45

2.1K 70 3
                                    


"Saan ka ba galing bata ka ha!?" sermon ni Santina kay Seave na kakarating lang. "At sinama mo pa talaga si Alena!" dagdag pa nito.

"Nanay, sorry na kung hindi ako nagpaalam" sabi ni Seave at niyakap ang ina na nag aalala.

"Nako mudrakels! kaya ganiyan eh! may magawa na namang kalukuhan kaya ka nilalambing" sabi ni Sanz.

Sinamaan ito ng tingin ni Seave.

"Ano nga? naghihintay ako ng paliwanag?" taas kilay na sabi ni Santina.

Kumamot sa batok si Seave.

"Eh! Nay kasi-" naputol ang sasabihin nito ng muling sumingit si Sanz.

"Nay! tingin ko balak na niyang itanan si Alena!" sabi ni Sanz habang busy sa pag nail polish ba color pink na may design na hello kitty. Ka join force nito si Anikka na nag kyotiks din.

"Hala! sino magtatanan?" gulat na tanong ni Sam nakakarating lang.

"Si Seave itatanan si Alena" sagot ni Sanz.

"Totoo ba yon? twinnie " gulat na tanong ni Anika.

"Teka nga lang muna! pwede ba pag salitain nyo muna ako!" iritang sabi ni Seave.

"Pero totoo ba iyon?" tanong ni Santina.

"Nay! hindi, at wala akong balak." Saka kaya kami gabi nakauwi ni Alena dahil may tinulungan kaming matanda" sabi ni Seave.

Tahimik na nakikinig sila Santina.

"Muntik na siyang patayin. Kaya tumulong kami. Tapos may sugat siya kaya dinala namin siya sa hospital. Kaya kami ginabi kasi inintay pa namin ang pamilya niya" sabi ni Seave.

"Ahhhh!!" react ni Sanz.

"Eh! kambal!, bakit kayo magkasama ni Alena?" si Sam na nanunudyo ang tingin.

"Ahmm.. Sinundan ko kasi siya papuntang burol then hinintay ko si Seave tapos nakita namin yung matanda" si Alena ang nagsalita at nagyuko ng tingin.

"Eh! bakit mo naman sinundan si Kambal?" si Sanz. Nakaismid ito.

"Guys! tama na ang kakatanong. Gusto ko na ding magpahinga" sabi ni Seave .

"Goodnight Nanay, I love you" sabi ni Seave sa ina. Humalik ito sa noo ni Santina bago pumasok sa kwarto nito.

"Problema nun?" natatawang sabi ni Sam.

"Ahmm.. Kami din po pasok na kami sa kwarto" aya ni Alena sa kambal.

"Ahm.. Mga anak Imbitado nga pala tayo sa sweet sixteen ng kinakapatid  ninyo. Kaya kailangan nating lumuwas ng Manila" sabi ni Santina.

"Eh! sigurado ka po Mamuder!, carry mo na bang pumuntang Manila?" alalang tanong ni Sanz kay Santina.

"Oo naman, saka saglit lang naman tayo" nakangiting sabi ni Santina.

"Yes!!! mamakakita ako ng mga chicks doon!!" sigaw ni Sam.

"Anong chicks ?" nilakihan ng mata ni Santina ang anak.

"Ikaw naman Nay!, yung ano-ano yung...? bago breed ng sisiw ang ibig kong sabihin. Hehehe" sabi ni Sam.

"Nay wag kang maniwala diyan may kakatagpuin siguro iyan. Yung kachat niya sa fb" sabi ni Sa nz.

"Sam!" warning tone.

"Nay! hindi kaya!" - Sam at nalakihan ng mata si Sanz.

"Kita mo Nay!, yung mata niya?. Tapos alam mo pa. Malaki yung dyoga at bumper nung mga chicks niya!" sumbong ni Sanz.

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon