24

1.9K 49 2
                                    

"Bakit ang tahimik mo ata?" tanong ni Menerva kay Santina.

Nagb-bake sila ngayon dahil i-deliver nila ito sa Gregory's Cafe. Nakausap kasi nila ang may-ari nito nung isang na napadaan sila sa Cafe nito at pinatikim ang bake nilang cup-cakes, and gladly nagustuhan nito ang lasa.

"Ahmm.. Namimis ko na kasi si Bunso, huling kita kasi namin nung nasa probinsiya pa ako" malungkot na sabi ni Santina.

"Wala ba kayong contact, saka bakit wala ka paring cellphone?" sabi ni Menerva at inaayos ang cup-cakes sa kahon.

"Wala pa kasi akong pera, saka nahihiya naman akong mahingi kay Salvi" sabi ni Santina.

"Pagkatapos natin magbenta, bumili ka na ng cellphone mo ah! para hindi rin ako nahihirapan na kuntakin ka. Siguro wala ka ring social media account no?" sabi ni Menerva.

"Ano ba yon?"tanong ni Santina.

"Ito o!"sabi ni Menerva at binuksan ang Social media account nito.

"Oohh guys!! ang gwapo talaga ni Fafa Mikhael!!" tumitili na sabi ni Mnerva habang nag stalk sila sa Instagram. "And puta! si Fafa Salvi mo o! shit ang gwapo" dagdag pa nito.

Nakikita nila ang pictures na magkakasama ang mga ito, nasa beach at nakahalf naked,kaya kita ang mga muskles ng mga ito.

"Ay! namumula siya!" tukso ni Menerva kay Santina. Napatakip sa mukha si Santina sa hiya. Kaya ang kaibigan niya napatawa ng malakas.

"Ay! fuck shit! tignan mo. May kasamang ungyango ang fafa mo pati yong damuho na yon!!" nanggigil na sabi ni Menerva. "Bwiset talaga yang lalaki kahit kailan oo!!"dugtong pa nito.

Biglang natahimik si Santina at iniwas ang tingin sa pictures na may kasamang mga chiks, at ang mas malala si Kayden na nakayakap kay Salvi habang nasa bar.

"Hay! hayaan na nga natin sila. Kaya ikaw Santina, ingat ka ha! saka wag kang mag alala manlalaki rin tayo!" sabi ni Menerva. "Igagawa kita ng instagram account, tapos picture tayo then post natin. Saka! ay! post natin yung mga bakes natin para kahit online pwede tayo kumita"dadag pa nito.

Mga ilang minuto nga nagawan na nag instagram si Santina.Then nag picture silang dalawa kasama ng mga bakes nila.

After a minutes boom. Ang daming nag notification sa account na kagagawa pa lang. Nakita rin nilang may nagmessage ng orders.

"Ohh! gosh! tignan mo" tuwang - tuwa na sabi ni Menerva.

"Hala! ikaw sumagot sa kanila " sabi ni Santina.

★†★

"Pare, may instagram pala si Santina" sabi ni Kai.

"Instagram?" tanong ni Salvi, nasa office sila ngayon at itong kaibigan niya nakitambay lang.

"Oo, akala ko ba hindi marunong mag cellphone iyon" sabi ni Kai.

Tumayo si Salvi at lumapit kay Kai na prenteng nakaupo sa couch.

"And brad, nag post siya ng pictures nila ni Menerva with their bakes" sabi ni Kai.

Napangiti siya ng makita niya. Kung gaano kaganda si Santina sa picture.

"Brad, ang dami agad nag follow sa kaniya" sabi ni Kai.

Pumunta sa swivel chair at kinuha ang phone then open his instagram, search niya yong name ni Santina then follow it.

"Bilis brad, pinalow mo agad ah!" nakangiting sabi ni Kai.

Ngumiti lang si Salvi at napatingin sa picture niya sa phone na silang dalawa habang natutulog ang dalaga. Samantalang siya nakayakap mula sa likod at nakahalik siya sa pisnge nito.

★†★

"Uy! pinalow ka ni Fafa Salvi mo at tinag ka pa " tinignan nila parehas ang pictures. Bigla siyang namula ng makita na kumakain siya ng ice cream habang nakasalampak siya sa lapag, busy siya sa panunuod.Ang sumunod ay yong nakahiga sila sa kama tapos nakayakap sa kaniya ito at nakahalik sa pisnge niya.

"Ay! ang sweet naman " nakangiting sabi ni Menerva kay Santina.

"Hindi ko alam iyan " sabi ni Santina habang namumula ang mukha.

***

Pumasok na sila sa Cafe at ang mismong may ari nito ang sumalubong sa kanila.

"Goodday,.Santina" nakangiting sabi ni Gregory. Hindi maikakailang gwapo ito. May asawa na ito at isang anak.

"Good day rin po. Salamat po sa pagbili ng cup cakes" nakangiting sabi ni Santina at nilapag sa may table.

"Sir Gregory -"si Menerva.

"Gregory na lang. Masiyadong formal naman " nakangiting sabi ni Gregory.

"Ok , Gregory. May instagram account na si Santina. Kapag mag order na lang kayo pm na lang " sabi ni Menerva at sinabi ang account.

"Mas maganda iyon, any way sasabihin ko rin sa iba pang kaibigan ko na may cafe para sa inyo rin sila mag order" sabi ni Gregory.

"Nako! salamat po" masayang sabi ni Gregory at inabot ang bayad. "Walang ano man, I hope someday may sarili na kayong shop " dugtong pa nito.

"Nako! sana mag dilang anghel ka po" sabi ni Menerva. "Tara na, Santina. Bibili na tayo ng phone mo at tuturuan kita para kahit ikaw lang alam mo ang gagawin. Isa pa gagawan din kita ng facebook at twitter account"excited na sabi pa nito at lumabas sila ng cafe.

***

Dumiretso sila sa Mall malapit sa Cafe at nag hanap sila ng latest Samsung phone.

"Ang mahal naman niyan " sabi ni Santina kay Menerva ng tinitiganan nila ang mga presyo ng mga phone.

"Ayos lang iyan, matagal mo na mang magagamit eh" sabi ni Menerva. "At isa pa, kailangan mo rin magkaroon ng account sa bangko. Magpapatulong tayo kay Fafa Salvi mo, para yong kinikita mo pwede mong ipunin"dagdag pa nito.

"Pwede pala iyon?" sabi ni Santina.

"Oo naman" sabi ni Menerva.

Nabili na nila ang phone at lumabas na sila ng Mall , nag abang ng taxi.

"Ahm Menerva daan tayo sa office ni Salvi. Gusto ko kasi siyang dalhan ng meryenda " sabi ni Santina.

"Sige, kaya pala may ginawa kang cup cake na ibang flavored. Paano mo pala nalaman na gusto niya ng chocolate caramel" sabi ni Menerva.

"Hmm.. Nakikita ko kasi na lagi niyang kinakain iyon " nakangiting sabi ni Santina.

"Sabagay, sa araw - araw ba naman. Pero alam ba niya napupunta tayo?" sabi ni Menerva.

"Hindi, gusto ko lang siyang gulatin" nakangiting sabi ni Santina.

"Sige, para pag may babaeng dumadalaw sa kaniya ng hindi mo alam, malalaman natin" malademinyong sabi ni Menerva.

"Wala naman siguro" sabi ni Santina at kinabahan bigla.

Pinara ni Menerva ang taxi saka sumakay sila.

.............................................................

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon