*Kubo
"Ate Tina, kanina ka pa nakatingin sa langit ah?"sabi ni Rei at tumabi sa kaniya. Nasa bintana silang dalawa habang nakatingin sa kalangitan na puno ng kumikinang na bituin."Hindi ka ba na ngangawit?"tanong ni Rei. Nilingon siya ni Santina."Hindi, alam mo ba kaya ako palagi nakatingin sa langit tuwing gabi. Dahil nandiyan daw si Nanay at yung ibang mga taong yumao na sa langit daw na pupunta"nakangiting sabi ni Santina.
"Talaga po? Paano nangyari iyon?"
"Hindi ko alam. Sige tulog na tayo. Maaga pa kasi tayong gigising diba? At tutulong tayo sa pagtitinda ng isda ni Aleng Pamela "sabi ni Santina.
"Mga apo, tulog na kayo "mahinang sabi ni Inang Nelda. Matanda na kasi ito kaya nang hihina na.
"Opo, Matutulog na po kami "sagot nila parehas.
★†★
*Talipapa
Maagang gumising sila para makalagtinda. Pag umaga kasi maraming namimili sa Talipapa."Bili na po kayo ng isda!"sigaw ni Rei. Siya kasi ang taga tawag ng mga mamimili. Si Santina naman ang taga asikaso ng mga bumibili.
"Magkano ba ang mga isda ninyo?"tanong ng isang Ale kay Rei. Tinignan ni Rei ito. Kahit nasa Talipapa lang nakapustura pa ito at kahit malamig dahil umaga. Hindi alintana dito dahil nakasuot ito ng short na maigsi at hangging shirt. Saka naninigarilyo ito.
"Isang kilo po singkwenta po"sagot ni Rei dito.
"Sige sampong kilo "sabi ng Ale.
"Ate Tina, sampong kilo raw na isda"sabi ni Rei Kay Santina. Agad na nilinisan ni Santina ang isda.
"Ine ilang taon ka na ba?"tanong ng ale kay Santina. Saka tinitignan siya mula ulo hanggang paa.
"Bente po "nakangiting sabi ni Santina at inabot ang isdang nalinisan sa ale.
"hmm.. Gusto mo ba ng raket?"tanong nito.
"Trabaho po?"
"oo, gusto mo ba?"
"Sige po kung kaya ko po ang trabaho "
"Kaya mo iyon.Maganda ka kaya madali lang. Ganda lang ang kailangan mo doon at tiyak na kikita ka ng libo - libo kada gabi"
"Talaga ho, nako! mukhang kikita ako diyan ng malaki. Kailangan ko ho kasi ng pera para sa Inang ko."
"Calling card ko. Riyan mo ako tawagan kapag nakapag isip ka na "sabi ng ale at inabot ang calling card kay Santina.
"Sige po, salamat "ngiti lang ang sagot ng Ale. Lumapit sa kaniya si Rei .
"Ate ano iyong sinabi sayo ng ale?"tanong ni Rei.
"Trabaho, mukhang maganda ang trabaho."nakangiting sabi ni Santina."Binigyan nga ako nito o?"pinakita niya ang calling card kay Rei.
"Eh Ate paano mo siya matatawagan eh wala naman tayong telepono "kamot - kamot na sabi ni Rei.
"Oo nga eh!"napatawa na lang silang dalawa.
★†★
*Bayan
Nakaubos sila ng panindang isda kaya napagdesisyunan nilang pumuntang bayan para bumili ng gamot at lutong ulam.
"Buti na lang mabenta tayo kanina kaya malaki ang binigay sa atin ni Aleng Pamela no?"sabi ni Santina at napatingin kay Mimay. Nakaupo ito sa bench habang karga ang kapatid na umiiyak. Madungis din at bitbit ang mga kwentas na yari sa shells. Linapitan nila ito.
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ERRONEOUS
RomanceWarning this story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime Be unique Credit to wattpad for the photo.