"Santina!" tili na tawag ni Menerva kay Santina."O! Menerva. Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka. Nakapaghanda sana kami" sabi ni Santina. Binitawan niya ang binuburdang rosas at nilapag sa lamesita. Bago sinalubong sila Menerva.
"Para surprise! saka miss na rin kita no!" nakangiting sabi ni Menerva at niyakap si Santina.
Naisipan kasing dalawin ni Menerva together with her Family ang lugar nila Santina. Ilang linggo na din na hindi sila nagkita mag mula nung insidente sa Party ni Janna.
"Hello, tita Merve!" bati ni Sanz at nakipagbeso pa kay Menerva.
"Ay! kay gwapo naman ni Sanz. Pagkalalaki ka na lang at ligawan mo si Janna" sabi ni Menerva at napatingin sila kay Janna.
"Tita Nerv, di kami talo niyan. Tignan mo siya mas brusko pa nga siya sa akin eh!" sabi ni Sanz.
"Oo nga Ma, saka friends lang kami ni Sanz" sabi ni Janna at inakbayan si Sanz.
Napatingin sila kay Janna na nakasuot ng maluwag na t-shirt na black at maong short na above the knee, saka na rubber shoes. Nakaipit din ang buhok nito na pa-breed.
" Saan nga pala yong dalawang kambal?" tanong ni Menerva.
"Ay! upo muna kayo" alok ni Santina. "Ah! sinama ni Salvi pabalik ng Manila, para kausapin si Monica" dagdag pa ni Santina at sumenyas sa kasambahay na maghanda ng meryenda nila, hapon na din kasi.
"Ayos na kayo?" tanong ni Menerv.
"Sa akin, oo. Pero kay Seave ay medyo tagilid pa" sagot ni Santina at tumulong sa paglapag ng meryenda sa lamesita.
" Ma, gala mo na kami ni Sanz" paalam ni Janna.
"Sige, ingat kayo ah!" sabi ni Santina.
"yes po, Tita" sabi ni Janna. Bago lumabas kasama ni Sanz.
"So, pero nagkabalikan kayo?"
Umiling si Santina.
"Ibig sabihin, dahil lang sa bata kaya ka nakikitungo sa kaniya. Pero may feelings ka ba sa kaniya?"
"Hindi naman maalis iyon sa akin. Pero naisip ko na ayos na rin sa akin na maging maayos sila ng mga bata." nakangiting sabi ni Santina.
Hindi niya maitatanggi na hanggang ngayon ay Mahal parin niya si Salvi. Kahit alam niyang hindi totoo na kasal ito kay Monica. Mahirap parin sumugal ulit sa pagmamahal baka masaktan na naman siya sa huli.
***
Pagkarating ng Manila agad na pinuntahan nilang mag aama ay ang company niya. Upang ipakilala sa mga employees niya doon ang kambal.Una maraming nagulat at nagtaka dahil ang alam lang ng mga tao doon ay si Monica lang ang anak niya. Pero maraming kinilig at nagkagusto sa dalawa. Tuwang-tuwa doon si Sam dahil maraming chiks, samantalang si Seave ay tahimik lang.
Pagkatapos nila roon sa company ay dinala ni Salvi ang dalawang kambal niya sa Mansion ng Mommy niya sa Manila upang ipakilala na din ang anak niya rito. At siyempre makapag usap sila ni Monica about sa fake marriage nila. Sa totoo lang siya lang ang nakakaalam noon. Dahil sinadya niyang gawin yon para pagdumating yung araw na nahanap na niya ang mag ina niya ay madali na lang na muli silang mabuo.
"Saan si Mom?" tanong ni Salvi sa katulong.
"Nasa garden po" sagot ng katulong na nagtatakang nakatingin sa dalawang kambal.
"Am.. Pakitawag nga lahat ng kasambahay at ipapakilala ko sa kanila ang kambal kong anak." sabi Salvi.
Agad naman na sumunod ito. Ilang minuto lang lahat ng katiwala sa bahay ay nandiyan na. Ipinakilala ni Salvi ang kambal na anak niya kay Santina. Hindi na nagtaka ang mga katulong dahil si Santina lang naman ang una niyang dinala na babae sa Mansion.
Dumiretso sila sa garden at nakita nila ang ginang doon na busy sa pag aayos ng bumalaklak. Nakatalikod ito sa kanila.
"Mom!" tinapik ni Salvi ito sa balikat. Lumingon sa kanila ito at nanlaki ang mata ng makita ang kambal.
Lumapit ang kambal dito para magmano.
"Mom may twin" sabi ni Salvi na pagpapakilala sa dalawa.
"Hello po, ako po si Sam" nakangiting sabi ni Sam.
Napadako ang mata ng ginang kay Seave. Ngumiti si Seave dito.
"Seave?" nakangiting sabi ng ginang.
"Opo, kumusta na po" sabi ni Seave at lumapit sa ginang. Niyakap siya nito.
"Kaya pala ang gaan ng pakiramdam ko sayo, dahil apo pala kita" sabi ng ginang at hinawakan sa magkabilang pisnge si Seave. "Tara apo, payakap si Lola" baling nito kay Sam. Nakangiti na mang lumapit para yumakap si Sam matanda.
"Actually, Mom. Threeplets sila nasa province. It was Sanz. " nakangiting sabi ni Salvi at inakbayan si Sam at Seave.
"Wow! bakit hindi ninyo kasama?" tanong ng ginang.
"Wala raw kasing kasama ang Nanay nila" sabi ni Salvi.
"Sino ang ina nila? si Santina ba?" tanong ng ginang.
"Yes, Mom. And kaya ko sinama sila para narin ipakilala sayo. Pero ang sadya ko talaga ay makipag usap kay Monica about our marriage" sabi ni Salvi. "Mom, sorry to say this. But our marriage is not valid" dagdag niya pa.
"Paanong nangyari iyon?" takang tanong ng ginang.
"I do on purpose. Sa totoo lang Mom, her daughter is not mine. Iba ang tatay ni Millie. I don't know. Kung sino siya? Sorry, mom kung ngayon ko lang sinabi ito. Mom, I know na ayaw mo kay Santina for me, but Mom. I love her so much and gusto ko na mabuo ang family namin. Pero hindi nangangahulugan na hindi mahalaga sa akin si Millie. Si Millie ay parang anak ko na rin. " sabi ni Salvi.
"Yes, I know son that those years na mag kasama kayo ni Monica ay hindi ka naman talaga masaya. Dahil alam ko. Santina is your true happiness" sabi ng ginang.
"Hindi ka galit?" takang sabi ni Santina.
"No, this time hahayaan na kita na mabuo ang pamilya mo. Pero paano sila Monica?"
"Ako ng bahala roon, Mom. Ang mahalaga ay ayos lang sayo kami ni Santina" nakangiting sabi ni Salvi.
"Tara ulit mga, apo. pwede nyo ba akong tulungan sa pag aayos dito"
"Sige po" sabi ni Sam
Si Seave ay lumapit lang.
"Mom, iwan ko po muna ang kambal pupuntahan ko lang si Monica para makapag usap na kami" sabi ni Salvi.
"Sige, gusto ko rin makasama muna ang dalawang ito" sabi ng ginang.
.
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ERRONEOUS
RomanceWarning this story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime Be unique Credit to wattpad for the photo.