"Saan si Sanz, mahal?" tanong ni Salvi. At lumapit kay Santina. Kasalukuyang nasa kusina sila. Kung saan ay katatapos lang ni Santina magbake."Ah. Nandoon sa kubo nagtuturo sa mga anak ng trabahador dito sa Hacienda" nakangiting sabi ni Santina habang inaayos ng pagkalagay ang cupcakes sa loob ng basket.
"Ang sarap ng amoy mo, Mahal. Gusto tuloy kitang ulit kainin" bulong ni Salvi sa tenga ni Santina.
"Manahimik ka nga riyan!" namumulang sabi ni Santina. Napabungisngis si Salvi.
"Para kanino ang mga iyan, mahal?" tanong ni Salvi at niyakap mula sa likod si Santina. Saka inamoy-amoy.
"Hmmm.. Para sa mga bata. Alam mo kasi iyang si Sanz. May pagkapilyo at mapang-asar sa mga kambal niya, pero mabait siya tapos ang pangarap niya ay maging teacher balang araw. Gusto rin niya magtayo ng school" nakangiting sabi ni Santina. "Hmmm.. Bakit ka umiiyak na naman?" natatawa si Santina dahil kahit kunting bagay lang ay umiiyak si Salvi.
Ayos na rin ang pakitungo ng mga kambal dito. Tuwang-tuwa pa nga ang mga ito na malaman na maayos na ang mga magulang nila. Sila Menerva ay bumalik na ng Manila. Pero masaya rin ito para sa kaniya.
"Kasi kahit wala ako napalaki mo ng mabuti ang mga bata" sabi ni Salvi at niyakap ng mahigpit si Santina.
"Yay!! mukhang nahawa na si Tatay kay Sanz sa kabaklaan" sabi ni Sam na kararating lang kasama nito si Millie and napapansin nila na madalas itong magkasamang dalawa.
"Oo nga Dad, daig mo pa babae napakaiyakin. Hindi ka na naman iiwan ni Mama Tina eh" tumatawang sabi ni Millie.
Simula ng naglayas si Millie sa Mommy nito sa Manila. Naisipan niyang pumunta sa probinsiya sa kinalakihan niyang Daddy na si Salvi. Akala nga niya nung una masama ang pakikitungo ng mga ito lalo na ang mga kambal but sobra niyang saya ng pakitunguan siya ng mg ito na parang pamilya na. Even though siya ang naging dahilan kung bakit nasira ang pamilya nila dati. Nagsorry na rin siya kay Santina and tanggap siya nito at hindi sinisisi sa nangyari. Ngayon alam na niya. Kung bakit hanggang ngayon ay mahal pa rin ito ng Daddy niya, dahil hindi lang maganda mabait pa si Santina.
"Pake nyo ba? eh! mahal na mahal ko si Mahal eh" naglalambing na sabi ni Salvi at niyakap si Santina.
"Ah! Nay, punta na po kaming shop ni Baby-este Millie " sabi ni Sam na nakangiti.
"Anong baby? kay bata-bata mo pa Samuel eh lumalantod ka ng bata ka" sermon ni Santina.
"Nay! wag nyo nang tawaging Samuel?? Sam diba? Sam?" sabi ni Sam.
Full name niya kasi ang Samuel.
Dibale Samuel Quiatzon De Silva."Oo na Sam na, o siya umalis na kayo para marami ulit benta sa shop" sabi ni Santina. Lumapit si Sam at Millie para humalik kay Santina. Si Mille ay bumaling kay Salvi para humalik sa pisnge.
"Ingat kayo ah!" sabi ni Santina.
"Opo Nay! Love you po" sabi ni Sam.
"Hay!" napabuntong hininga si Santina. "Kita mo nga naman si Sam binata na" sabi ni Santina.
"Yes, I agree with you Mahal. And bagay sila ni Millie diba?" sabi ni Salvi at natawa ng kurutin siya ni Santina. " Bakit?"
"Ikaw! kusintidor ka rin eh?" sabi ni Santina at binuhat ang basket.
"Mahal, ako na riyan" sabi ni Salvi at binigay ni Santina ang basket sa kaniya.
Naglakad sila papuntang kubo kung saan nag tuturo si Sanz.
***
Samantalang..
Sa kubo ay tahimik na nagkukulay ang mga tinuturuan na bata ni Sanz, may provided na siyang coloring book at iba pang gamit like white board, pentel, notebook, lapis at iba pang pang art works para sa benteng bata na studyante niya. Sariling pera niya ang pinambibili niya dito. Iniipon niya ang bigay ng magulang niya.Mag iisang taon na din siyang nagtuturo sa mga bata. Kaya niya naisip mag aralan dito sa loob ng Hacienda, nalaman niya kasing puro mahihirap at hindi kayang pag aralin ng mga magulang ang mga bata rito. Dagdag pa ang kwentong karanasan ng Nanay niya. Na kung walang aral-aralan na laro ng mga bata sa Bario nila ay hindi ito matutong bumasa at sumulat. Kaya naantig ang damdamin niya at pinangarap na din niyang maging guro.
"Teacher!! " tawag ni Mie, ito ay cute na batang babe, anak ng hardinero sa Hacienda. Siguro four years old lang ito.
"Bakit Mie?" tanong ni Sanz at nilapitan ang bata na may hawak na color.
"Diba po ito ay kulay pula?" tanong nito at pinakita ang crayon na color red.
"Oo tama, galing ah?" nakangiting sabi ni Sanz at ginulo ang buhok.
"Ahmm.. Teacher, wala pa po ba meryenda?" tanong ni Biboy. Chubby itong bata, at laging gutom anak ng taga linis sa hacienda. Siguro five years old na ito.
"Meryenda!!" saktong dating nila Santinan at Salvi. Nagningning agad ang mata ng mga bata. Tuwing nag aaralan kasi sila. Laging kay pameryenda si Santina kaya lalong ginaganahan ang mga bata na mag aral..
"Ano tinuturo mo sa kanila ngayon?" tanong ni Santina habang nagpapamigay ng Cupcakes.
"Tungkol po sa Coyloys" si Bipbip ang sumagot batang pinaka bibo sa tinuruan ni Sanz, three years old lang ito. Pamangkin ng isa sa taga tanim sa hacienda. Medyo bulol ito sa english.
"Ano sabi ko mga bata? pagkumakain" sermon ni Sanz sa mga bata ng makitang nagkakagulo ito.
"Tahimik lang po kapag kakain tapos po.. tapos po wag sasalita pag puno ang bibig" sabay-sabay na sabi ng mga bata. At pumila ng maayos habang nakangiting nag papamigay si Santina..
"Very good" nakangiting sabi ni Sanz.
Masunurin kasi ang mga batang tinuturuan ni Sanz. Kaya natutuwa sa kaniya ang mga trabahador sa kaniya at lalo na sa pamilya nila. Hindi porket yumaman sila ay mag iiba ugali nila. Ang pamilya nila ang patunay na sinuwerte man sa buhay hindi nagbabago ang kabutihan na pinakita.
"Nakakatuwa naman kayo. Dahil diyan mag papaquiz si Teacher Sanz sa inyo tapos sino pinakamataas sa inyo ay may premyo sa akin" sabi ni Salvi.
"Yeheyyyyy!!!" masayang sigaw ng mga bata.
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ERRONEOUS
RomanceWarning this story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime Be unique Credit to wattpad for the photo.