32

1.9K 61 4
                                    

Almost two months na unconscious si Salvi. Kahit gusto ni Santina na puntahan niya ito sa hospital. Hindi niya magawa dahil may mga bantay sa labas ng kwarto nito. Sa utos ng ina nito na galit na galit sa kaniya at kay Mikhael.

"Kumusta na si Salvi?" tanong ni Santina kay Menerva.

Sa condo siya ni Mikhael nakatira. Dahil nahihiya siya na bumalik sa condo ni Salvi. Isipin pa ang kapal ng mukha niya.

"Ayon! tulog pa rin siya" sabi ni Menerva at kumain ng dalanghita. Medyo malaki na ang tiyan nito.

"Kailan kaya siya magigising" malungkot na sabi ni Santina. " Namimis ko na siya!" dadag pa ni Santina. Hindi siya mapigilang umiiyak. This past few days mabilis mag iba ang pakiramdam niya saka gustong gusto niya na makita si Salvi. Hinahanap din niya ang amoy nito. Tapos palagi siyang gutom.

"Wag kang mag alala Santina, nandiyan ang Ama. Kaya wag kang mawalan ng pag asa" sabi ni Menerva. Biglang nag iba ang aura nito yong tipong tigre na may target. "Kahit kailan talaga! ang lalaki na yan. Napakalantod! bundat na ako't lahat hindi parin na kukuntento!" ang tinutukoy nito ang picture sa IG ni Jam with chikas. Ngiting-ngiti pa ang hudyo.

"Ay!! Santina! si Fafa Salvi gising na o? May post siya bago lang!" nakangiting sabi ni Menerva at pinakita kay Santina ang picture. Nakahiga ito sa kama nakangiti. Gusto sana niyang maging masaya kaso parang gusto niyang maiyak dahil sa picture kasama nito si Monica. Nakaback hug ang babae rito habang nakahalik sa pisnge ng binata.

"Hinayupak na lalaki na yan!! !" sa gigil ni Menerva ay binato nito ang cellphone at natapol si Jam sa mukha na kakarating lang.

"Awww!!" daing nito.

"Ayek! Sorry!" nag peace si Menerva. Walang nagawa si Jam kundi lumapit sa kanila at baliwalain ang ginawa ni Menerva.

"Santina, gising na si Salvi"sabi ni Jam.

"Alam namin? at may post agad with haliparot na chuckie! hmm.. " naka crossed arm na sabi ni Menerva.

"Santina, alam ko na nasaktan ka. Pasensiya na ayaw talaga maniwala ni Tita na wala kayong relasyon ni Mikhael. Kaya ng magising si Salvi. Sinabi ni Tita na may affair kayo. Nagalit si Salvi at nag wala sa hospital" sabi ni Jam.

Kumirot ang dibdib niya. Ganon ba siya kasama sa paningin ng mga ito? dahil siguro sa pagiging mahirap niya. Kaya kung husgahan na lang siya ay ganon, idagdag pa na wala siyang gaanong pinag aralan.

"Kaya naman pala umiksena agad yong haliparot na chuckie na yon!" sabi ni Menerva.

Napatawa si Jam sa sinabi ni Menerva. Bawat babae kasi na nalalaman nitong bitch may bansag.

"About sa picture. Kinulit kasi siya ni Monica na magpapicture then post it on his IG" sabi ni Jam.

Nagbukas siya ng IG, tinuruan naman siya ni Menerva. Nakita niya na binura na ni Salvi ang picture nila together. Napaiyak siya. Dahil parang walang halaga rito ang memories nila. Nang dahil lang sa maling paratang ay nagawa na siya nitong kalimutan at agad na ipagpalit sa iba.

"Grabe naman iyang Salvi. Kung umasta siya parang wala siyang tiwala kay Santina" sabi ni Menerva at inalo siya. "Wag kang mag alala. Nandito ako para sayo Santina. Hayaan mo yang Salvi na yan. Malantod siya, tulad ng iba riyan" sabi ni Menerva at inismeran si Jam na napakunot noo . "Marami pang ibang lalaki riyan. Tulad ni Fafa Mikhael " dagdag nito. At ngiting-ngiti, si Jam naman sumimangot.

"Hindi sa hinuhusgahan kita, Santina. May affair ba talaga kayo ni Mikhael. Dahil overprotective siya masiyado sayo!" sabi ni Jam.

Iyon din ang pinagtataka niya. Masiyadong inaalagaan siya ni Mikhael. Pero ang alam niya ay kapatid ang turing nito sa kaniya. Tulad ng magkapatid, parang panganay ito na handang alagaan at protektahan ang nakababatang kapatid.

"Wala kaming relasyon. Magkapatid lang ang turingan namin" sabi ni Santina. " Ni minsan hindi ko naisip na manakit ng damdamin ng iba. Lalo na si Salvi. Siya lang ang mahal ko wala ng iba" dagdag pa ni Santina at humihikbi.

"Siguro ang mas maganda para matapos na ang misunderstanding nyo. Mag usap kayo ni Salvi. At wiling akong tulungan ka" sabi ni Jam.

***

Tulad nga ng sabi ni Jam. Tinulungan nga siya nito. Sinamahan siya ni Jam na magpuntang bar na pagmamay ari ni Kai. Gusto sana sumama ni Menerva ngunit hindi pwede dahil buntis ito at mapaano pa ang bata.

Agad na sumalubong sa kanila ang mausok at maingay na paligid. Naiirita man si Santina isinantabi na niya lang. Dahil importante na makausap niya ang binata at makapagpaliwanag.

Parang huminto ang mundo niya ng makita si Salvi at Monica. Making out kahit na maraming tao sa paligid. May hawak na alak si Monica, samantalang si Salvi naman ay may hawak na sigarilyo. Isa-isang naglaglagan ang luha ni Santina at biglang nagsikip ang dibdib.

"Fuck! Salvi!" galit na sigaw ni Jam.

Sinapak nito si Salvi. Naging center of attraction sila. Masamang tinignan ni Salvi si Jam. Agad na sinapak ni Salvi si Jam na out of balance ito. Bago pa lumalala ang gulo. Dumating si Kai para awatin ang dalawa.

"Anong problema nyo?" inis na sabi ni Kai at pumagitna sa dalawa na hawak ng bouncer ng bar. "Para kayong mga bata!" dagdag pa nito.

"Iyang gagong iyan! may pawala-wala pang nalalaman. Tapos days has passed lang may bago kana agad na ipapalit kay Santina." galit na sabi ni Jam.

"Pakialam mo ba? bakit siya lang ba may karapatang manlalaki? Akala ko matino siya. Hindi pala, I gave her everything pero anong ginawa niya pinagpalit niya ako. She have an affair with my close friend! Malandi siya!"galit na sabi ni Salvi. "Akala ko iba siya, hindi rin pala!"dagdag ni Salvi.

"She's here to explain her side para maliwanagan ka. Tapos ganto lang aabutan niya! you making out with someone bitches." galit na sabi ni Jam.

Bigla nagising si Salvi at hinanap ng mata si Santina. Nakita niya itong umiiyak at biglang tumakbo palabas ng bar.

***

Hilam ang mata ni Santina habang tumatakbo palabas ng bar. Hindi niya inintindi ang mga tao na nakatingin sa kaniya. Ang gusto niya lang doon ay makaalis.

Huminto siya saglit at humawak sa poste. Medyo malayo na rin ang natakbo niya. Nakaramdam siya ng hilo. At maya-maya lang nakaramdam na lang niya na may sumalo sa kaniya bago mawalan ng malay.

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon