9

2.1K 60 1
                                    


"Bili na kayong gulay! "sigaw ni Rei. Sinimulan na kasi nilang magtinda ng gulay. Si Rei ang nagtitinda ng gulay at si Santina naman ang nagtitinda ng isda."Isda kayo diyan!"sigaw ni Santina. Nakita niyang si Ana mukha namimili rin ito. "Ana bili kaya ng isda?"tawag niya dito .Lumapit naman ito at tinaasan siya ng kilay.

"Magkano naman ang isda ninyo aber at mukhang bilasa na?"taray nito.

"Nako ! hindi kakahango lang niyan!"sabi ni Santina.

"Kakahango? eh! mukhang kinulayan lang ang hasang!"taray ulit nito habang sinisipat ang isda.

"Ate sariwa pa po iyan"sabat ni Rei.

"Ikaw ba kinakausap ko para sumabat kang bata ka hah!"inis na sabi nito kay Rei .Doon na nagbago ang aura ni Santina.

"Kung ayaw mo bumili ng isda di wag hindi iyong sinisiraan mo pa ang paninda namin. Saka noong isang araw ka pa ah! ano bang problema natin sa pagkakatanda ko tinulungan pa nga kitang iligtas tayo eh?"sabi ni Santina.

"Ito lang ang masasabi ko sayo Santina. Wag na wag kang lalapit kay Salvi at malilintikan ka sa akin!"galit na sabi nito at dinuduro siya ng isda.

"Salvi?Señor Salvi ba kamo? Eh ano naman kung lumapit ako sa kaniya?"sabi ni Santina.

"Basta wag kang lalapit sa kaniya maliwanag at isa pa wag na wag ka ng pupunta ng Mansion "sabi ni Ana at umalis.

"Ano problema non Ate?"tanong ni Rei.

"Nako? hayaan mo na nga iyon .Ang importante makabenta tayo"sabi ni Santina.

Maaga silang nakauwi galing ng Talipapa at may nakita silang isang Ginang na nakaupo sa harapan ng bahay nila.

"ahm.. Magandang umaga po.Sino po ang hanap nila?"tanong ni Santina.

"Ahmm.. Iha, dito parin ba nakatira si Aleng Nelda yong matandang kumadruna?"tanong nito.Kung titignan mukhang thirty lang ito .

"Opo, ano pong kailangan ninyo kay Inang?"tanong ni Santina.Yumakap sa kaniya si Rei.

"Ah! itatanong ko lang kung nandito pa sa kaniya yung batang pinaampon ko noon?"tanong nito at tumingin kay Rei. "Siya na ba iyon?"dugtong nito.Lumapit sa dito si Rei agad naman niyakap ng ginang ito. "Anak pasensiya ka na at ngayon lang kita nasundo hah! Kailangan mo na kasi ni Mama na makapagtapos at makahanap ng trabaho. Ngayon ayos na ang buhay ko may magandang trabaho na ako kaya kukunin nakita "hinaplos nito ang mukha ni Rei.

Hindi mapigilang umiyak ni Santina dahil hindi na nila kailangan magpakahirap para hanapin ang ina ni Rei dahil kusa na itong dumating.

"Ahm.. Iha na saan nga pala si Aleng Nelda?"tanong nito.

"Wala na po si Inang ilang araw na po ang nakakalipas. Ngayon nyo na po ba kukunin si Bunso?"sabi ni Santina.

"Oho sana?"sabi ng ginang."Ako pala si Corazon .Ikaw iha anong pangalan mo?"

"Ahm..Santina po. Nako po napakabait po niyang bata ni Rei. Alagaan ninyo po sana siyang mabuti ."sabi ni Santina.

"Ahm.Mama, sama po natin si Ate Tina. Wala na po kasi silang pamilya "sabi ni Rei at pumunta kay Santina at hinawakan nito ang kamay.

"Nako Bunso wag na. Saka diba? hahanapin ko pa ang Ama ko. Kaya ayos lang na sumama ka sa Mama mo"nakangiting sabi ni Santina at niyakap si Rei. "Mamimis kita at wag kang pasaway doon ah! tandaan mo mahal na mahal ka ni Ate ah!"dugtong pa ni Santina .

"Opo Ate, sana ikaw din mahanap mo ang Ama mo "sabi ni Rei. Ngumiti si Santina.

★†★

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon