11

2.1K 58 1
                                    

"Babe, akala ko ba next month ka pa babalik ng Bario Santa Isabela?"tanong ni Kayden. Nakahiga ito sa kama at tanging kumot lang ang nakatabing. "Ang sabi mo pa sabay tayo?"malambing na sabi pa nito kay Salvi. Kasalukuyang nag bibihis si Salvi ng hinubad niyang damit. Katatapos lang nilang magtalik ni Kayden.

"I miss Mimay and her bunso. Napamahal na kasi sila kaya gusto ko silang kamustahin"sabi ni Salvi.

"Tsk.. Baka ang sabihin mo namimiss mo si Ms. Poor Idiot "irap na sabi ni Kayden.

"Paano kung sabihin kong namimiss ko rin siya?"prangkang sabi niya.

Yes, He admitted that he misses Santina so much. Saka parang may kakaibang kaba siyang nararamdaman this past few weeks na iwanan niya ito. Nung tumawag kasi siya one time sa Mansion. Si Ana ang sumagot at ang sabi nito pagkagising daw ni Santina umuwi na agad ito.

"Sige, I gotta go "sabi ni Salvi at iniwan si Kayden na nakasimangot.

☆†☆

"Fuck you De Silva!!"umiiyak na sabi ni Kayden ng umalis si Salvi.

Alam na naman niya at malinaw ang status nilang dalawa ni Salvi. Bedwarmer, fuckbuddy, sexmate, friends with Benefits ang relation nila. Pero hindi niya talaga mapigilang hindi mahulog dito. Alam niyang sa sariling hindi lang lust ang nararamdaman niya rito, dahil simula ng may mangyari sa kanila hindi na siya naghanap ng iba pa.

"I'll make sure you will be Jealous De Silva, sa gagawin ko "nakangisi niyang sabi.

☆†★

"Ate Tina!"tawag ni Mimay kay Santina.

Kasalukuyang natutulog si Santina sa dayami sa kulungan ng kabayo. Ilang lingo o halos mag isang buwan na siya roon dahil hindi parin daw siya pinapatawad ni Ana kasi nasaktan niya kuno ang dignidad nito? Wow! BIG WORD!!.

"O! Anong ginagawa mo rito, Mimay. Baka mapagalitan ka ni Doñia Ana ka pag nahuli ka niyang pinapakain mo ako"sabi ni Santina at nahihirapan  na bumangon.

Iniinda niya kasi ang pasa niya sa katawan na dulot ng pamamalo ni Ana sa binti niya. Halos malumpo na nga siya dahil doon tapos kung padalhan siya ng pagkain isang beses sa isang araw.Gustuhin man niyang umuwi hindi niya magawa dahil maraming bantay.Tapos idagdag pa ang pasa at pilay niya sa binti.

"Hindi iyan. Ito dinalhan kita ng pagkain "sabi ni Mimay at binigay sa kaniya ang pagkain na nasa baonan. Agad niyang binuksan iyon dahil gutom na gutom na siya.

"Aha! Kaya pala nawawala ka biglang bata ka ha! Dahil dinadalhan mo siya ng pagkain dito ah!"sabi ni Ana at piningot si Mimay.

"Doñia Ana, tama na po. Ako n-nag utos sa kaniya na dalhan ako ng pagkain "pagsisinungaling ni Santina.

"Ganon ba hmm.. Dahil diyan hindi ka na papakainin mamatay ka diyan "sabi ni Ana at kinuha ang baonan saka kinaladkad si Mimay palayo sa kaniya.

Hindi niya mapigilang umiyak dahil sa ng yayari sa kaniya. Kung kailan kailangan niya ng tulong saka wala si Salvi .Ang rinig niya kasi kasama nito ang nobya na si Kayden sa Manila. Kaya siguro hindi ito umuuwi ng Santa Isabela.

"Pst.."rinig niya. Hinanap niya kung saan ng kagaling. "Pst.. Dito!"sabi nito. Nilingon niya ito.Nakita niya ang isang binata. Nakasuot ito na pang cowboy. Gwapo ito pero moreno maganda ang pangangatawan halatang batak sa trabaho.

"Ahm.. What are you doing here or  you atleast taking a bath?"tanong nito. Napatingin siya sa mata nito. Kulay Blue, tulad ng kay Salvi. Lumapit sa kaniya ito at hinawakan ang braso niyang may pasa."Who did this to you?"tanong nito. Napakunot noo siya hindi niya kasi maintindihan ang sinasabi nito. "Pipe ka ba?"islang na sabi nito. Muntik pa siyang matawa.

"Hindi ako pipe"sabi niya.

"Oh.. Sorry I thought you are a pipe. Because You didn't reply "nakangiting sabi nito.

"Ah! Kung sino ka man pwede pakitagalog hindi kasi kita maintindihan eh!"nahihiyang sabi ni Santina at nagyuko.

"Oh.. Sorry Miss. Ahmm.. Ano bang yari sayo, bakit ganiyan ang suot mo?Punit-punit tapos ang dumi at ang baho pa"mahabang sabi nito habang nakatingin sa kaniya.

Totoo ang sinabi nito na punit - punit ang suot niyang damit. Actually damit ito ni Salvi na pinahiram sa kaniya. Simula ng dalhin siya sa kwardra ng mga kabayo hindi na siya nakapagpalit at nakapaligo.

"Wala ito."ngumiti siya at nagpumilit na tumayo ngunit tumumba siya buti na lang inalalayan siya nito.

"Ano bang nangyari sayo at may pasa ka. Are you experiencing an abuse?"alalang sabi nito. "Let me see your legs!"sabi nito. Kahit na iilang si Santina ay hinayaan na lang niya nag stranghero na hawakan ang hita niya. "Fuck! My pasa ka at namamaga ang buto mo. Maybe na trauma dahil sa pagpalo ng matigas na bagay rito.You need to see a doctor to check this. Kung hindi lalala ito"alalang sabi nito.

"Hindi ko kayang magpunta sa doctor."sabi ni Santina.

"Don't worry I will help you "sabi nito at binuhat siya.

"Ahm.. B-Baka makita nila na kasama mo ako."sabi ni Santina na iilang.

"Akong bahala. Wala r'yan si Auncle Sañiel and his so called Mahal. Kasuka! Matanda na naglalandi pa "hindi mapigilang matawa ni Santina dahil sa slang ng pagkakasabi nito with matching make face. Ngumiti ito sa kaniya. "That's why I love to be here in the Philippines, because even though the Filipinos have their own struggle in life. Still, they manage to smile and be positive "sabi nito.

"Kuya Zacharias.. Saan ninyo po dadalhin si Ate Tina?"si Mimay nang makita sila nito.Buhat nito ang kapatid na bunso.

"Dadalhin ko siya sa hospital. Because she need to be cure"sabi ni Zacharias at sinakay si Santina sa kotse.

"Kuya! Pakiingatan po si Ate Tina. Wag ninyo po siya ulit dalhin dito baka po saktan siya ulit ni Doñia Ana"sabi ni Mimay.

"Yes, I will "nakangiting sabi ni Zacharias at pinaandar ang sasakyan.

☆†☆

Habang nagbibiyahe panaka-naka niyang tinitiganan ang babae na kasama niya. Mahimbing itong natutulog. Kanina ng makita niya si Mimay na pumunta dito. Curious siya dahil ilang araw na ganoon ang gawain ng bata laging may dalang iba't ibang pagkain pag pupunta roon.

Kanina na pag desisyunan na niyang sundan ito at nakita niya na may kinakausap itong babae. Naawa siya sa lagay nito. Kahit n a madumi itong tignan. Halata parin ito na maputi at maganda ang dalaga. Dahil sa awa kaya tinulungan niya ito at naglakas loob ng kausapin ito.

His name is Zacharias De Silva, cousin ni Salvi, twenty four and chief, half Italian and Fil-Am. Kakauwi lang niya from Italy. Naisipan niya mo ng mag bakasyon sa Pinas. Kaya siya umuwi rito at ilang linggo na rin siya sa puder ng Auncle niya na nakikipaglandian sa bago nitong Kerida. Nasusuka nga siya kapag nakikita ito na sa harap - harapan niya ginagawa. He is not bitter. Talaga naman nakakasuka kasi may asawa itong tao tapos nakikipag landian.

Alam kasi ng pamilya nila na arrange marriage lang ang magulang ni Salvi kaya siguro ganoon ang Auncle niya at ang balita niya dati eh. May girlfriend ito noon na nagtrabaho sa Hacienda Quatzon pero dahil sa kasalan kaya nakipag hiwalay ito sa kasintahan.

Tinignan niya ulit ang dalaga. Naghihilik pa ito marahil siguro sa pagod. Gusto niyang magalit sa ng abuso dito. Dahil sa itsura nitong kaawa - awa.

"Don't worry. I will help you and protect you "nakangiting sabi niya.

.............................................................

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon