47

2.1K 59 1
                                    

Napatulala si Salvi kay Santina. Maganda parin ito tulad ng dati pero umigsi ang buhok. Nawala ang pansin niya kay Santina ng marinig nila na parang may nag tatalo.

"Hoy! babaeta ka ano bang problema mo ah?" inis na sabi ni Sanz .

Napatingin sila sa gawi nito. At nakita nila na may kaaway itong babae.

"Kapal ng mukha mo at hindi mo talaga ako naaalala ah!" nakapamewang na sabi ng babae.

"Ikaw ang makapal ang mukha riyan. Hindi kilala no?" iritang sabi ni Sanz.

"Millie?" sabi ni Salvi at agad na lumapit doon. Si Santina rin ay agad na lumapit doon.

"What's happening here?" si Salvi at hinawakan ang anak na babae.

"Iyan kasing babae na yan. Inaakusahan na hinalikan ko raw siya! yak!! never na mangyayari iyon!!!" nandidiring sabi ni Sanz.

"Eh! Dad, totoo ang sinasabi ko. Hinalikan niya po ako!" sabi ni Millie.

"Ahmm.. Excuse me po!" panimula ni Sam. Napatingin sa kaniya ang lahat ng tao. "Ako ang humalik sayo, hindi si Sanz!" sabi ni Sam na kakarating lang.

Si Millie ay gulat na gulat na pinagsasalit-salitan ang tingin sa dalawa. Idagdag pa ang kadadating na si Seave na kasama si Janna.

"Ano pong nangyayari rito, Nay?" sabi ni Seave at lumapit sa ina.

"O? kita muna! ayaw mo pang maniwala na hindi ako yon!" sabi ni Sanz at inirapan si Millie.

"What?? kambal?" gulat na sabi ni Millie.

Si Salvi biglang sumikip ang dibdib ng makita ang tatlong kambal na magkakamukha.

"Ahmm.. Menerva, mauna na kami" paalam ni Santina.

"Ang bilis naman ata?" nagtatampong sabi ni Menerva.

"Pasensiya na talaga. Happy Birthday, Janna" humalik si Santina sa daligita.

"Thanks po" sabi ni Janna.

Binalingan ni Santina ang mga anak.

"Tara na mga anak umuwi na tayo" sabi niya sa mga ito.

Tumingin siya sa babae na ninakawan ng halik ng anak niya.

"Pasensiya na, hija. Kung pilyo ang anak" hinging paumangin niya.

"Tara na mga anak" aya niya ulit sa mga anak niya.

***
Nakatulalang napatingin si Salvi sa apat na papalayo sa kaniya.

"What are you waiting bro? you wait this moment, right?" inakbayan siya ni Jam.

"Wait me here, sweety. May kailangan lang akong kausapin" paalam ni Salvi sa anak.

Tinakbo niya ang distansiya ng mag ina niya.

"Santina!" tawag niya dito saka hinawakan sa kamay.

Gulat na napatingin sa kaniya si Santina.

"Mag usap muna tayo, please!" pakiusap niya rito. Nagulat siya ng baklasin ni Seave ang kamay niya kay Santina.

"Wala na dapat kayong pag usapan ni Nanay, dahil nung oras na pinili mo ang pamilya mo ngayon at iyon din ang patunay na pinutol mo ang ugnayan mo sa amin" malamig na sabi ni Seave at hinilang paalis ang ina.

Samantalang ang dalawa ay gulat na napatingin kay Salvi. Agad na tumakbo si Sanz kay Salvi at niyakap ito.

"Tatay!" umiiyak itong yumakap sa ama.

"Your my son?" hindi na din mapigilang maiyak ni Salvi at niyakap pabalik ang anak.

"No! Your daughter, tatay" pagtatama ni Sanz na kinangiti ni Salvi.

"Sanz! tara na!" sigaw ni Seave habang nakaantabay sa ina na umiiyak.

Napatingin sila dito. Ang sama ng tingin sa kaniya nito.

"Tara na Sanz" sabi ni Sam at hinawakan sa kamay ang kapatid na nakayakap sa ama.

"P-Pero-" umiiyak na sabi ni Sanz na may pagtutol. Nakahawak ito sa braso ni Salvi.

"Sanz!" warning toned ni Seave saka hinila ang kapatid paalis sa party.

"Tatay!" umiiyak na tawag ni Sanz habang hinihila siya paalis ni Seave. Pinasok siya nito sa taxi na pinara nito. Nasa loob na si Santina na umiiyak. Yumakap ito kay Santina.

"N-Nanay, s-siya si Tatay namin diba?" sabi ni Sanz na humihikbi.

Tumango si Santina at pinahid ang luha sa pisnge ng anak niya.

"Tahan na anak" pag aalo niya dito. Sa tatlo kasi ang madamdamin ay si Sanz kasi may pusong babae ito.

"Sige na anak sumama kana. Gagawa ng paraan si Tatay para makasama ko kayo" sabi ni Salvi, lumapit dito si Millie, Menerva, Jam at Janna.

"Malabong mangyari iyon, dahil hindi kita hahayaan" sabi ni Seave na nakakatakot ang aura, saka sumakay ng taxi.

Napaupo si Salvi at napasapo ang dalawang palad sa mukha. Hindi din mapatid-patid ang luha.

"Dad, ano po bang nangyayari?" gulong-gulo na sabi ni Millie kay Salvi at hinimas sa likod ang ama.

"Sweety, magpahatid ka muna kay Tito Jam. May importante lang na pupuntahan si Daddy" kausap ni Salvi sa dalagita niyang anak. "Jam, hatid mo muna si Millie. Susundan ko lang sila Santina" sabi ni Salvi kay Jam.

"Sure, lets go" sabi ni Jam kay Millie na nagtatakang nakatingin sa amin

"But Dad-"

"Please!, sweety. Magpahatid ka na" pakiusap ni Salvi sa anak. Hinalikan niya sa noo ang anak bago tumakbo papuntang parking lot.

Naka pagdesisyon si Salvi na sundan ang mag ina niya. Ito ang opportunity niya na mapalapit sa kaniya ito. Hindi na niya hahayaan pa na mawala.

***

"Tito, bakit po umiiyak si Dad kanina ng makita niya yung tatlong kambal?" tanong ni Millie ng nasa kotse na sila ni Jam.

"I'm have no right to tell you this matter, Millie" sabi ni Jam na nakatutok ang tingin sa daan.

"Pati yong Mommy nung tatlo umiiyak din tapos pinigilan pa siya. May dapat ba kaming malaman ni Mom. Dad is cheating on us?" sabi Millie.

"No, he is not cheating. Ok, sasahihin ko na sayo. Ang totoo niyan. Mas naunang nagkakilala si Mommy mo at Salvi, pero si Santina ang unang minahal ng Daddy mo. Did you get it?" sabi ni Jam.

"What do you mean? Please enlighten me" sabi ni Millie sa confuse sa mga nangyari kanina lang.

Hindi niya expect ang kaganapan kanina lang. Sobrang mabilis lahat ng pangyayari.

"Ibig kong sabihin. Si Santina and Salvi ay naging mag karelasyon at nagkaanak sila, iyon yong tatlong kambal" sabi ni Jam.

"Eh! bakit sila nagkahiwalay?"  tanong ni Millie.

"Because of your Mom. No more question, ok?" sabi Jam na pagtatapos ng topic.

Natahimik na lang si Millie na nag iisip. Kung paano naging dahilan ang Mommy niya sa paghihiwalay ng mga ito.

................


 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon