35

2K 58 3
                                    


Kinaumagahan nagising si Santina na wala na sa tabi niya si Salvi. Tumunog ang phone niya, video called from Menerva.

["Ano balita?" ]nakangiting bungad nito sa kaniya. ["Hmm.. I think bati na kayo no? dahil may chinini ka sa leeg mo at hindi ka man lang nakakapagbihis"] namula si Santina sa sinabi ni Menerva.

"Pasensiya na kagigising ko lang kasi" nahihiyang sabi ni Santina.

[" Na saan si Salvi?"] tanong nito.

"Hindi ko alam eh! kasi nagising ako wala siya eh!" sagot niya.

["Pero nagkausap na ba kayo o jugjugan agad?"]

Hindi nakaimik si Santina. Kaya natawa si Menerva.

"H-Hindi kami nakapag usap, kasi ahmm..." napakagat si Santina.

["Ang lupit naman non! hindi ka man lang muna kinausap. Sige kita na lang tayo mamaya ah!"] sabi ni Menerva bago pinatay ang tawag.

Napangiti siya, dahil pinagpapasalamat niya na nagkaron siya ng kaibigan na tulad ni Menerva.

Biglang kumulo ang tiyan niya at naalala niya ang bilin ng Kuya niya. Kailangan niyang kumain ng masustansiya dahil hindi lang siya ang kailangan mabuhay pati ang nasa sinapupunan niya.

"Baby ko, pasensiya na hindi ko muna sasabihin sa Tatay ninyo na buntis ako. Kasi kayo ang gagawin kung suprise sa anniversary namin!" nakangiting niyakap niya tiyan.

Bigla niyang naalala. Pupuntahan nga pala niya ang kuya dahil sasamahan daw siya nitong magpatingin sa doctor. Sabi pa nito ay ipapa-ultrasound na nito ang tiyan niya para makita ang gender ng baby niya. Naexcite tuloy siya. Pero kailangan din niya munang bumawi kay Salvi. Kaya gagawan niya ito ulit ng paburitong cupcake.

***

Ilang minutes later nasa loob na siya ng Company ni Salvi. Pansin niya na halos lahat ng tao ay nangmamata sa kaniya. Pinagmasdan niya ang sarili. Wala namang mali. Nakasuot kasi siya ng maluwag na dress na hanggang tuhod niya. Nagmumukha siyang mangang pero ayos lang dahil doon siya comfortable. Nakayuko siya habang nakisabay sa mga tao sa elevator.

"Miss sino sadya mo rito? Nagbebenta ka ba ng cupcakes, pero alam ko bawal ang ganiyan dito." tanong ng isang babae na nagtrabaho dito.

"Ahmm.. Hindi ako magbebenta, ibibigay ko lang ito kay Salvi" nahihiya niyang sabi.

"Kay Sir?" takang sabi nito. Napansin niya na kung tignan siya ng mga tao na kasabay niya sa loob ay parang nandidiri.

"Oo" sagot niya.

"Seryuso ka ba? bakit kaano-ano ka ba ni Sir?"

"Ahmmm. K-Kasintahan niya ako" nakayukong sabi niya.

Nagtawanan ang nasa loob ng elevator. Kaya lalo siyang nahiya.

"Seryuso ka ba miss? eh ang alam namin. Si Ma'am Monica ang bago niyang gf.Two months pregnant na nga. Tapos ang balita pa ay magpapakasal na sila next month saka magkasama nga sila ngayon." natatawang sabi ng babae.

Parang nadurog ang puso niya sa sinabi nito. Kaya ng makarating siya sa floor ng Big boss. Agad siyang lumabas.

Lumapit siya sa Secretary nito.

"Ahmm.. Miss, nandiyan pa si Salvi?" tanong niya. Pinagtaasan siya ng kilay nito.

"Wala rito si Sir, kasama niya si Ma'am Monica" sabi nito.

"Ahmm.. Pakisuyo na lang ito. Pakibigay sa kaniya pagdumating sila ni M-Monica. G-Gawa ko kamo para sa kaniya, p-pero pwede ring bigyan niya si Monica " sabi niya. Binaba niya sa table nito bago nag lakad papalayo. Pero hindi pa siya nakakalayo masiyado. Nakita niyang tinapon nito sa basurahan ang gawa niya. Napaiyak na lang siya at nagmadaling makaalis sa lugar na iyon. Pinapakalma din niya ang sarili dahil napapansin niya na napapadalas ang pagsikip ng dibdib niya. Hinawakan niya ang tiyan at napangiti siya dahil kahit na ganto ang sitwasyon niya. Hindi magawang sumuko dahil para sa anak, anak nila. Ito ang lakas niya.

Kahit nagsimula na masakit ang araw niya. Hindi naman ito matatapos na hindi siya masaya, dahil ito sa baby niya. Excited siya na hintayin si Mikhael. Magkikita sila nito sa Restu para samahan siya na magpatingin sa doctor.

"Kanina ka pa ba?" tanong ni Mikhael.

"Hindi naman. Ngayon-ngayon lang din" sagot ni Santina.

"Tara na!" nakangiting sabi ni Mikhael.

Hindi mapigilang maexcite ni Santina. Knowing na makikita niya ang baby nila ni Salvi. Kahit na sa tiyan palang niya.

***

Meters away hindi sinasadyang mapatingin ni Salvi sa kabilang restu na katapat kung saan sila ni Monica naglunch. Nakita niya si Santina kasama nito si Mikhael. Inaalalayan pa ni Mikhael na makapasok sa sasakyan si Santina. Napasuntok siya sa mesa nila. Kaya napatingin sa kaniya ang mga tao pero he don't care dahil nanggigil siya, piling niya kasi niluko ulit siya ni Santina.

"Monica, finish your food. Tatawagan ko na lang ang driver mo na sunduin ka. I need to go somewhere" sabi ni Salvi bago iniwan si Monica na shock.

Tuluyan nawala sa mood si Salvi dahil sa nakita. Akala niya pamandin magkakaayos na sila ng tuluyan ni Santina.Balak niya sanang umuwi ng maaga para makasama ito, para makabawi sa mga kasalanan niya.

Agad siyang dumiretso sa Bar para magpakalasing para pakalmahin ang sarili niya. Dahil baka makapatay siya ng di oras.

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon