8

2.2K 58 1
                                    

Maagang nagpunta sina Santina at Rei sa Hacienda De Silva. Maaga kasi silang nakaubos ng isda kaya dumeretso sila rito upang magbakasakaling matulungan siya ni Salvi na makakuha ng trabaho.

"Magandang araw po. Nandiyan po si Señor Salvi?"tanong ni Santina sa body guard .

"Nako iha wala dito si Señorito Salvi pero si Mayor Sañiel ang nandiyan."sabi ng guard.

"Amh.. Manong  masungit po ba siya ?"tanong ni Santina.

Ang chismis kasi sa Bario nila striktro raw at mautoridad na tao ang Mayor. Kaya maraming ilag dito.

"Hindi naman, pagdating sa magandang dilag na tulad. Anong ipaglilikod ko sayo magandang binibini?"nakangiting sabi ni Mayor Sañiel na nasa terrace ng ikalawang palapag ng Mansion.

"Ahm.. Magandang umaga po.Ang sadya ko po sana ay si Señor Salvi."sabi ni Santina.

"Ganoon ba?Halika at pumanik ka mo na rito at pag usapan natin ang iyong sadya?"sabi ni Mayor.

Lumapit sa kaniya ang guard para bumulong."Ingat ka riyan. Mukhang tipo ka ni Mayor. Babaero iyan "bulong nito.

"Salamat Manong "ngiting sabi ni Santina.

Umakyat sila patungo sa kinalalagyan ni Mayor. Sinalubong sila nito saka inalalayan siyang umupo.

"Salamat po "sabi niya.

"Ana, dalhan mo nga kami ng makakain"utos ni Mayor kay Ana.Sumunod naman ito at tumingin sa kaniya kaya nginitian niya pero ito ay inirapan lang siya. "So! Anong kailangan mo sa anak ko binibini?"nakangiting tanong nito.

"Ahm.. Nagbabakasakali lang po kung maari po bang mag-aaplay ako bilang katulong po?"nakayukong sabi ni Santina. Nagulat siya ng hawakan nito ang baba niya upang iangat.

"Binibi, wag kang yumuko dahil hindi bagay na itago mo ang iyong mukha sa iyong kausap at wala kang dapat ikahiya dahil ikaw ay maganda. Sigurado ka bang katulong ang gusto mong maging trabaho?"sabi ni Mayor.

"Opo. Kailangan ko po kasing kumita ng pera pamasahe pa Manila"sabi ni Santina.

"Gaano kalaki ba ang kailangan mo binibini? Maari kitang tulungan sa isang kondisyon"nakangising sabi nito.

"Ano po?"

Dumating na si Ana at nilapag ang gatas na galing sa baka at cake. Matapos ilagay ang pagkain ay inirapan siya ni Ana. Lumapit ang Mayor sa kaniya.

"Basta maging kerida kita!"bulong nito.

"Nako po! ayaw po non. Saka may asawa po kayo."sabi ni Santina at tumayo."Sige po salamat na lang po sa pagkain pero busog pa po kami. Tara na bunso "dugtong niya.

"Bibigyan kita lagi ng pera pumayag ka lang"sabi ni Mayor at hinawakan siya sa braso.

"Hindi na po kailangan. Mas pipiliin ko pa pong mahirapan humanap ng trabaho para kumita ng pera kaysa madali nga akong makakakuha ng malaking pera makakasira naman ako ng pamilya. Pinalaki ho ako ng Inang ko na may prinsipyo naturingang Mayor pa man din kayo tapos ganiyan po kayo "sabi ni Santina at tinanggal ang pagkakahawak nito sa braso niya.Napanganga na lang ang Mayor sa sinabi niya.

★†★

"Ate! ang galing mo ah! Nasagot mo si Mayor ng ganon?Pero ate paano tayo niyan. Saan tayo hihingi ng tulong?"sabi ni Rei .Naglalakad sila pauwi .

"Ahm.. Siguro. Pagtiyagaan na lang mo na natin na magtinda ng isda ni Aleng Pamela. Pag-unti unti natin ipon o kaya para madagdagan ang pera natin magtinda tayo "sabi ni Santina.

