"Kinakabahan ako, Mahal. Baka magalit ang Mommy mo sa akin pagnakita niya ako roon" Sabi ni Santina kay Salvi. Hinawakan ni Salvi ang kamay niya saka hinalikan. "Wag kang mag alala, Mahal. Kasi alam ni Mommy na pupunta tayo, isa pa siya ang nagsabi na pumunta tayo sa birthday niya" nakangiting sabi ni Salvi.
Today is Salvi Mom's 50th birthday. Kaya pupunta sila sa mansion ng tinitirhan nito. Marami ring imbitado na kilalang tao. Kaya hindi mapigilang kabahan at manginig ang kamay ni Santina. Pag dating nila marami ng tao. Napahawak ng mahigpit si Santina sa kamay ni Salvi, dahil halos lahat ng bisita ay nakatingin sa kanila. Hindi naman niya kasi masisi dahil talaga namang napakakisig ni Salvi sa suot nitong cout and tie, simple lang pero ang astig ng dating. Samantalang siya ay simpleng cocktail dress na kulay red. Hindi na siya pinag make up ni Salvi dahil maganda na raw siya kahit wala non.
"Mom" tawag ni Salvi sa ina. Ngumiti ito at lumapit sa kanila ng makita sila nito.
"Magandang gabi po sa inyo " nakayukong bati ni Santina rito. Ngumiti ang ginang.
"Don't be Shy, Iha" sabi ng MOmmy ni Salvi.
Nahihiyang ngumiti si Santina saka inabot ang regalo niyang box ng cupcakes.
"Ahm.. Pasensiya na po ito lang po ang regalo ko" sabi ni Santina.
"Salamat iha, you know what this is my favorite" nakangiting sabi ng mommy ni Salvi.
"Tita!" napalingon sila sa babaeng tumawag sa mommy ni Salvi. Nakangiting lumapit ito sa mom ni Salvi. "This is my Gift Tita" sabi nito saka inabot ang regalo.
"Salamat iha, good to see you" nakangiting sabi ng mommy ni Salvi. "Kailan ka pa umuwi?" dagdag nito.
"Ngayon lang pong umaga" nakangiting sabi nito. Hindi mapigilang manliit ni Santina sa tao na nasa paligid niya, dahil talaga namang mayayaman ang bisita. Lalo na ang babaeng kausap ng mommy ni Salvi. Maganda ito, short curly hair na kulay black, and tisay skin. Mas matangkad pa ito sa kaniya.
"Baby Vie?" baling nito kay Salvi. Ngumiti si Salvi rito at nagulat ng yakapin nito. Maging siya ay nagulat ng biglang yumakap ang magandang babae. Napayuko siya at biglang nagsikip ang dibdib.
"Monica?" takang sabi ni Salvi saka humiwalay sa yakap. Dahil napansin niya si Santina na biglang nag iba ang itsura.
"How are you? I miss you baby Vie. Its been years ng makita ulit kita" nakangiting sabi ni Monica at hinawakan sa kamay si Salvi.
****
Si Mikhael ay inbitado rin sa kaarawan ng mommy si Salvi. Hindi sinasadya na makita niya ang kapatid. Nakita niyang naiilang ito at hindi alam ang gagawin. Kaya naisipan na niyang lumapit dito.
" Hello, Santina" bati niya rito. Ngumiti ito sa kaniya.
"Mikhael Quiatzon?" sabi ni Monica kay Mikhael. Ngumiti lang si Mikhael dito.
"Ahmm.. C-Cr lang po muna ako" paalam ni Santina.
"Samahan na kita" sabi ni Salvi.
"Baby Vie, dito ka na lang muna. I just want to talk to you" pacute na sabi ni Monica kay Salvi at yumakap pa sa braso nito.
"S-Sige, ako na lang" nakayukong sabi ni Santina.
"Samahan na kita " nakangiting sabi ni Mikhael.
"Ako na lang, bro" malamig na sabi ni Salvi.
"Ayos lang, aKo na lang magpupunta" sabi ni Santina.
"Baka maligaw ka pa. Sasamahan na kita" sabi ni Mikhael at hinawakan siya sa kamay.
Nagdilim ang mukha ni Salvi sa ginawa ni Mikhael.
"Ako na lang sasama sa kaniya" sabi ni Salvi.
"Hayaan mo na siya ang sumama, kay?" taas kilay na tanong kay Santina ni Monica.
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ERRONEOUS
RomanceWarning this story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime Be unique Credit to wattpad for the photo.