10

2.3K 59 3
                                    


"Bunso tara rito. Baka magising si Ate Tina "saway ni Mimay sa kapatid niyang bunso.

Nasa kama naglalaro ito.Kumapara dati malusog na itong tignan, dahil tumaba na ito. Dahan - dahan dumilat ang mata ni Santina ng marinig ang mga bata.

"Kulit mo kasi iyan tuloy nagising si Ate Tina"sabi ni Mimay sa kapatid at bigla itong tumakbo palabas.

"Hindi, ayos lang. Bakit ako nandito?"umayos ng upo si Santina at nilibot ang tingin .Kung saang kwarto siya nagising noon.

"Si Kuya Salvi po ang nagdala sayo dito. Ate, kainin mo daw itong pagkain mo po. Binilin niya kasing pakaininin ka po"sabi ni Mimay at inabot sa kaniya nito ang tray na may tinulang manok na may kasamang kanin at gatas.

"Salamat dapat di na siya nag abala pa."sabi ni Santina. Tinignan niya ang sarili iba na ang suot niya. "Ahmm.. Mimay na saan ang damit ko?"tanong niya.

"Pinalabhan po ni Kuya Salvi at isa pa binilhan ka po niya ng mga damit. Kapag kaya mo na daw kumilos sukatin mo raw "sabi ni Mimay.

"Na saan ba si Seńor Salvi?"tanong niya at nilibot ang paligid. Natapos na din siyang kumain at nabusog din siya kahit wala siyang panlasa.

"Nasa Manila po siya may aasikasuhin po daw siya."sabi ni Mimay.

"Ganoon ba ! Salamat ka mo sa tulong niya ."sabi ni Santina at tumayo ."Uwi na ako ."dugtong pa niya.

"Ay! Bwiset kang bata ka !"narinig nilang sigaw mula sa baba.

"Ano iyon?"sabi ni Santina.

"Nako si Bunso ate!"sabi ni Mimay at natarantang tumakbo .

Sabay silang bumaba at nakita nilang pinapalo ni Ana ang bunsong kapatid ni Mimay. Umiiyak ito marahil sa sakit na dulot ng pamamalo nito.

"Tama na po!"awat ni Mimay at pinigilan si Ana na namamalo sa batang umiiyak.

"Anong tama na? lagi na lang iyan nagkakalat dito "galit na sabi ni Ana at pinapalo ang bata.

"Tama na po! Ako na lang po ang paluin ninyo wag na po ang kapatid ko "pagmamakaawa ni Mimay habang pinagtatanggol ang kaaptid na umiiyak.

"Ganon! Sige madali akong kausap."sabi ni Ana. Nang papaluin na nito ang bata pinigilan ni Santina.

"Tama na iyan mga bata lang iyan. Hindi mo ba nakikita na may pasa na siya"awat na sabi ni Santina.

"Ano bang pakialam mo?"namewang ito" Eh sa dinidisiplina ko lang iyan.Palagi na lang nagkakalat akala mo ay sila ang amo rito eh mga hampas lupa lang naman sila "sabi ni Ana at umirap.

"Pero hindi naman ganiyan ang tamang pag didisiplina "sabi ni Santina at kinuha ang mga bata rito.

"Anong nangyayari rito?"tanong ni Mayor na kadadating lang. Lumapit si Ana dito at yumakap sa braso nito saka nagpapaawa.

"Mahal iyan si Santina sinusupladahan ako tapos ang sabi pa niya hampas lupa raw ako at di hamak na mas maganda raw siya sa akin. Kahit ang totoo naman ay ako ang mas maganda sa kaniya diba?"paawa ni Ana sa Mayor.

"Oo naman di hamak na maganda ka sa kaniya "sabi ni Mayor at tinignan si Santina simula hita pataas sa dibdib at mukha. Kumagat labi ito at tinutok ang mata sa malusog nitong dibdib.

Dahil sa taglay na kagandahan ni Ana. Natipuhan siya ng Mayor. Kaya pumayag na maging kerida nito. Kung ayaw ng anak sa kaniya di sa ama di hamak na mas mayaman ito at may katungkulan pa. Ngayon parang reyna siya ng Mansion .

"Totoo ba iyon Binibini?"tanong ni Mayor.

"Oo totoo iyon. Tapos iyang mga bata na iyan laging nagpapasaway sa akin "paawa pa ni Ana sa Mayor.

"Anong karapatan ninyong manghamak ng kapwa hah? At ang lakas naman ng loob ninyong laitin ang mahal ko sa loob ng bahay ko."dumagundong ang galit na boses nito sa Mansion "Dahil diyan dalhin ninyo sila sa kulungan ng kabayo "utos ni Mayor sa mga tauhan nito.

"Wala po kaming kasalanan. Si Ate Ana po talaga ang nang-aapi sa amin "sabi ni Mimay at nagpupumiglas.

"Tama iyon. Katunayan nga ay siya pa ang nang aabuso sa bata "sabi Santina at nagpupumiglas din.

"Wag kang maniwala sa kanila. Ako ang mahal mo diba?"pangkukumbinsi ni Ana na paniwalaan siya.

"Hala! Dalhin na ninyo iyan"utos ng Mayor.

Kinaladkad si Santina ni Ana, nakasabunot sa buhok niya ito samantalang sa dalawang bata ay ang mga tauhan ni Mayor papuntang kuwadra ng mga kabayo.Pabalagbag silang binitawan ng mga ito .Kaya si Santina at mga bata ay napasalampak sa maduming lupa na may halong tae ng kabayo.

"Magmula ngayon hanggat hindi kayo pinapatawad ng aking Mahal diyan kayo titira at magpapakainin sa mga alagang hayop dito "seryusong sabi ni Mayor sa kanila. Tinignan nila si Ana. Nginisihan sila nito at nagpaawa sa Mayor.

"Nako! Hindi ko sila mapapatawad sa pang aapi nila sa akin"sabi ni Ana at parang tuko na nagkukunyapit kay Mayor.

"Ahm.. Mayor, maari po bang ako na lang ang gagawa ng trabaho?"umubo si Santina. "Masiyado pa kasing bata sila para sa ganitong gawain "pakiusap ni Santina.Medyo ng hihina at nanlalabo ang mata niya dahil nilalagnat parin siya.

"Mahal payag ka ba?"tanong ni Mayor kay Ana.

"Sige "taas kilay na sabi ni Ana at nandidiring tinignan si Santina.

Ang mga katulong at mga katiwala naman ay sa kanila nakatuon ang pansin ang iba ay nagbubulungan at nagchismisan, yong iba naaawa.

"Subukan mong magsumbong kay Salvi malilintikan ka talaga sa akin. Binalaan na kita hindi ka nakinig "bulong ni Ana bago siya nito tuluyang iwan.

Hindi niya mapigilang mapaluha. Wala naman siyang ginagawang masama rito. Kung tutuusin dapat may utang na loob ito sa kaniya pero sadyang makapal ang mukha nito at walang konsensiya. Tinulungan siyang tumayo ni Mimay.

"Ate Tina ayos lang naman na tumulong kami sayo "sabi ni Mimay .

"Ayos lang Mimay. Mas kailangan mong alagaan ang kapatid mo."ngumiti si Santina. "Matanong ko lang minamaltrato ba kayo rito pag wala si Seńorito Salvi?"tanong ni Santina.

"Opo, simula ng dumating si Ate Ana. Lagi na po niya kaming pinag iinitan dahil kay Kuya Salvi .Sinabi niya na layuan daw namin si Kuya o kaya lumayas na kami rito "sabi ni Mimay.

"ANO TUTUNGANGA LANG KAYO DIYAN?"hiyaw ni Ana mula sa malayo. Nakita siguro sila .

"Sige, punta na kayo roon. Hayaan ninyo na ako dito at kayo ko ito. Basta magpakabait lang kayo para hindi kayo mapag initan ah! Isa pa wag na kayo magsumbong kay Seńorito Salvi baka madagdagan na naman ang galit ni Ana sa atin "sabi ni Santina.

"Pero Ate may sakit ka pa paano na lang kung lumalala iyan?"alalang sabi ni Mimay.

"Wag mo na akong intindihin. Kaya ko ito"nakangiting sabi ni Santina.

"ANO AYAW BA NINYONG PUMUNTA DITO O PAPAKALADKAD KO KAYO PALABAS DITO ?"sigaw ni Ana .

"Sige na ."sabi ni Santina sa mga bata.Mabigat man sa kalooban ni Mimay na iwanan si Santina sinunod na lang niya ang sinabi nito.

............................................................

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon