"Kuya Salvi!"salubong ni Mimay kay Salvi na karaating lang.Inabot niya dito ang mga pinamili niyang mga gamit dito."Salamat po kuya "ngiti lang ang sinukli niya.
"Magandang gabi po Señorito Salvi .."bati ng mga katulong at katiwala sa Hacienda.
"Balita ko, dinalaw kayo ni Santina rito ah!"sabi ni Salvi kay Mimay.
"Opo, kanina po. Kinamusta lang po niya kami. Saglit lang po siya nagpunta kasi pupuntahan niya mo na daw ang Inang niya .Nahospital po kasi "sabi ni Mimay.
"How's her Inang?"tanong ni Salvi at umupo sila sa sofa.
"Ahm.. hindi pa raw po gumigising. Makikipagkita nga po ngayon si Ate Santina sa nag-aalok sa kaniya ng trabaho papuntang Manila. Kailangan niya raw po kasi ng pera pambayad sa hospital "sabi ni Mimay.
"Trabaho? Anong trabaho naman daw ?"
"Ganda lang daw po ang kailangan tiyak daw po na kikita ng malaking pera "
Biglang kinutuban ng masama si Salvi sa sinabi palang na Ganda ang kailangan siguradong ibang trabaho ang ibibigay nito.
"Ahm.. Mimay, saan sila magkikita ?"tanong ni Salvi.
"Hindi ko alam. Wala pong binanggit si Ate eh!" sagot ni Mimay.
"Sige. 'Wag mo nakong intayin kumain "sabi ni Salvi at nagmadali na umalis kailangan niyang mapigilang umalis si Santina, dahil baka mapahamak ito.
Dumetso siya kung saan niya unang nakita si Santina sakto namang nakita niya si Rei na kakalabas lang ng kubo. Kaya hininto niya ang kotse.Saka bumaba.
"Ahm.. Saan ang ate mo?"tanong niya kay Rei .
"Ang sabi niya po pupunta siya ng bayan para makipagkita. Bakit po ba?"sabi ni Rei.
"Ahm. Kanina pa ba siya umalis ?"hindi niya pinansin ang tanong nito. Dahil importante sa kaniya kung paano ito mahahabol.
"Opo mga hapon. Baka daw po kasi magalit ang katagpo niya kaya inagahan na po niya "sabi ni Rei.
"Saan ka papunta?"
"Kay Inang Nelda po. Pwede po ba pasabay po mahirap po kasing sumakay eh !"
"sige "
Habang nasa biyahe siya hindi siya mapakali sa kakatingin sa paligid. Matapos niya kasing mahatid si Rei sa hospital binigyan niya ito ng pera. Pagdating niya sa bayan agad siyang bumaba para hanapin si Santina. Hindi niya makita ito.
"Shit!"mura niya at agad na sumakay ng kotse baka maabutan pa niya.
★†★
Sa isang Van kapansin pansin na maraming kababaihan na kasama si Santina mga magaganda at sexy ang mga ito. May mga simple at may nakamake up.
"Tingin mo saan tayo pagtrabahuhin?"tanong ni Ana kay Santina nakilala lang niya ito kanina.
"Hindi ko pa nga rin alam eh!"sagot niya at taimtim na nagdadasal.
Nagulat sila biglang huminto ang Van.Kaya muntik na silang masubsob sa unahan.
"T*ng ina naman Eman. Bakit bigla kang humihinto?"inis na sabi ni Mizandra ang ale na nakausap ni Santina sa talipapa.
"Eh! biglang may humarang na kotse sa unahan natin."sagot ni Eman.
"Bwiset! "sabi ni Mizandra at bumaba.
Binuksan ng mga babae ang bintana ng Van para makita ang humintong Kotse. Nakita niyang may bumaba doon.
"Señor Salvi!"sabay na banggit nila ni Ana. Nagkatinginan silang dalawa. "Kakilala mo siya?"tanong ni Ana sa kaniya. Tumango siya.
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ERRONEOUS
RomanceWarning this story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime Be unique Credit to wattpad for the photo.