"Tama Ate! Diba may mga tanim na gulay si Inang ibenta natin"sabi ni Rei.

"Oo. tara bilisan na natin para makaayos natin ang mga gulay na ibbenta natin"sabi ni Santina at tumakbo.

"Ate weyt! "tawag ni Rei nahingal."Si Ate naman kala mo malaki ang pata ko no?"dugtong pa nito. Lumapit si Santina kay Rei .

"Tara pasan ka na lang"sabi ni Santina. Pumasan naman si Rei sa likod nito.

★†★

*Manila.

"Pare wala ka yatang gana ngayon na man chicks "sabi ni Kai Katamura .Kaibigan niya since college.

Gwapo ito , matangkad at singit dahil may lahi itong hapon. Owner ito ng bar na kasalukuyang kinalalagyan nila.

"Saka bakit hindi mo kasama si Kel?"tanong ni Jam Doe .

Kaibigan niya since highschool.Gwapo din ito .Gangster ang dating may kulay ang buhok, kulay Gray. Maganda ang katawan nito dahil isa itong Gym structor. Mayaman din ito tulad nila dahil may ari ito ng isang gym .Na may iba't ibang branches sa Pilipinas at ibang bansa.

"Ahmm.. busy siya ngayon. Kaya hindi makakasama."sagot niya at tumungga ng alak.

"Si Kayden na saan?"tanong ni Kai.

"I don't know."sagot niya.

"Himala ata brad. Lagi-lagi eh parang tuta mo iyon dahil laging nakasunod sayo. Pero ngayon nako brad baka may iba na yon?"pang aalaska ni Jam.

"I don't care kung may iba siya."sabi niya at nagsindi ng sigarilyo.

"Really pre ?.Payag ka na may ibang k*makana doon ?"takang sabi ni Kai.

"Unless kung may iba na naman siyang target. Ganon naman iyan lagi kapag wala na siyang pakialam sa babae eh!"sabi ni Jam. At siniko si Salvi na humiphip ng sigarilyo. "Ano pre meron ba ?.Yung mas palaban at wild kaysa kay Kayden?"ngisi ni Jam.Ngumiti si Salvi ng malala si Santina.

"Nako brad mukhang meron ah! Care to tell us. Who's the unlucky girl?"sabi ni Kai.

"ahmm.. She is Santina and I don't have a plan to play her heart "sabi ni Salvi.

"Eh kung ayaw mo siyang paglaruan, ano ang status?"tanong ni Jam.

"I don't know but I know she is so special to me. I dont wanna see her crying because I want her to happy. Habang tumatagal na tinitignan ko siya lalo siyang gumaganda lalo na kapag nakangiti siya.Yong tipong makalaglag brief pre ganon!"sabi ni Salvi at tumungga ng alak.Napailing ang mga kaibigan niya.

"Brad I think. You are inlove with her"sabi ni Kai at tinapik siya sa balikat.

"Really ?.You think guys?"tanong ni Salvi.

"Yeah, na sa iyo ang sintomas ng Inlove"nakangising sabi ni Jam.

"Boys are you free to night?"malanding tanong ng babae na lumapit sa kanila. May kasama itong dalawang babae na nakasuot ng mga damit na kinulang. Hindi tuloy maiwasang ikumpara si Santina sa mga ito. Si Santina na simple ay maganda na. Si Santina na kahit luma ang suot ang sexy parin. Si Santina na kahit wala pang ginagawa ay tumatayo na si Surgent Jr.

"Yeah! "sabay na sabi ni Kai at Jam.

"How about you baby?"malanding tanong ng isang babae sa tatlo.

"No ! I'm not free to night. Uuwi na kasi ako at baka hinahanap na ako ng asawa ko"nakangiting sagot niya.

Wife? Thinking of her being Wife. Shit! sobrang saya na ito ang sasalubong sa kaniya. Kinaltukan niya ang sarili. Wife? eh! wala pa ngang kayo eh! he thought at tumayo na sa upuan matapos magbayad.

.............................................................

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon