59

2.2K 60 6
                                    

Pagdating nila Salvi ang gising na lang ay mga asawa nila.

"So totoo ba yong sinabi nila na may mga chicks na katabi nyo kanina?" si Menerva. May hawak itong walis tambo. "Sagot!" at hinampas sa mesita, parang nag interogate ito ng mga taong criminal. Samantalang si Jam, Salvi at Zacharias ay parang maamong tupa na nakaupo sa sofa.

"Opo!" sabay na sabi ng tatlo.

"Ikaw?" turo ni Menerva kay Jam. "Nagpahawak ka ba?"

"Yes, Mom" si Janna.

Nanlaki ang mata ni Jam ng hinampas ni Menerva ang arm rest ng sofa.

(A/N: Basta yong nasa gilid yon ng sofa. Sana gets nyo! hahha)

"Pumayag ka?" galit na sabi ni Menerva. "Hanggang ngayon ba naman Jam! Naku! wag kang tatabi sa akin matulog!" dagdag pa ni Menerva at nagwalk out.

"No! Lovey!" sabi ni Jam at sinundan si Menerva sa kwarto kaso bigla siyang sinaraduhan.

"Ikaw? Explain. Mr Zacharias De Silva?" taas kilay na sabi ni Kayden.

Tumayo si Zacharias at hinapit sa bewang si Kayden na tinaasan siya ng Kilay lalo.

"Ahm.. Honey, tumabi oo, pero umiiwas naman ako" sabi ni Zacharias.

"Totoo ba yon?" baling ni Kayden sa mga dalaga at binata.

"Yes, Tita " nakangiting sabi ni Sanz.

Nakahinga ng maluwag si Zacharias.

"Dahil dyan ligtas ka at dahil din dyan ay matulog na tayo. Antok na kami ni Baby " sabi ni Kayden.

"Tara na " nakangiting sabi ni Zacharias at hinalikan sa noo si Kayden bago pumasok ng kwarto.

"Ahm.. Nay tulog na kami" sabi ni Sanz at humalik sa ina. Ganon din ang ginawa ng dalawang kambal at kambal na si Anikka at Alena.

"Goodnight nanay, love you" sabi ng tatlong kambal at bumaling sa ama.

"Goodnight Tay!" si Sam at Seave.

"Goodnight pudra!" si Sanz at humalik sa ama.

"Goodnight po" sabi ni Alena at Anika.

"Goodnight, Tita" sabi ni Janna.

"Goodnight Mama Tina" sabi ni Millie. Inakbayan siya ni Sam.

"Hep! Samuel, saan ka pupunta?" taas kilay na tanong ni Santina.

"Matutulog na po Nanay!" nakangiting sabi ni Sam.

"Oo nga at bakit sa kwarto ni Millie?" si Santina.

"Hu!!! lulusot pa!" sabi ni Sanz at kumaripas na ng takbo sa sariling kwarto.

"Eh Nay kasi!" si Sam.

"Hindi! matulog ka na sa kwarto mo" sabi ni Santina.

Napakamot na lang sa ulo si Sam. Hinalikan sa noo si Millie bago pumasok sa kwarto.

Nagpunta na sa kani-kanilang kwarto ang iba at si Santina na lang at Salvi ang nasa sala.

"Ahm.. Mahal" sabi ni Salvi at tumayo sa sofa.

"Ano?"

"Galit ka ba?"

Hindi umimik si Santina at pumasok sa kwarto nila. Sinundan naman ni Salvi ito. Lumapit si Salvi at niyakap mula sa likod .

"Sorry na Mahal, di na ako ulit pupuntang bar. Last na yon tapos bahay - trabaho na lang ako" paliwanag ni Salvi. "Yong mga babae kasi ang makulit na lapit ng lapit" dagdag pa niya.

Humarap si Santina at yumakap ang braso sa leeg niya. Nakangiti ito at walang halong kaplastik na nagpapanggap na hindi galit.

"Alam ko, Mahal. Sinabi sa akin ni Sanz" nakangiting sabi ni Santina. " Sige na, tulog na tayo at alam ko namang malayo ang bineyahe nyo" dagdag pa ni Santina.

"Mahal" lambing ni Salvi at sinubsob ang mukha sa leeg ni Santina saka hinalikan at sinipsip.

"Ano?" natatawang sabi ni Santina.

"Mahal, pwedeng? alam mo na?" kagat labing sabi ni Salvi at hinapit sa bewang si Santina.

"Anong alam ko na?" nakangiting sabi ni Santina.

"Eeehh .. Mahal!" nakasimangot na sabi ni Salvi at sumubsob ang mukha sa leeg ni Santina saka pinaga ang pang upo nito.

"Salvi naman!" pinalo ni Santina ang kamay ni Salvi at natawa ng sumimangot ito.

"Mahal, sige na!" sabi ni Salvi at binuhat si Santina saka hinaga sa kama at kumubabaw rito. Natawa si Santina habang hinahalikan siya ni Salvi sa leeg.

"Mahal, e-score ka lang pala di mo pa ako diretsahin" sabi ni Santina.

"Di na kailangan ng diretsa. Sa senyasan lang dapat alam mo na yon" sabi ni Salvi at hinalikan si Santina ng ubod tamis.

"I love you, Mahal. Salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataon na makasama ko kayo ng ating pamilya. Hindi ko sasayangin ito." sabi ni Salvi at hinalikan ng smack si Santina sa labi at hinalikan sa noo ito.

"Mahal na mahal din kita , Salvi. Kung ano ikakasaya mo, masaya na rin ako. Sa totoo lang nung nagkita tayo ulit. Hindi naman ako galit. Takot lang ako na baka-" naputol yung sasabihin ni Santina ng pinaibabaw siya ni Salvi sa kandungan nito saka ito naman ay umayos ng upo sa kama nila.

"Baka saktan kita?" patuloy ni Salvi at hinahalikan ang kamay ni Santina.

"Oo, ang sakit kasi na makita kang masaya sa iba. Yung iba ang nagpapasaya sayo" sabi ni Santina at napaluha.

"Sorry, sa lahat ng sakit na naranasan mo. Sa kagaguhan na ginawa ko noon. Nagpadala lang ako sa selos ko" sabi ni Salvi at pinahid ang luha niya saka siya hinalikan sa labi.

"Mahal na mahal kita, Salvi. Kaya hindi ako nakipagrelasyon sa iba. Dahil kahit hindi ikaw ang para sa akin. Pinangako ko sa sarili ko na ikaw at huli kong mamahalin habang nabubuhay ako" sabi ni Santina at niyakap si Salvi.

"Salamat, Mahal at Mahal na mahal din kita" sabi ni Salvi at hinalikan si Santina na tinugon naman nito.

"Pwede pa isa mahal?" pacute na sabi ni Salvi.

Nakakagat labi namang tumango si Santina at napatili ng pinagpalit ni Salvi ang pwesto nilang dalawa.

"Tayo ay magsimula ng magniig aking irog" sabi ni Salvi na kinatawa ni Santina.

..

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon