5

2.5K 56 1
                                    

"Hey! Sabay ka na sa akin Santina "tawag ni Mikhael kay Santina na kasalukuyang naglalakad papuntang Bayan. May raket kasi siya doon taga hugas ng pinggan sa isang restaurant.

"Nako! 'wag na nakakahiya naman sayo "sabi ni Santina.

"Ok lang para madali kang makapunta sa pupuntahan mo "nakangiting sabi ni Mikhael.

Hindi na tumanggi si Santina dahil baka mahuli siya sa pagpasok .Napakasungit pa naman ng Amo niya roong intsik na kuripot.

Napatingin siya kay Mikhael. Halata sa mukha nito na mabait. Gwapo ito sa gwapo. Maputi, makinis ang balat at maganda ang figure nang mukha. Maganda rin ang katawan sa suot nitong doctor suit. Kaya siguradong swerte ang magugustuhan nito.

"Ahm.. Mikhael, matanong ko lang may gerfrend ka na ba?"tanong ni Santina.

"Before? ngayon wala na "nakangiting sagot nito.

"Talaga sa gwapo mong iyan wala kang gerfrend?"hindi makapaniwalang sabi ni Santina.

"Oo, You know sa panahon ngayon. Bihira ka na lang makakakita ng taong tapat na magmamahal sayo "sabi ni Mikhael. "Bakit? ikaw ba may boyfriend ka na?"tanong nito.

"Nako ! mahirap ang buhay ngayon saka wala pa sa isip ko ang mga ganiyang bagay eh .."sagot ni Santina.

"Dati nagkaroon ka na ?"

"Wala rin. Pero may mga nanligaw sa akin pero hindi ko pinayagan gusto ko mo na kasi na maahon sila Inang sa kahirapan "

"Hmm.. You know. Ang bait mo. Maswerte ang mamahalin mo. Sa panahon kasi ngayon bihira na lang ang babaeng katulad mo na. Mas iisipin ang kapakanan ng pamilya bago ang sarili. Sa panahon kasi ngayon ang mga babae puro bar, boyfriends, playing dirty. To be honest akala ko eh. Wala ng babaeng inosente but you prove me I'm wrong."nakangiting sabi ni Mikhael.

"Tama hindi naman lahat ng babae ganon at pinakita mo sa akin na hindi lahat ng mayaman ay matapobre saka ang bait mo. Pwede ba kitang maging kaibigan?"

"Sure, friends?"at nagshake hands sila.

"Salamat sa paghatid at ingat !"kaway ni Santina kay Mikhael  ng makasakay ito. Ngumiti lang ito at pinaandar ang kotse.

★†★

"Uy! Tina sino iyong naghatid sayo kanina. Poge day ah!"sabi ni Nilya na katrabaho niya. Ngumiti si Santina .

"Ah! Si Mikhael kaibigan ko "sabi ni Santina habang natutuyo ng mga pinggan na pinaghugasan.

"Legit ba iyan Inday? Kaibigan eh! Isa sila sa pinakamayaman dine sa lugar natin. Paano mo naman naging kaibigan iyan?"hindi makapaniwalang sabi ni Nilda habang naghahalo ng nilulutong pagkain.

"Ganto kasi iyan-"napahinto sa pagsasalita si Santina ng makita si Rei na nagpupumilit pumasok ngunit hindi pinapapasok ni Manong Guard kaya lumapit na siya doon.

"Ate Si Inang!"humihikbing sabi ni Rei.

"Anong nangyari kay Inang?"alalang tanong ni Santina.

"S-Sinugod sa hospital kasi hindi gumigising"sagot ni Rei. "Saka Ate kailangan natin ng pera pambayas sa hospital "dugtong pa nito.

"Sige bumalik ka kay Inang at hahanap lang ako ng pera "sabi niya ni Kay Rei .

Pinuntahan niya ang amo niyang singkit sa opisina nito. Nakita niyang nakaupo ito habang nagbibilang ng pera.

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon