25

1.9K 53 5
                                    


"Wow! ang ganda naman dito!" manghang sabi ni Menerva habang nililibot ang paningin habang nasa loob sila ng glass na Elevator.

"Oo nga, ang galing no! yari sa salamin" sabi ni Santina.

Tumunog ang Elevator at magkasabay na lumabas sa mga nag trabaho sa firm.

"Diba, si Fafa Salvi ang may ari nito. Siguro malaki ang office non no!" sabi ni Menerva.

"Oo, sobrang laki tapos may glass din. Kaso nga lang ang sungit ng babae na sikritari niya, sinungitan ba naman ako nung dinalhan ko si Salvi" sabi ni Santina.

Napahinto sila ng makita sa glasswall na may kausap si Salvi at babae pa. Mukhang naiinis si Salvi base sa itsura nito.

"Sinasabi ko na nga ba? yOng sea species na naman, sabi ko sayo eh! nanchiks iyang si Fafa Salvi mo eh!" sabi ni Menerva at nagtago sila.

"Baka naman may pag uusapan lang sila" sabi ni Santina.

"Pag-uusapan? Pak shettt! talaga! nakita mo ba mag uusap lang ba yang nakaupo sa kandungan" nanggagalaiting sabi ni Menerva at hinila siya.

"Teka lang, baka makita tayo nila!" sabi ni Santina at pinipigilan si Menerva.

"Pake ko sa kanila. Ayos lang iyon para malaman ng Fafa Salvi mo " sabi ni Menerva at hinila siya sa hanggang nasa tapat na sila ng office .

At si Salvi hindi sila napansin dahil busy ito kay Kayden na naka kandong pa. Biglang namanhid si Santina ng makitang hinalikan ni Kayden si Salvi.

"A-Ah M-Menerva, p-paiwan na lang natin itong cup cake sa sikritari niya" pigil na iyak na sabi ni Santina.

"Puta! ano yun? hahayaan mo siyang lukuhin ka? aba't hindi pwede yon? porket gwapo at mayaman siya, ikaw mahirap lang ay may karapatan na siyang lukuhin ka at ipagpalit sa sea species" sabi ni Menerva.

"Pakiusap, Menerva! ayaw ko ng gulo" napaiyak na si Santina.

"Tangna na iyan!" sabi ni Menerva at iniwanan siya, ito na lang ang kumausap sa secretary ni Salvi. Naiwan siyang humihikbi at pinipigilang umiyak. Kahit pinagtitinginan siya ng mga tao wala siyang pakialam.

"Anong kailangan nyo kay Boss? he's still have meeting with his client. Kaya hindi siya pwedeng istorbuhin" masungit na sabi ng secretary kay Menerva. Tinaasan ng kilay Menerva ito at pabalang na nilapag ang cupcakes na halos madurog na dahil napatingin ito kila Salvi na naglalampungan.

"So! meeting pala ang meaning ng pakikipaglaplapan sa Boss mo, at isa pa pakisabi sa boss mo na malandi. Kung gagawa siya ng kalukuhan with his sea species client eh! galing-galingan niya. Yong hindi malalaman ng kaibigan ko " malamig na sabi ni Menerva at tinuro si Santina. "At iyan, wag mo siyang tinatarayan, dahil hindi hamak na mas maganda pa siya sayo. Kaya ikaw ilugar mo yang ugali mo ah! act according to your face. Mukha ka na nga kuhol. Tapos ang ugali mo kasing itim ng tuhod mo, pa skirt-skirt pa hindi naman bagay. Saka isa pa! office itong pinasukan mo hindi bar, gaga! Saka pakisabi pala sa Boss mo. Enjoy ka mo siya at pakibigay na lang ito "dagdag pa nito.

"Are commanding me? at isa pa wala kang paki kung paano ako manamit!" galit bulaw nito. Napalapit na si Santina, dahil baka mapaaway si Menerva at mapaano pa ang baby nito.

"Menerva, tara na!" at hinawakan niya ito sa braso.

"Aba't! sumasagot ka pa? ibibigay mo ba iyan sa boss mo ikakaladkad kita mula rito sa fifth floor hangang first floor. Ngayong buntis pa naman ako at mabilis mang init ulo ko!" gigil na sabi ni Menerva. Ang secretary naman natulala. "Puta! ako na nga!"at dinampot ang box ng cupcakes, saka dire-diretsong pumasok ng office. Sinundan ni Santina, si Menerva.

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon