28

1.9K 62 7
                                    


Ilang linggo na rin ang lumipas simula ng magkatampuhan sila ni Salvi at wala na namang nangyayaring hindi kanais-nais, ngayon nasa Sta. Isabela siya dahil naisipan niyang dumalaw sa puntod ng ina niya at inang sa burol. Ilang buwan na din ang lumipas ng muli siyang dumalaw dito.

"Kumusta na po Inang at nanay. Alam nyo po masaya po ako ngayon, dahil inaalagaan po ako ni Salvi- Ay! oo nga po pala. Nobyo ko na po pala si Salvi, mahal na mahal po niya ako. Lagi niya akong pinapasyal sa Maynila. Tapos alam nyo po ang dami ko pong naging kaibigan at mabait po sila sa akin" sabi ni Santina sa libingan ng kaniyang ina. Nilapag niya ang bulaklak sa harap ng puntod nito.

"Saka po tingin ko siya na po ang lalaki para sa akin. Mahal na mahal ko po siya"

Pagkatapos ni Santina dumalaw sa puntod ay dumiretso muna siya sa dati nilang lugar, upang ibigay ang pasalubong niyang cupcakes dito. Nakita niya ang bahay nila dati. Maayos pa naman ito, dahil pinatirhan kasi ni Santina ito. Bago siya lumuwas ng Maynila.

"Ate Tina!!!" tawag kay Santina ng mga bata na nakakasama niya sa aral-aralan nila. Lumapit siya sa mga ito.

"Kumusta na kayo?" tanong niya at yumakap ang mga ito sa kaniya. "May pasalubong ako sa inyo!"

"Wow!!!" sabi ng mga bata, kasalukuyan kasi sila nag aaral-aralan.

"Musta naman kayo?" ulit ni Santina. "Kuha lang kayo riyan. Ako gumawa niyan!"dagdag pa niya.

"Ayos naman po. Alam nyo po may tinayo na pong school malapit dito. Si Señorito Salvi at Señorito Mikhael po ang nagpagawa. Marami nga pong natuwa lalo na po kami kasi hindi na lang po kami rito sa kubo mag aaral kasi mayroon ng school kaming papasukan"Sabi ni Pepot.

"Maganda pala ano?"nakangiting sabi ni Santina. "Kaya kayo ay mag aral ng mabuti ah! wag nyong sayangin ang pagkakataon ha!" dugtong pa niya.

"Opo! lagi nga po kaming may star sa school " sabi ni Em-em. At pinakita ang star sa kamay.

"Buti naman kung ganon! pagbutihan nyo pa ang pag aaral nyo ha!" nakangiting sabi ni Santina at hinawakan sa ulo ang mga bata.

"Ate Tina, alam nyo po minsan may nagtanung sa amin na matandang babae. Tinatanong po ang inang ninyo" sabi ni Petpit.

"Sino naman?" takang tanong ni Santina.

"Hindi po sinabi, pero ang sabi niya may kailangan daw siyang tanungin sa inang nyo po" sabi ni Pepot.

"Ano itsura?" curious na tanong niya.

"Maganda po siya pero may edad na po" sabi ni Petpit.

"Tapos! alam nyo po mayaman po. May malaking kotse siya" sabi ni Em-Em.

"Hindi kotse yon! Van yon!" pagtatama ni Pepot.

"Ganon ba eh! di gulong din naman iyon ah!" angal ni Em-Em.

"O!! tama na yan. Baka mag away pa kayo!" natatawang awat ni Santina sa mga ito.

★†★

"Mahal!" tawag ni Salvi kay Santina.

Lumingon ito sa kaniya at ngumiti. Ang mga bata naman ay kinikilig.

"Ayieeee!!" tukso ng mga ito.

Agad namang niyakap ang kasintahan ng makalapit dito.

"Señorito Salvi!" tawag ni Em-Em kay Salvi.

"Yes?" nakangiting sabi ni Salvi at inakbayan si Santina.

"Syota mo po ba si Ate Tina? sweet nyo po kasi eh!" tanong ng bata.

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon