7

2.1K 64 3
                                    

Sa may bundok kung saan nilibing ang Nanay niya nilibing si Inang Nelda. Marami ring nakilibing na mga kakilala nila.

"Ate Tina, sinabi pala sa akin ni Inang na may ginawa siyang sulat para sayo nilagay daw niya sa tukador niya. Ginawa raw niya talaga iyong sulat na iyon dahil alam niyang mangyayari ito sa kaniya "sabi ni Rei "Saka nakalagay daw po doon kung sino ang totoo kung magulang "dugtong pa nito.

"Tara na Santina, hatid ko na kayo "sabi ni Mikhael. Nakiramay kasi ito.

"Salamat Mikhael, pero malapit na lang ang bahay namin dito, si Rei na lang ang hatid mo. Kakausapin ko lang ang Nanay ko "sabi ni Santina.

"Ganon ba? Sige ingat ka "sabi ni Mikhael at napatingin sa lupa kung saan nakaupo malapit si Santina.

Sañia Arrelano? he thought. Gustuhin man niyang magtanong kay Santina. Pinigilan niya dahil kailangan nitong mapag isa.

***

"Bakit hindi ninyo kasama si Santina ?"tanong ni Salvi. Nang makababa sila  ng bundok.

"Gusto niyang mapag isa kaya hinayaan na mo na namin. So Are you back together ?"sabi ni Mikhael at binalingan ang babae na nakaupo sa front seat katabi ni Salvi. It's Ana.

"No, we're friends "sagot ni Salvi.

"Ok "sabi ni Mikhael.

May past kasi si Ana at Salvi. Nagkaroon sila ng relasyon. Noong mga teenager pa sila. Pero hindi tumagal ang relasyon nila dahil tutol ang ama ni Salvi kay Ana dahil isang yaya lang ito. Kaya dinala sa Manila si Salvi para mailayo at doon pag aralin. Mag mula noon wala na silang kumikasyon.

"Kumusta ka na pala Ana?"tanong ni Mikhael. Masiyado kasing tahimik. Wala kasing nagsasalita ni isa kaya siya na lang ang bumasag sa katahimikan.

"Ayos naman ako "sabi ni Ana at nakatingin kay Salvi na seryusong nagmamaneho.

"Paano nga pala kayo naging magkasama ni Santina?"tanong ulit ni Mikhael.

"Ahm.. Tulad din ng dahilan niya nais ko ring makaahon sa hirap kaya sumubok akong magpunta ng Manila at inalok ako ng babae kaya kinagat ko na"paliwanag nito habang nakatingin parin kay Salvi.

"Rei sigurado ka bang kailangan natin iwanan ang ate mo doon sa bundok .Diba ? maraming mabangis na hayop doon "sabi ni Salvi kay Rei na tahimik.

"Opo, lagi naman po siya doon nagpupunta kapag dinadalaw niya ang totoo niyang magulang "sabi ni Rei.

"Anong ibig sabihing tunay na magulang?"tanong ni Mikhael.

"Opo, parehas po kami ampon nauna lang sa akin ng ilang taon si Ate Tina "sagot ni Rei.

"Malayo pa ba tayo?"biglang singit ni Ana sa usapan. Naiinip kasi siya at naiinis sa tuwing pag uusapan si Santina. Samantalang nandiyan naman siya. Yeah she's jealous. Hanggang ngayon kasi may gusto parin siya kay Salvi.

★†★

"Nanay,  Inang. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayong kayong dalawa ay wala na kami na lang po ni Rei. Sana po gabayan po ninyo kami"sabi ni Santina

Pagdating niya sa bahay hapon na.Nakaluto na rin si Rei .

"Ate nandiyan ka na pala ate. Kain na tayo "sabi ni Rei .

"Sige mauna ka na. Hahanapin ko lang yung sulat na sinasabi mo sa akin "sabi ni Santina at hinanap sa tukador. May nakita niya ang isang notebook nakalagay doon sa loob ang sulat .Luma na ito masiyado pero nababasa pa naman iyon.

"Rei halika mo na dito basahin natin "tawag ni Santina .Binuklat nila ang papel na nakatupi may alikabok pa ito.

Anak, Santina lingid sa iyong kaalaman na ikaw ay ampon lamang. Dahil binilin ka ng iyong Ina pagkapanganak sayo .Pero may isa ka pang hindi alam tungkol sa tunay mong Ama. Bago malagutan ng hininga ang iyong ina matapos kang ipanganak .Nasabi ng ina mo na anak ka ng isang Quatzon, si Don Samuel Quatzon. Ang sabi noon ng ina mo. Sabihin ko sayo ito.

Si Rei naman ay hindi talaga iniwan sa may pintuan ng ating bahay dahil kusa itong pinaampon sa akin ng kaniyang ina.Ang pangalan ng ina niya ay Corazon Sta.Ana. Naanakan siya ng kaniyang nobyo. Dahil ayaw niyang ipaalam sa magulang niya na nagdalang tao siya kaya nagdesisyon siyang ipaampon ang bata. Ang alam ko ay lumuwas siya ng Manila dahil naroon ang mga magulang nito. Tandaan niyo na mahal na mahal ko kayong dalawa kahit na hindi kayo galing sa akin.

Inang Nelda.

Napaiyak sila dahil sa binasa.
"Ate Tina, tulungan mo akong hanapin ang Nanay ko"sabi ni Rei kay Santina.

"Oo, bunso wag kang mag-alala hahanapin natin ang nanay mo. Pero kailangan mo nating mag ipon. Susubukan ko mag apply ng trabaho kila Salvi para makaipon tayo ng pamasahe ha!"sabi ni Santina.

"Ako din Ate, susubukan kong tumulong sayo para makaipon tayo"sabi ni Rei.

"Sige, tara  na kumain na tayo at matikman natin ang luto mo" nakangiting sabi ni Santina at tinikman ang lutong adobong sitaw.

"Ano Ate masarap ba?"tanong ni Rei.

"Ahm.. Ayos  na ayos"sabi ni Santina. Ngumiti si Rei."Ayos sobrang alat"dugtong niya na kinabusangot ni Rei.

"Eh! Ate alam mo naman na hindi ako magaling magluto gaya mo"kamot sa ulong sabi ni Rei."Alam mo ate kahit na mahanap na natin ang nanay ko. Hindi parin kita iiwan. Ikaw parin ang dabest ate ko na bukod na mabait, maganda pa"sabi nito.

"Nako kumain na tayo at nalilipasan na tayo ng kain "nakangiting sabi ni Santina."Ako din Bunso. Kapag nahanap ko na ang ama ko. Ikaw parin ang bunso ko "at niyakap si Rei.

★†★

"Sino po ang ipapaimbistiga ninyo ?"sabi ng hinire na private imbestigator ni Mikhael.

"Santina Arrelano. Hanapin mo kung kunektado siya kay Sañia Arrelano. I need this Asap "sabi ni Mikhael.

"Sige po.Mauna na ako. Makaaasa po kayo "sabi ng imbestigador. Nagkamay sila bago umalis ang imbestigador.

"Sino iyon pre?"sabi ni Salvi nakalapasok lang office ni Mikhael.

"Wala ,What's brings you here?"sabi ni Mikhael.

"Hindi ka ba sasama pabalik ng Manila? Pupunta kasi ako para check ang business natin doon "sabi ni Salvi.

"Hindi, may importante pa kasi akong gagawin. Siguro sa susunod na lang saka pupunta ka naman  kaya balitaan mo na lang ako "sabi ni Mikhael.

"Sige "sabi ni Salvi lumabas ng opisina.

.........................................................

A/N: Yow!!? comment naman po kayo if maganda..

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon