan itong nag sasalansan ng gulay na ibebenta nila sa bayan at saka ipapasa sa tauhan nila. Nagpunas ng pawis si Sam sa mukha at batok. Bago tinali ang panyo sa noo nito. Medyo mahaba kasi ang buhok nito. Ayaw kasi magpagupit.
"Oo nga! try mo kayang tumulong dito. Kaluka ka! Nastress kami sayo!" sabi ni Sanz. Pumipilintik pa ang kamay nito.
Nagface powder ito sa may tapat ng salamin tapos saka nag lipstick. Sa kanilang tatlong kambal isa ang sumablay, ito si Sanz. Binabae kasi ito.
"Hay! tama na nga ang awayan nyong tatlo. Ikaw Sanz! sabi ko sayo bawal kang mag ganiyan dahil lalaki ka hindi babae" taas kilay na sabi ni Santina.
Still, siya pa rin ang Santina dati pero medyo nag iba na ang itsura niya. Pinaputulan niya kasi ang buhok naging gupit panlalaki na ito.
"Ehhh!!! Mudra! Girl akemay not boy Duh!" umirap pa ang luka.
Ang baklang toh!
"Hoy! tigilan mo nga iyan. Kasuka ka ha! Aga-aga eh! nagkakalat ka na naman" sabi ni Sam.
"Che! " inirapan ni Sanz si Sam.
"Sapakin kaya kita riyan! para matauhan ka!" angas na sabi ni Seave.
"Tama na! kayo talagang mga bata kayo. " sabi ni Santina at pinaghiwalay ang dalawa.
Dinilaan pa ni Sanz si Sam bago lumabas ng bahay.
"Ikaw magbitbit nito! puro ka kabaklaan diyan" inis na sabi ni Seave.
Pinabuhat nito kay Sanz ang isang basket ng gulay.
"What? magkakamasel ako!" iritang sabi ni Sanz.
Hindi na pinansin nila Santina ang kabaklaan ng anak.
Bigla niyang na alala yong mga panahon na nahirapan siya habang pinagbubuntis niya ang ito.
***
Yong pera na meron siya pinagpagawa niya ng kubo sa may burol. Dito na kasi niya na isip na tumira, malayo sa tao na mapanghusga. Kararating lang kasi niya ng Santa Isabel bulong-bulongan na siya. Nakeyso disgrasyada siyang babae. Balibhasa raw walang pinag aralan. Pero lahat ng iyon nilabas lang niya sa tenga.
Naghanap din siya ng trabaho. Pumasok siyang katulong. Yong amo niya manyakis kaya umalis siya. Tapos nag apply siya ng trabaho sa bar bilang waitress. Natanggap naman siya, kaso nung malaman na buntis siya tinanggal siya.
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ERRONEOUS
RomanceWarning this story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime Be unique Credit to wattpad for the photo.