53

2.2K 61 0
                                    


Nagising si Santina sa lakas ng ulan. Bigla niyang na alala na natutulog sa kubo si Salvi. Tiyak na nilalamig na ito. Agad siyang nagsuot ng roba at kumuha ng payong. Kahit malakas ang ulan ay ang lakas ng loob niyang pinuntahan ito.

"Salvi!" tawag niya at kinatok ang nakasaradong kubo.

Nabuksan niya ang pinto at agad na pumasok sa loob. Nakita niyang nangangatog itong nakabaluktot. Nakakumot ito ng manipis habang umuubo. Namumula rin ang pisnge nito. Kita niya ito gamit ang kasera. Nilapitan niya ito.

"Salvi, gising" sabi niya at dinama niya ang noo at leeg nito. Sobrang init nito.

"Salvi, sus ko po. Ang taas ng lagnat mo" natatarantang sabi ni Santina.

"M-Mahal, ikaw ba yan?" paos na sabi ni Salvi at medyo nakabukas ang mata.

"Oo, tara ililipat kita sa mansion para magawan kita ng soup"sabi ni Santina.

Napansin din niya na humina na ang ulan. Kaya ayos lang na dalhin niya sa mansion si Salvi.

"Kaya mo bang tumayo?" alalang tanong ni Santina.

Tumango si Salvi. Inalalayan niya na tumayo si Salvi. Good thing at malapit lang ang kubo. Nakita sila ng tauhan na agad na lumapit ito.

"Magandang gabi, Señora. Tulungan ko na po kayo" sabi ni Mang Nado.

"Nako!, salamat. May lagnat kasi siya. Dadalhin ko lang sa Mansion" sabi ni Santina.

"Ang sipag naman po kasi niyan ni Señor Salvi eh. Ayaw magpaawat sa pagtrabaho. Mukhang desidido ho na mapa Oo kayo" sabi ng matanda.

Ngiti na lang ang sinagot niya rito. Inalalayan nila si Salvi hanggang guest room sa baba.

"Salamat talaga, mang Nado" sabi ni Santina.

"Walang anuman po. Pag kailangan nyo po ng tulong sabihin ninyo lang po" sabi ng Matanda at saka nagpaalam na uuwi na.

Ngayon sila na lang ni Salvi sa kwarto. Lumabas siya para pumuntang kusina. Gumawa siya ng salabat para mabawasan ang taas ng lagnat nito. Pagkatapos makagawa. Agad siyang dumiretso sa kwarto. May dala na rin siyang pamusa sa katawan nito. Matapos linisan, ginising niya si Salvi para mainom ang ginawa niyang salabat tea.

"Salvi, inumin mo muna ito para gumaan ang pakiramdam mo" sabi ni Santina.

Nagising si Salvi at inalalayan siya ni Santina na umupo. Inalalayan niya na inumin ang ginawa niyang inumin. Napangiwi ito.

"Ano ba ito? ang anghang?" sabi ni Salvi.

"Salabat iyan. Mas mabisa ito para mawala ang lagnat mo" sabi ni Santina.

"Hindi ko naman kailangan nyan para mawala ang lagnat ko" sabi ni Salvi at titig na titig sa mukha niya.

"Anong hindi? inumin mo na yan. Para mawala na ang lagnat mo at makatulog ka na." sabi ni Santina.

Nagulat siya ng hinila siya nito at napaupo siya sa kandungan nito.

"Ikaw lang sapat na para mawala ang lagnat ko" malambing na sabi ni Salvi at niyakap siya saka sinubsob nito ang mukha sa leeg niya.

"Sus! nang bobola ka lang eh. Inumin mo na ito at makatulog kana. Ako naman ay aakyat na para matulog na rin ako" sabi ni Santina.

Napsinghap siya ng higpitan nito ang yakap sa kaniya.

"Parang gusto ko tuloy na magkalagnat araw-araw kung kasama kita. Ganto tayo kalapit tulad ng dati" sabi ni Salvi. Nagulat si Santina ng maramdaman na may tumulong tubig sa leeg niya. Narinig na rin niyang humihikbi si Salvi.

He's crying!

"I miss you, Mahal. Sobra talaga akong nagsisi na sinira ng galit at selos ko sa kapatid mo ang pamilya natin" sabi ni Salvi na naka harap sa kaniya. Nakita niyang namumula ang mata nito.

"Ang tanga-tanga ko talaga. Sana masaya tayo at buo ang pamilya natin. Kasama sana ako ninyo sa paglaki ng mga kambal. Sinayang ko ang fifteen years na dapat kasama ko kayo" sabi ni Salvi na medyo pumiyok. "Santina, hindi na ba pwede na mabuo ang pamilya natin?" malungkot na sabi ni Salvi.

"Paano si Monica?  paano si Millie?" hindi na napigilang umiyak ni Santina.

"Wag mo silang isipin. Dahil nakausap ko na si Monica na hindi totoo ang kasal namin. Nagalit siya, oo. Pero wala na akong pake doon. Dahil ang mahalaga ay mabuo na ang pamilya ko. Please, Mahal. Bigyan mo ako ng pagkakataon na bumawi sa inyo" sabi ni Salvi at hinawakan ang magkabilang pisnge ni Santina saka pinahid ang luha.

"Pagaling ka muna" sabi ni Santina at pinahid ang luha ni Salvi sa pisnge. "Saka na tayo mag usap " Inabot ni Santina ang ginawa niyang salabat.

"Pakiss mo na!" pilyong sabi ni Salvi.

Nanlaki ang mata ni Santina ng hapitin nito ang bewang niya saka halikan ng mapusok. Napahawak siya sa dibdib nito. Umangat ang mga kamay nito upang hawakan ang magkabilang pisnge niya. Hindi na din niya napigilang gumanti ng halik dito at iyakap ang braso sa leeg nito.

"Tama na, nakakarami ka na. inumin mo na yong salabat" hinihingal na sabi ni Santina matapos maghalikan.

Nag aalangan mang abutin ni Salvi ay ininum parin niya ito.

"Magpahinga ka na at bumilis ang pag galing mo" sabi ni Santina. "Dali na, kailangan mo ng matulog" sabi ni Santina dahil ayaw siyang pakawalan ni Salvi.

"Pwede bang tabi tayong matulog" kagat labing sabi ni Salvi at hinila siya pahiga.

"May magagawa pa ba ako?" sabi ni Santina

Napabungisngis si Salvi at siniksik ang mukha sa leeg ni Santina saka niyakap ng mahigpit.

Napangiti si Santina habang pinagmamasdan ang tulog na si Salvi. Naghihilik pa ito. Ganto ito kapag sobrang pagod sa trabaho tulad dati. Kapag magkatabi silang matulog. Sinuklay niya ang buhok nito. Napabuntong hininga siya saka humikab. Nakaramdam na rin siya ng antok kaya pinikit niya ang mata para matulog na.


 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon