19

2K 55 2
                                    

"Ate Tina, gising na po at kakain na daw po "sabi ni Mimay kay Santina.

Napamulat si Santina at napatingin kay Mimay.

" Magandang umaga, Mimay "nakangiting sabi ni Santina at dahan - dahang umupo dahil bigla siyang nakaramdam ng kirot ng katawan.Tinignan niya ang sarili at salamat may saplot siya.

"Ate Tina, tanghali na po. Kaya bumangon ka na raw po "sabi ni Mimay.

"Ganon ba! Sige susunod na lang ako "sabi ni Santina at dahan-dahan tumayo. Nanginginig ang mga binti niya kaya humawak siya sa pader.

***

" Mimay, ano gising na ang ate Tina mo?"tanong ni Salvi kay Mimay paglabas nito sa kwarto.Inaayos niya ang pananghalian nila. Siya ang nagluto nito.

"Susunod na lang daw po siya" sagot ni Mimay at umupo sa hapag.

"Bakit?" Tanong ulit niya.

"Di ko po alam, pero alam nyo po mukha nga pong may sakit siyang tigdas " sabi ni Mimay at pinakain ang bunsong kapatid.

"Tigdas?"naguguluhan niyang sabi .

"Tigdas, kasi po may mga pula - pula siya sa katawan at saka po mukhang hirap po siyang kumilos " sabi ni Mimay.

"Sige kain na kayo riyan. Puntahan ko lang si Santina " sabi ni Salvi at tinungo ang silid nila ni Santina.

Nakita niyang nagihirapan itong maglakad. Dinulog niya agad ito.

"Mahal, hindi ako makalakad " sabi ni Santina. "Kumikirot yung ano ko "nahihiyang dugtong nito.

"Bakit hindi mo sinabi kay Mimay? para binuhat na lang kita "sabi ni Salvi at binuhat siya saka nilapag sa kama.

"Nahihiya kasi ako "sabi ni Santina.

"Wag kang mahiya sa akin, dahil boyfriend mo ako. Isa pa ako ang may dahilan bakit ka nahihirapan "sabi ni Salvi at sinandal ang noo sa kanya. " Sorry ,mahal. Nabigla ata kita kagabi. Nakalimutan ko wala ka pa nga palang karanasan sa ganong bagay "dugtong niya at hinalikan si Santina.

"Ayos lang "nakangiting sabi ni Santina.

"Hmm.. Hatidan na lang kita ng pagkain dito para hindi ka na mahirapan "sabi ni Salvi at hinawakan ang kamay ni Santina.

"Ayos lang ba yon ?"nahihiyang sabi ni Santina.

"Oo naman O kaya rito na lang din ako kakain " sabi ni Salvi. Nakangiting tumango si Santina.

>>>>>>>>>>>>>>

Nagising si Santina ng marinig na nagdoorbell. Nasa living room kasi siya.Matapos kasi nila mag agahan ni Salvi. Hinatid nito sila Mimay sa Hacienda De Silva.

Dahan - dahan siyang tumayo at pinagbuksan ang kung sino mang tao ang kumakatok.

"What are you doing here?" Inis na sabi ni Kayden at dinuro siya.

"Who she is darling?" Tanong ng isang ginang.Maganda ito at sexy kahit matanda na.

Sinamaan siya ng tingin. Nakagat niya ang pang ibabang labi at humawak ng mahigpit sa over sized shirt ni Salvi na pinasuot sa kaniya nito kanina.

"A-Ahh -" hindi pa siya ng sumingit agad si Kayden.

"She is one of Salvi's fling. And I think they had sex " masamang tinitigan din siya ni Kayden.

"Ang kapal naman ng mukha mo at ang lakas ng loob mo na magbukas ng pintuan na ganyan ang suot mo. Hindi ka ba nahihiya at gusto mo pa idamay sa kahihiyan ang anak ko!" Galit na sabi nito at napahawak sa dibdib.

"Oh..Tita, ano po ang nararamdaman nyo?" Alalang tanong ni Kayden at inalalayan ang ginang.

"Lumayas ka! At ayaw kong makikita ang mukha mo kahit kailan!" Galit na sabi ng ginang sa kaniya.

Biglang kinabahan siya. Dahil hindi niya alam kung saan siya magpupunta ngayon na pinapalayas siya ng ginang. Wala naman kasi siyang kakilala sa Manila.

"S-Sige po, pasensiya na po. Kukunin ko lang po ang mga gamit ko " sabi ni Santina na naluluha na.

"Umalis ka na! Wala namang kwenta ang mga gamit mo "galit na sabi nito at tinulak siya palabas ni Kayden saka sinaraduhan ng pinto.

>>>>>>>>>>

Umiiyak na naglalakad si Santina at hindi alam kung saan pupunta.

"Santina! "

Napalingon siya sa tumawag sa kaniya. Nakita niya isang lalaki na pamiliyar sa kaniya.

"Bakit ka naglalakad ng gantong oras ng gabi, Santina ?" Sabi ni Mikhael  at bumaba ng kotse saka siya nilapitan.

"Ikaw pala. Pinaalis kasi ako ng ginang na kasama ng kapatid nyo po " sabi ni Santina.

"Eh! Saan yung mga gamit mo?" Tanong nito.

"Kukunin ko sana kaso pinaalis agad nila ako " sabi ni Santina.

"Tara roon ka mo na sa condo ko " sabi ni Mikhael at inalalayan siyang sumakay ng kotse.

>>>>>

"Saan ka pala tumutuloy at pinalayas ka ng ginang na kasama ng kapatid ko?" Tanong ni Mikhael.

Nasa condo na sila nito. Parehas lang din ng itsura kay Salvi pero iba ang arrangements ng gamit.

"Kay Salvi " sagot ni Santina.

"Siguro ang sinabi mong kasama ni Kayden na nagpalayas sayo ay Si Tita Silvia, Mommy ni Salvi " sabi ni Mikhael.

"Ahm.. Mikhael, pwede bang wag mong sabihin kay Salvi na nandito ako kasi baka magalit lalo ang Mommy niya at sumakit ang puso niya " pakiusap niya kay Mikhael.

"Pero baka mag alala sayo si Salvi " sabi ni Mikhael.

"Ayon nga rin iniisip ko. Pag nakarating na lang ako ng Santa Isabel saka mo na lang sabihin kung na saan ako " sabi ni Santina."At kakaplan ko na ang mukha ko pwede mo ba akong makahiram ng pera pamasahe ko "dugtong pa niya.

"Wag ka ng humingi ng pera ,isasabay na lang kita bukas dahil uuwi ako "sabi ni Mikhael.

" Salamat,hulog ka talaga ng langit"hindi napigilang yakapin ni Santina ito.

"Wala yon, dahil kapatid naman kita " sabi ni Mikhael.

"Ano sabi mo kapatid mo ako?" Naguguluhang tanong ni Santina.

"Ibig kong sabihin, para na kitang kapatid" sabi ni Mikhael.

"Ahhh.. Sabagay para naman kitang kuya " nakangiting sabi ni Santina.

'Yeah! I'm your brother'he thought.

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon