13

2.1K 60 1
                                    


A/N: May nakamiss ba sa akin ay este sa story ko? Kung wala di don't🙄

..........

"Ahm.. Señor Sal-"naputol ang sasabihin ni Santina dahil hinalikan siya si Salvi. Bigla siyang namula at nag init ang mukha.

"Diba sabi ko sayo kapag tatawagin mo akong Señor Salvi ay hahalikan kita "pilyong sabi ni Salvi habang buhat siya nito. Maayos na kasi ang pakiramdam niya pero medyo iniinda pa rin niya ang binti pero nagamot na din iyon, konting pahinga na lang.

"Ahm.. Nasaan po ba tayo?"tanong ni Santina at nilibot ang paligid.

"Nasa Condo ko tayo. Simula ngayon dito ka na titira "sagot ni Salvi at inupo siya sa sofa.

"B-Bakit dito may bahay naman ako?"nahihiyang sabi ni Santina. "Diba po mayayaman ang mga nakatira rito. Kaya hindi ako nababagay dito kasi mahirap lang ako baka pangbayad lang dito eh isang taon na pagtitinda ko ng isda sa bayan "dugtong niya habang nakayuko.

Lumapit si Salvi kay Santina at hinawakan ang kamay nito.

"Santina, ayos lang na nandito ka saka wag kang mag alala dahil libre ang pagtira mo rito. Akong bahala sayo habang nandito ka."sabi ni Salvi at hinawakan ang magkabilang pisnge niya.

"N-Nakakahiya kasi sayo, S-Salvi. Ikaw na nga ang nag asikaso sa bayarin ko sa hospital at pagpapakain tapos ngayon patitirahin mo pa ako rito "sabi ni Santina.

Dinikit ni Salvi ang noo nito kay Santina.

"Santina, wag ka ng mahiya sa akin at isa pa pagbinalik pa kita sa Santa Isabela ay mapag initan ka na naman "sabi ni Salvi.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ni Santina dahil sa lapit ng mukha nila sa isa't isa isama mo pa ang mabangong amoy ni Salvi na nalalanghap niya.

"P-Paano pala sila Mimay?"sabi ni Santina.

"Gusto mo ba silang kasama dito?"nakangiting tanong ni Salvi. Tumango siya. "Sige, Transfer ko na lang dito Manila si Mimay and sasama din siyempre si Bunso"dugtong ni Salvi at tumayo. Doon lang nakahinga ng maluwag si Santina.

"Anong gusto mong kainin?"tanong nito at hinubad ang t-shirt nito. Automatic na napatakip ng mata si Santina.

"Ah-Ah.. K-Kahit ano na lang "sabi ni Santina at iniwas ang tingin.

"Gusto mo ba doon ka mo na sa room mo?"napapitlag siya sa paglapit nito sa kaniya."Hey! Anong problema? May masakit ba sayo?"alalang tanong nito.Lalo siyang nailang dahil nakadikit na sa ka iya ito.

"Ah-Eh sige, S-Salvi sa kwarto na lang ako "nakayukong sabi ni Santina. Napabuntong hininga si Salvi at binuhat siya. Kung kanina sobrang ilang siya. Mas dumoble ngayon dahil buhat siya nito.

Dahan - dahan siya nitong nilapag sa kama.

"Kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa akin ah!"sabi ni Salvi.Ngumiti si Santina at tumango. Hinalikan siya ni Salvi sa noo saka labi. Kaya namula na naman ang mukha niya.

"B-Bakit mo ulit ako hinalikan? D-Diba pagtinawag lang naman kitang Señorito Salvi sa-"naputol na naman ang sasabihin niya ng hinalikan siya ulit nito.

"Ayan sinabi mo na!"nakangiting sabi ni Salvi bago siya iwanan.

Kung pwede lang pagpalamon sa lupa ginawa na ni Santina. Dahil sa sobrang ilang at hiya. Pero sa aminin man niya o hindi. Gusto niya ang paghalik sa kaniya ni Salvi lalo na iyong nasa hospital sila. Nagtalokbong siya ng kumot at binaon ang mukha sa unan.

"Nakakahiya!"bulong niya sa unan.

☆†☆

Habang nagluluto ng hapunan nila ni Santina.Hindi mawala sa mukha niya ang ngiti at napapakagat labi sa tuwing na aalala ang nang yari sa hospital. Kakaiba talaga ang pakiramdam kapag hinahalikan niya ito. Kahit na napakainosente nito, still ang sarap parin nitong halikan and He was happy because he is her first kiss. Buti nga dumating non si Mikhael. Kung hindi baka kung saan na sila napunta pa.

Kanina nahalata niya na iilang ito sa kaniya dahil nakatopless siya. Wala naman siyang intension na akitin ito. Naiinitan lang kasi siya kaya siya naghubad ng t-shirt. Hindi naman niya akalain na maiilang ito ng ganoon.

"Hay! My innocent Santina"naiiling na bulong niya at pinagpatuloy ang pagluluto.

☆†☆

"Hey! Zach over here!"tawag ni Kayden kay Zacharias.Usapan kasi nila na magkita ngayon. Nasa bar sila ngayon. Maingay, maraming iba't ibang uri ng tao at sari - saring amoy.

"Buti pumunta ka!"sabi ni Kayden at hinalikan sa pisnge si Zacharias. Tumabi ito ng upo sa kaniya at ngumiti.

"Why do you want to talk to me?"tanong ni Zacharias at nag order ng drink. Sa totoo lang ayaw umalis ng Santa Isabela si Zacharias. He rather choose province than in the crowded city.

"Hmm.. Because I have an important proposal to you?"mapang akit na sabi nito kasabay ng paghaplos nito sa binti niya.Medyo na ilang si Zacharias.

"What it is?"tanong niya at tinanggal ang kamay ng dalaga napangisi ito at uminom ng alak.

"Hmm.. I know you like me ?"sabi ni Kayden at pumunta sa likod niya. "And you want me"bulong nito sa tenga niya at dinilaan.

"Sorry Kayden, I have an important matter. I have to go "sabi ni Zacharias at bahagyang tinulak si Kayden.

"This is your chance Zach!"sabi ni Kayden at yumakap sa leeg ni Zacharias. "Chance para masolo mo ako. Just you and me "dagdag pa nito. Habang mapungay ang mata na nakatitig sa mata niya.

Kinapa ni Zacharias ang sarili .Siguro kung nung dati gusto niya ang nangyari ngayon. Pero parang may nag iba. Wala na ngang epekto sa kaniya ang pang aakit nito sa kaniya.

Yes aminado siyang attracted siya sa dalaga at gusto niya ito pero ngayon parang biglang nawala.

"Sorry Kayden, I have to go."sabi nalang niya at iniwan ang dalaga. Kahit na paulit - ulit niyang naririnig ang pagtawag sa pangalan nito.

Hindi niya malaman ang sarili bakit tila na nanabang siya. Ni hindi nga siya kinilabutan ng dumikit ito sa kaniya at sa maraming tao na tahasan siyang inaakit. Napabuntong hininga na lang siya. Naisip n alang niyang bumalik sa Santa Isabela. Dahil doon ay tahimik kahit simple lang at hindi masiyadong in a mga tao. Dahil ang importante ay kung saan ka talaga masaya. He is so happy when he is in Bario Santa Isabela.

............................................................

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon