39

2.1K 62 4
                                    


Today is Salvi's Birthday slush engagement party nila Monica. Hindi niya mapigilang maiyak ni Santina. Pakiramdam niya unti-unti siyang pinapatay. Ang bigat ng pakiramdam niya.

Naisip niyang idadaan na lang niya sa sulat ang gusto niyang sabihin kay Salvi kasi baka pag sinabi niya ng personal makasira pa siya sa kanila. Nilagay din niya ang picture niya na nakahawak sa tiyan niya at ultrasound picture ng babies sa loob ng kahon. Yung sulat nasa ibabaw lang nung kahon.

Nakuha na rin niya sa bangko ang pera niya, mga ten thousand na lang iyon. Yung mga gamit niya nakalagay na rin sa bag, yung mga binigay ni Salvi sa kaniya ay iniwan niya, kasi nahihiya siya na dalhin iyon, parang pakiramdam niya hindi naman bagay sa kaniya ang mamahaling gamit. Dala din niya ang mga gamit ng baby niya. Nagmessage mo na siya kay Menerva ng pamamaalam at pasasalamat bago pinatay ang cellphone. Gabi na rin at naisip niya na baka hindi umuwi si Salvi at baka hindi makita ang regalo niya. Alam niya kasing nagsasaya na ito, dahil kasama nito ang babaeng mahal nito.

"Baby ko, siguro magiging masaya na ang tatay ninyo no? pag umalis na tayo. Saka ayos na yon para wala na rin gulo. Saka alam nyo ba na sa pupuntahan nating lugar doon lumaki ang Nanay. Puro halaman doon at sariwa ang hangin. Alam nyo anak hindi naman galit ang Nanay sa tatay. Papalayain ko lang siya para tuluyan na sila sumaya ni Monica" naiiyak na kausap ni Santina sa anak sa tiyan.

Kinuha niya sa kwarto ang teddy bear na may damit ni Salvi. Para kahit hindi nila kasama ito parang kasama na din dahil sa bear. Nilagay niya ang box na may letter sa living room table . Doon kasi kita agad nito. Lumabas na siya ng unit. Dumeretso mo na siya sa bentahan ng cellphone dahil ibebenta niya ito pangdagdag sa pera niya at may pera siya sa magiging anak niya.

***

Masayang nagdrive si Salvi dahil naayos na niya ang gulo. Nalaman din niyang hindi siya ang ama ng dinadala ni Monica. Nang galing mismo sa bibig nito. Narinig niya kasing may kausap ito sa phone then boom. He heard that Monica's baby is not him. Nagalit siya dahil niluko siya but at the same time masaya dahil wala ng hadlang pa sa kanila ni Santina.

Nag ring ang phone niya .. It was Menerva.

["Salvi!, please!! please!! pigilan mo si Santina na umalis "] umiiyak na sabi ni Menerva.

"Aalis? Saan siya pupunta?" bigla siyang nataranta at hindi mapigilang kabahan.

["Sa Santa Isabela siya pupunta. Gusto na raw niyang bumalik sa lugar niya"] umiiyak na sabi ni Menerva.

"Shit!!!" mura ni Salvi at pinaharurot ng mabilis ang kotse

***

Nagmadali siyang magpunta sa unit niya baka sakaling maabutan pa niya pero hinanap na niya saang man sulok ng unit niya wala na ito. Napadako ang mata niya sa living room table. May nakita siyang letter. Sulat kamay ito at may box nakatabi iyon. Nanginginig na kinuha niya ang sulat saka binasa.

Mahal ,

      Happy First anniversarrry, Mahal. Biruin mo tumagal tayo ng ganon. Pasensiya na kung sulat lang ang kaya kong ibigay sayo. Alam mo naman na hindi ako mayaman. At saka nung mga nakaraang araw na may nakakakita sa akin na lumalabas ng condo mo. Ang dahilan non pumupunta ako kay Mikhael .Siya yung pinagkamalan mong lalaki ko. Hindi totoo na may affair kami at malabong mangyari iyon dahil kapatid ko siya sa ama. Nakakahiya mang aminin anak kasi ako sa labas ng tatay ko. Kaya nga ang saya ko kasi tanggap mo ako kahit na hindi ako nakapagtapos ng pag aaral at hindi ako matalino. Nagpapasalamat nga ako kasi nakilala kita dahil may nagtatanggol na sa akin. Salamat din kasi minahal mo ako kahit hindi ako kagandahan at ang simple ko lang. At iyon ay sobra kong pinagpapasalamat sa Panginoon.

Kahit nga nasaktan ako sa mga sinabi mo na noong gabi na galit na galit ka sa akin na keso malandi ako.Yon yong gabi na natakot ako sayo ng sobra. Hindi na lang ako umimik non at nakipagtalo dahil alam ko na pagod ka sa trabaho mo.Saka nahihiya akong sumagot sayo dahil pakiramdam ko na wala akong karapatan kasi nakikitira at pinapakain mo lang ako.Kahit di mo sabihin alam ko namang nagsasawa ka na sa akin at hindi mo na ko mahal at kita ko naman kung gaano ninyo kamahal ang isa't isa at congrats nga pala kasi magkakaanak na kayo. Alam ko namang iyan ang lagi mong hiling sa akin .Nagtataka ako bakit lagi kang gabi umuwi iyon pala ang dahilan .Dahil magkakaanak na kayo. Dapat  sinabi mo sa akin willing naman ako na palayain kita. Siguro pagbinasa mo ito malamang wala na ako.Pagkatapos mo itong pasahin may box na maliit kang makikita .Buksan mo iyon,Surprise ko iyan sayo dapat nga hindi ko sasabihin kasi may anak ka na pero karapatan mo parin na malaman ito. Alam ko kasi na magiging masaya ka kasi bukod na anniversarry natin birthday mo pa. Iyan din ang dahilan bakit ako laging wala at kasama ko si Mikhael para pumuntang obgyne .

Mahal na Mahal na Mahal po kita at pinapalaya na po kita. Dahil ayaw ko makasira ang bubuoin ninyong  pamilya. Wag kang mag aalala hindi namin kayo guguluhin ng anak natin. Mag ingat ka at alagaan mo ang sarili mo at magiging anak ninyo. Paalam sayo Salvi..

Nagmamahal,
Santina

Hindi mapigilang mapaiyak ni Salvi habang binabasa ang sulat ni Santina. Binukasan niya ang box na sinasabi nito. Ang laman non ay picture ng nagpunta ito ng clinic. At kita sa picture na ang saya nito.Dahil kumikislap ang kulay grey na mata nito habang nakahawak sa tiyan nito. Kinuha niya ang ultrasound picture ng babies nila. Bumuhos ang luha niya habang pinagmamasdan ito.

"M-Mahal, s-sorry kung b-bakit naniniwala ako sa sinasabi ng iba. I know na hindi ka talaga nagcheat kaya nga umuwi agad ako para magcelebrate tayo at magsorry sa mga nagawa ko sayo nitong mga nakaraang araw. Pero huli na ang lahat d-dahil iniwan mo na ako.."sabi ni Salvi habang patuloy na umiiyak at hinahaplos ang picture nito. Nang dahil lang sa isang pagkakamali, dahil sobra talaga siyang mali imbis na ito ang paniwalaan niya mas pinaniwalaan pa niya ang sinabi ng iba.

............

A/ N: Sana po magustuhan po ninyo!

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon