36

2K 62 7
                                    

"Mommy, sila ang babies mo? at mukhang gwapo nila" nakangiting sabi ng OB.

Kasaluyang nakikita nila sa monitor. Dahil 3D ang gamit nito. Kaya kitang kita kung ano ang itsura nito.

"Gwapo? ibig sabihin lalaki" nakangiting sabi ni Mikhael.

"Yes, Doc Quiatzon. Actually threeplets sila" masayang balita ng Doctora.

"Wow! Baby Sis. Tatlo ang babies nyo!" masayang sabi ni Mikhael.

Si Santina naman ay napaluha. Its tears of Joy. Lalo siyang naexcite na sabihin kay Salvi pero parang nagdadalawang isip na siya dahil nga mukhang mas masaya itong malaman na buntis si Monica.

"Baby Sis, wag ka ng umiyak. Sige ka baka maging kamukha ni Momo ang itsura ng anak mo !" sabi ni Mikhael.

Napatawa sila sa sinabi ni Mikhael. Si Momo, apps game ito na nilalaro. May dare ito sa mga naglalaro. Its a creepy app games. Pangit ang mukha nito. Luwa ang mata tapos parang panat na Ailen ang ilong, nakangisi na nakakatakot. Tapos long hair at pahaba ang mukha.

"Ang mas maganda, picture tayo!" sabi ni Mikhael. Nilabas ni Mikhael ang phone. " Ahm.. Doc, can you take us a picture?" sabi ni Mikhael sa Doctora. Ngumiti ito at tinanggap.

"In 1..2..3 say cheese!" sabi ni Doctora.

"Ikaw naman mag isa, Hawak ka sa tiyan mo tapos ngiti ka" sabi ni Mikhael kay Santina.

Ginawa nga ni Santina ito. Ngumiti siya habang nakahawak sa tiyan niya.

***

"Wow! ang ganda!" sabi ni Santina.

Tinitignan niya kasi ang picture niya at picture nila ni Mikhael.

"Totoo talaga kapag buntis nagiging maganda ang babae" nakangiting sabi ni Mikhael na nag drive ng kotse. Napangiti si Santina.

"Ahmm.. Kuya, pwede ba na magkaron ako ng picture na tulad nito" sabi ni Santina. Ang tinutukoy nito ay ang printed na picture.

"Sige, tomorrow bibigay ko sayo!" sabi ni Mikhael.

"Salamat" sabi ni Santina at sa tuwa niyakap niya ang kapatid.

Hinalikan siya sa noo nito. Bago nagpaalam. Isa rin sa pinagpapasalamat niya ay nakilala niya ang kapatid.

***

Hating gabi na ng makauwi si Salvi, galing trabaho. Pagkatapos niya kasing magpunta sa bar. Kunti lang ang ininom niya saka siya ulit bumalik sa trabaho.

Nadatnan niya si Santina na nanunuod ng T. V. Napalingon ito sa kaniya at nag aalangan na ngumiti, tumayo ito upang lumapit sa kaniya.

"Ahm. Kumusta ang araw mo?" tanong ni Santina sa kaniya.

"Ayos lang!" cold niyang sabi.

"Ah! ganon ba? ahm.. pinagluto nga pala kita ng makakain " sabi ni Santina.

Hindi na siya nakatiis, tinapon niya ang larawan sa harapan nito. Halatang nagulat ito.

"Paanong hindi ako maniniwala sa sinasabi nila. Kung iyan ang proweba na nilululoko ninyo ako ni Mikhael!" pigil na galit ni Salvi.

Nanginginig si Santina na tinignan ang picture. Siya at si Mikhael, magkahawak kamay at iba ay nakahawak sa bewang niya, iba nakahalik sa noo, iba naman nakangiti sila habang kumakain sa isang restu.

"Sabihin mo nga, Santina. Hindi ba ko sapat sayo para lukuhin mo ako ng ganto!!" sigaw ni Salvi.

Hinawakan siya nito sa mgakabilang braso. Ang higpit ng pagkakapit nito. Nakakaramdam na siya ng sakit pero tiniis niya.

 BEAUTIFUL ERRONEOUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon