44

2K 58 1
                                    


Dinala ni Seave ang matanda sa secret hide out nilang magkakapatid sa Hacienda. Nagtaka si Alena pero hindi na lang niya tinanung sa binata.

"Nasasakupang ito ng mga Arrelano, hijo ah! Dito ka ba nagtrabaho?" sabi ni Silvia.

"O-Opo" sagot ni Seave. Nagkatinginan sila ni Alena pero sinenyasan niya itong makisakay.

Saka hindi naman halata na may masasabi siya sa buhay, dahil simple ang suot ni Seave tulad lang ng pangmahirap. Hindi kasi sila tinuruan ng Ina na maging maluho. Tinuruan sila nito kung kailan lang dapat gumastos ng pera.

"Sige ho! Ahm.. Pupunta po muna akong bayan para mareport sa pulis ang nangyari!" sabi ni Seave at lumabas ng kubo.

Hindi niya alam sa kaniyang sarili. Tila gusto niyang tulungan ang matanda.

*0**

"Millie! where's your grandma?" tanong ni Monica sa anak na kararating lamang.

"Seriously Mom, tanungan ba ako? kita mong kakarating ko lang!" iritang sabi ng dalagita. Inis kasi siya, dahil ninakawan siya ng halik. Pasalampak itong naupo sa couch.

"What's happening here?" tanong ni Salvi na kakarating lang galing opisina.

Humalik si Millie sa Ama.

"Si Mom, sa akin hinahanap si Grandma " sumbong ni Millie sa Ama.

"Akala ko ba kayo ang magkakasama na magpupunta ng Santa Isabela?" sabi ni Salvi at umupo sa couch.

"Y-Yes pero nauna na akong bumalik dito sa condo dahil I thought She's with Millie?" sabi ni Monica na hindi mapakali.

"Tinawagan nyo na ba?" tanong ni Salvi.

Biglang nakaramdam ng pag-aalala si Salvi sa ina.

"Oo, pero out of coverage ang phone niya" sagot ni Monica. Pero ang totoo ni hindi niya ito naisip na nawala sa paningin nila.

Nagring ang phone ni Salvi. Sinagot niya ito.

"Yes, hello?" sabi ni Salvi.

[" Magandang gabi po, Mr. De Silva. This is PO1 Hector. May nagreport ho ritong binatilyo. Nasa kaniya raw ang Nanay nyo ngayon dahil niligtas niya ito ng may magtangka ng buhay nito"] sabi ng pulis. [" At ang sabi pa ng binatilyo, sinugod niya raw ito sa hospital ng makita niyang may sugat ang Nanay nyo po. Puntahan nyo na lang po sa Marasigan Hospital ang Nanay nyo"] dagdag pa nito.

"Sige" sabi ni Salvi.

Agad na kumilos si Salvi para puntahan ang Ina niya. Talagang bibigyan niya ng reward ang tumulong dito na binatilyo. Good thing nasa Santa Isabela sila kaya madali na lang niyang mapupuntahan ang ina.

***

Habang nagdrive si Salvi napatingin siya sa isang Café. Kaya bumaba mo na siya para makita ito. Pumasok siya sa loob.

"Good evening Sir, how's your order?" agad na lumapit sa kaniya ang waitress na nagpapacute.

"Ahmm.. Sanvie cupcakes one box, please!" nakangiting sabi ni Salvi.

"Coming up Sir!" sabi ng waitress.

Pinagmamasdan niya ang paligid. Pansin niyang kulay roses na dilaw ang design ng mga walls at tables dito.

"Boss! ano na habol mo ba?" natatawang tanong ng nasa counter na lalaki.

Kaya lumingon siya at nakita niya ang isang binata. Blue eyes ito at may panyo na nalagay sa noo na ginawang headband sa medyo may kahabaang buhok nito. Pansin din niyang maganda ang pangangatawan nito. Ngumiti itong lumapit sa kasamahan.

"This your order sir, enjoy!" nakangiting sabi ng waitress.

"Ahmm.. Miss, siya ba ang owner nito?" tanong niya.

"Hmm.. Actually po, yong mother niya po ang may owner nito. Si Boss Sam lang po ang nagbabantay" sagot ng waitress.

"Ganoon ba? sige salamat. Keep the change" nakangiting sabi ni Salvi bago umalis ng shop.

***

"Where's the room of Mrs. De Silva?" tanong ni Salvi sa front desk.

"Room 437 po" sagot ng babae.

"Thank you " sabi niya saka dumiretso sa kwarto ng ina.

Nakita niya itong nakahiga sa kama at may katabi itong dalaga.  Niyakap niya ang ina ng mahigpit.

"Kamusta ka Mom, buti na lang at niligtas ka, saan ka pala siya?. He deserve a reward" sabi ni Salvi.

Saktong pagpasok ni Seave ng kwarto. Nagulat siya dahil nakita niya ang isang sikat na tao.

"Ikaw ba ang tumulong sa Mommy ko?" tanong ni Salvi na medyo nagtataka kasi parang hawig ng lalaki na nakita niya sa shop.

Tumango lang si Seave.

"Alena, tara na kailangan na nating umuwi. Baka hinahanap na tayo ni Nanay" sabi ni Seave. Sumunod si Alena sa sinabi nito.

"Wait, how much do you want to paid you?, sa pagliligtas mo sa Mommy ko" pigil ni Salvi sa binata.

"No need, I am willing to help not for money. Saka hindi kami tinuruan ng Nanay ko na wag humingi ng kapalit kapag tumulong sa iba" seryusong sabi ni Seave.

"Ganon ba?, She raise you very well" nakangiting sabi ni Salvi.

"Oo naman. Kahit siya lang na kaya niya kaming palakihing magkakapatid" seryusong sabi ni Seave.

"Ok, Anyway thank you ulit. Hayaan mo kapag nangailangan ka. Pwede kang lumapit sa akin" sabi ni Salvi. "This my card" at inabot ni Salvi ito pero tinignan lang ito ni Seave.

"Ayos lang po, hindi ko kailangan ng tulong lalo na kung galing sayo" sabi ni Seave bago umalis ng kwarto.

Natulala si Salvi sa sinabi ng binata. At may strange feeling siyang nararamdaman toward to him. Yung tinatawag na lukso ng dugo. Fuck! bigla niya tuloy na alala si Santina at anak nila.

'Kamusta na kaya sila' he thought.

" I want to know him" sabi ni Silvia.

"Me too Mom" nakangiting sabi ni Salvi.

"Ang sabi niya nagtrabaho siya sa Arrelano. Tingin ko hardenero siya. Gusto ko siyang gawing personal bodyguard. He is good in self-defense. Kung makita mo nga lang siya kanina habang pinagtatanggol ako. Aakalain mo na professional fighter siya" nakangiting sabi ng ginang.

"Hmm.. great Idea Mom. Kukuhanin ko na lang siyang bodyguard mo" sabi ni Salvi.

"Alam mo ngayon ko lang narealize na. Hawig mo ang binatang iyon parang binatang version mo noon pero may iba siyang hawig na tao. Maybe his mother" sabi ni Silvia. " Anyway, gusto ko ng umuwi. Magaan na naman ang pakiramdam ko" dagdag ng matanda.

"Are you sure ?" alalang tanong ni Salvi.

"Yes, you know naman na I hate hospital" sabi ni Silvia.

"Ok" sabi Salvi.

................

A/N: Sana magustuhan po ninyo ang story na ito.

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon