43

2.1K 67 3
                                    


"Seave!" tawag ni Alena kay Seave.

Hindi ito pinansin ni Seave. At nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Bakit ka ba galit sa akin?" tanong ni Alena.

Sinasabayan siya nito maglakad. Galing kasi sa burol si Seave at ng pagbaba niya nakita niya hinihintay siya ng dalaga.

"Seave! pansinin mo naman ako" sabi ni Alena at hinabol si Seave. Ang bilis kasing maglakad nito.

"Tulong! Tulong!!" hiyaw ng matandang babae na nasa buhat buhat ng tatlong lalaki na nakablack na damit at may takip.

Naalarma si Seave.

"Seave! tulungan natin" sabi ni Alena at nakahawak ito sa braso.

Napatiimbagang si Seave. Naawa siya sa matanda. Hinila ni Seave si Alena.

"Dito ka lang" sabi ni Seave at tinago sa gilid ng puno si Alena. "Wag kang lalabas diyan hanggat hindi ko sinasabi, maliwanag" bilin niya. Tumango lang ang dalaga.

Nagtago ng maigi si Alena. Habang nanunuod sa mangyayari.

"Tulong!!!" hiyaw ulit ng matandang babae na hawak ng mga lalaki.

Mapuno ang lugar na kinalalagyan nila kaya siguro rito naisipang dalhin ng mga armadong lalaki ang kawawang matanda. Pansin niyang maganda ang matanda kahit matanda na.

Wala ng sali-salita ay biglang tinadyakan ni Seave ang isa sa mga lalaki sa binti, natumba ito sa lakas ng sipa niya. Kaya nagulat ang dalawa pa kasama nang matanda. Akmang susuntukin siya nung isa, agad niya itong sinipa sa sikmura.

Halos mabali na ang buto ng dalawang lalaki na kalaban ni Seave. Sa hindi pagmakayabang, marunong kasi ng takwando, kufu, at iba't iba pang self-defense.

"Ano? sige subukan mong lumapit puputok ko itong baril sa ulo nito!" banta ng lalaki na may hawak sa matanda.

Tinagilid lang ni Seave ang ulo at pinag aralan ang kilos ng lalaki. Nakita niyang dahan-dahang lumapit si Alena mula sa likod nito na may dalang malaking kahoy na pwedeng pamalo.

"Naturingan ang laki ng katawan mo, tamad kang maghanap ng matinong trabaho" sabi ni Seave.

Kumuha ng pwersa si Alena bago pinalo sa likod ang lalaki na bumulagta. Nakahinga ng maluwag ang matanda. Yumakap ito kay Seave na kinagulat ng binata.

"Salamat sayo, hijo!" sabi nito. "At sayo rin, hija" baling nito kay Alena at ngumiti lang ang dalaga.

"Walang ano man po? bakit po ba kayo nakuha ng mga iyan?" nakangiting sabi ni Seave.

"Galing kasi ako sa asawa kong dating mayor dito sa Santa Isabela. Dumalaw lang ako sa kaniya at para asikasuhin ang annulment namin ng bigla na lang kumuha sa akin. Hinarang kami nung nasa kotse kami ng driver ko. Yong driver ko nga hindi ko na alam ang nangyari" kwento ng matanda.

"Ganon po ba, hatid na po kita baka mapahamak na naman po kayo" sabi ni Seave at binuhat ang matanda. Pansin niya kasing hirap itong malakad.

"Salamat talaga, hijo. Ang ganda nang mata mo. Tulad ng sa anak ko. Ano nga pala ang pangalan mo?" sabi ng matanda.

"Ahm. Seave po, kayo po ba?" sabi ni Seave.

"Silvia" sabi ng Matanda.

"Ahm.. May dala po ba kayong cellphone para macontact natin ang pamilya nyo" sabi ni Seave.

"Nako wala hijo, nasira" sabi ni Silvia.

"Ganon po ba? gusto nyo po bang dalhin po muna namin kayo kila Seave!" singit ni Alena.

"Oo nga po, tapos pupunta ho akong bayan para pumuntang presinto at matulungan niya po kayo" sabi ni Seave.

"Nako wag na isama nyo lang ako sa pagpunta nyo sa bayan" sabi ni Silvia.

"Pwede naman po, iiwan na lang po muna namin kayo sa shop" sabi ni Seave.

***

"Ano ba ito? sabi ko cappuccino, hindi black coffee" sabi ng babaeng customer sa shop nila Sam.

Si Sam kasi ang madalas nagbabantay ng shop. Sa kanilang tatlong kambal ito ang nakamana sa pagbake ni Santina.

"Boss, kanina pa iyang babae na yan reklamo ng reklamo" bulong ng tauhan nila Sam sa kaniya.

Oo pansin din niya parang nagpapansin na lang ito. At pinagtitinginan na sila ng customers. Kaya gumawa ng aksyon si Sam.

"Goodluck! boss mukhang naknakan ng taray si Ms. Ganda" pahabol na sabi ng tauhan nila.

"Good day, Ma'am " nakangiting bati niya rito. Sinamaan siya ng tingin nito.

"Good day? anong good sa day kung sinira nyo na!" sungit nito.

"Ano ba ang problema nyo? kanina ko pa kasi pansin na kanina pa kayo reklamo ng reklamo" mahinahong sabi ni Sam pero ang totoo napipikon na siya sa babae.

"Paanong hindi ako magreklamo? eh! ang tanga-tanga ng mga tauhan ninyo! simple instructions hindi masunod!" sabi ng babae.

Ngumiti mo na ng plastik si Sam bago nagsalita. "Ahm.. Due respect Ma'am. Pero tingin ko walang katangahan na ginawa ang mga tauhan namin. Saka kung ayaw nyo naman ng serving namin dito. You are free na lumabas kaysa mag iskandalo " timpi ni Sam at iniwan ang babae. Kaso ng pagtalikod niya hinila nito ang braso niya. Sinamaan niya ito ng tingin.

"How dare na talikuran ako? kinakausap pa kita ha!" nakapamewang na sabi nito.

Napailing si Sam at hinilamos ang kamay sa mukha. Ito ang hirap sa nagnenegosyo na product and service. Kailangan mong magtimpi sa mga customers na mareklamo.

"Miss Please, umalis na lang kayo. And don't worry about the bill. Libre na po iyon" timpi ni Sam.

"Aba't! pinapalayas mo ba ako?" inis na sabi nito at dinuro-duro pa siya.

Isa na lang ang naiisip niyang paraan para maparahimik ito. Pumikit siya at pinakalma ang sarili. Kaso madakdak talaga ang babae. Kaya ang ginawa niya hinila niya ang kamay nito bago niya hinalikan. Nanlaki ang mata ng babae at ang ibang customers na nanunuod sa kanila ay napasinghap. Natulalang iniwan ni Sam ang dalaga na natahimik sa ginawa niyang paghalik.

"Tindi mo Boss, napatahimik mo si Ms.Taray?" natatawang sabi ng tauhan nila at minasahe pa ang balikat niya.

"She deserve it ang daldal niya kasi" ngising sabi ni Sam.

"Ibig sabihin boss, pagmadaldal ang babae halikan mo para matahimik" sabi ng tauhan niya. Binalingan niya ang dalaga.

Ang sama ng tingin ng babae kay Sam. Nginisihan niya lang ito at kinindatan. Napatawa si Sam ng nagdadabog itong umalis ng shop nila. Tinanggal niya ang airpron saka naisipang sundan ang babae.


 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon