22

1.9K 53 2
                                    


Tulad ng routine lagi lang nasa condo ni Salvi, si Santina. At naiinip siya dahil wala siyang ginawa kundi maglinis, kumain at matulog. Kaya naisipan niyang makipag kita kay Mikhael.

Malapit kasi condo nito sa unit na kinalalagyan niya. Walking distance lang. Naligo mo na siya at nag ipit ng buhok. Nakasuot siya ng dress na hanggang gitnang tuhod. Yellow ang kulay nito.

***

"Hello!" nag wave ng kamay si Santina ng makita si Mikhael. Gwapong - gwapo ito sa suot nitong v-neck t- shirt na kulay navy blue at hapit na hapit sa maskuladong katawan nito. Kaya napapatangin dito ang mga tao sa cafe.

"Sorry, I'm late " sabi ni Mikhael at hinalikan siya sa noo. Napatili ang ilang mga babae, yong iba naman napasimangot.

"Nako! ayos lang. Alam ko naman na busy ka eh!" sabi ni Santina.

"Nag order ka na ba?" tanong ni Mikhael at umupo.

"Ahm... hindi pa, wala kasi akong pera " nahihiyang sabi ni Santina.

"Oh .. ganon ba, sige ako ng bahala " nakangiting sabi ni Mikhael.

He feel pity for his sister.

Hindi man lang ba binibigyan ng pera ni Salvi ito? he thought.

"Ahm.. Kel, pasensiya na kung nagpalibre pa ako sayo " sabi ni Santina at kumain ng cake.

"Its ok, any way, bakit ka pala nakipag kita?" sabi ni Mikhael at uminom ng tea.

"Ay! oo nga pala. Ahm may alam ka ba na pwede kung pagkakitaan. Kahit nasa condo lang ako ni Salvi " sabi ni Santina at napasinghap ng punasan ni Mikhael ang gilid ng labi niya.

"May dumi ka kasi para ka palang bata kumain " natatawang sabi ni Mikhael.

"Hehe pasensiya na, ngayon lang ako nakakain nito eh!" nakayukong sabi ni Santina.

Biglang nanlungkot si Mikhael at napatingin sa cup cake.

"Tina, kaya mo bang matutong magbake?" sabi ni Mikhael.

"Oo, kakayanin ko!" sabi ni Santina na masaya.

"So what are you waiting for, tara tuturuan kita " sabi ni Mikhael.

"Pwede ko bang isama si Menerva?" tanong ni Santina .

"Sure, para siya ang tutulong sayo pag wala ako " sabi Mikhael.

***

Since mas malapit ang condo unit ni Salvi at may gamit ito sa pagbake.Kaya dito sila tinuruan ni Mikhael.

"Nakakainis naman, ang dali mong matuto. Samantalang ako nakailang ulit na di pa rin maayos " nakabusangot na sabi ni Menerva .

Si Mikhael nga ang nagturo sa kanila. Si Santina ayon fast learner. Nakuha niya agad yong procedure ng pag gawa. Samantalang si Menerva hindi makuha-kuha.

"Hu!! sabihin mo masiyado ka lang naiilang kay Kel" natatawang sabi ni Santina.

Biglang natawa sina Santina at Menerva ng makitang may icing at harina sa mukha si Mikhael. Si Mikhael naman nagtatakang nakatingin sa dalawa na tumatawa.

"Why?"

"May dumi ka sa mukha!" sabay na sabi ng dalawa.

"Where?"at pilit hinahaplos ang mukha.

"Dito o!" si Santina at pinahid gamit ng panyo ang dumi sa mukha ni Mikhael.

"Iyan ang gwapo mo na" sabi ni Menerva na wagas ang ngiti.

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon