Busy ang lahat sa pag aasikaso sa kasal nila Santina. Isang linggo lang ang kailangan nila para ma-settled lahat para sa kasal. Tinulungan sila ng mga kaibigan at pamilya nila sa pagplano ng kasal.
"Santina, wala man lang ba na party tayo-tayo lang mga girls. Sabi kasi ni Jam may party rin sila para kay Salvi" sabi ni Menerva. Habang tumitingin sa magazine para sa design ng venue ng reception ng kasal.
"Gusto nyo ba na magparty mo na tayo?" tanong ni Santina habang nag ganchilyo ng damit para sa anak niyang babae.
Ito na kasi naging habbit niya magmula ng mabuntis siya ulit. This time, malusog na ang baby na dinadala niya at malakas ang kapit. Ang sabi ng doktor ibig sabihin daw nun. Healthy ang mommy ng baby at maganda ang environment. Hindi rin siya maselan sa pagbubuntis.
"Oo, Mudra. Napanuod ko sa internet yong ganon. Tapos may mga matcho na sumasayaw sa gitna!" parang kinikiliting sabi ni Sanz.
"Anong matchong sumasayaw?" sabay na bungad na tanong ng kambal at Salvi.
"Talagang mag - aama " natatawang sabi ni Menerva.
Napatawa si Millie at Janna.
"Anong matcho yon, Mahal?" seryusong tanong ni Salvi at hinalikan si Santina sa noo saka sa labi.
"Sila Kayden? saka Kuya!" sabi ni Santina.
Sakto naman dating ng mga ito.
"Hello, my beautiful preggy, baby sis" masiglang sabi ni Mikhael at hinalikan sa noo saka niyakap si Santina.
"Kumusta flight?" tanong ni Santina.
"Ayos lang lagay ko muna sa kwarto ito at puntahan si Papà" sabi ni Mikhael.
"Nasa garden, kasama ni Mommy Silvia" sabi ni Santina.
Mommy Silvia na ang pinatawag sa kaniya ng Mommy ni Salvi dahil magiging biyanan na kasi niya ito.
"Hello, Ate" humalik sa pisnge si Kayden kay Santina .
"Wow ang ganda naman ni Sundae" nakangiting sabi ni Santina. "Pabuhat naman sa maganda kong pamangkin" dagdag pa ni Santina.
Namiss niya kasing magbuhat ng sanggol. Kaya pag may baby siyang makita gusto niyang makarga.
Binigay ni Zacharias ang baby girl kay Santina. Mga 2 months old lang ito. Cute na cute ito. Chubby cheeks, maputi at blue eyes namana nito kay Zacharias na may blue eyes same as Salvi.
"Ah ate putahan lang namin si Papà" sabi ni Kayden.
Tinapik sa balikat ni Zacharias si Salvi at tumango kay Santina saka sumunod na kay Kayden para puntahan si Samuel.
"Sila Rei ba at Mimay?" tanong ni Santina at hinihile ang bata.
"Baka sa kasal na lang daw dumating sila Mudra. Masilan daw kasi pagbubuntis ni Tita Mimay" sabi ni Sam at nilalaro ang bata. "Kuchi-kuchiko, ang cute-cute naman ng baby namin" laro nito sa bata na ngumingiti.
"Pati si Alena?" seryuso ang mukha ni Seave.
Tumango si Sam at humalik sa noo ni Millie.
"Ang cute" sabi ni Millie sa bata.
Alam na ni Millie kung sino ang tunay niyang ama. Nais sana siya nitong kunin at patirahin sa puder ni Kai ngunit ayaw niya dahil na attached na siya sa pamilya nila Santina. Saka may kondisyon siya. Kailangan na maging maayos muna ang magulang niya bago siya sumama sa puder nito. Medyo malabo pa kasi masiyado pakipot pa ang mommy niya na si Monica.
"Huuu!! namimis ni Kambal!" asar ni Sanz kay Seave. "Mudra pabuhat" dagdag nito.
Binigay ni Santina ito.
"Ingat ah! baka mapilayan" sabi ni Santina.
"Opo" sabi ni Sanz.
"Ano naman ngayon?" umirap si Seave.
Natawa sila sa asal ni Seave.
"Aba? nagbibinata na talaga si kapatid!" natatawang sabi ni Sam at inakbayan si Seave saka ginulo ang buhok.
"Tsk..."- Seave.
"Himala hindi tumanggi?" sabi ni Sanz na natatawa. "Pati siguro si Anika no?" dagdag ni Sanz na mukhang malungkot.
Kay Sanz naman natuon ang pansin.
"Bakit ganyan kayo makatingin?" tanong ni Sanz at nilaro ang baby.
"Eh! himala at binanggit mo si Anika?" sabi ni Sam na di makapaniwala.
"Anong himala roon?" taas kilay na sabi ni Sanz saka umirap.
"Remember you hate her?" sabi ni Seave.
Nanlaki ang mata ni Sanz at tumili.
"OMY!!!!! OMY!!!!... It is not happening ???!!!" sabi ni Sanz na marealize ang sinabi ng dalawang kambal sa kaniya. "Mudra! I need to be alone!" paalam ni Sanz sa ina. Binigay nito ang baby kay Santina bago pumasok sa kwarto nito at nagkulong.
Natawa sila sa inasal ni Sanz parang napraning na ewan. Nagpaalam sina Sam at Seave kay Santina. Si Sam mag pupuntang shop, si Seave naman para asikasuhin ang deliver sa bayan.
Humalik mona sa noo si Sam kay Millie at Santina bago lumabas ng bahay.
"Baliw lang talaga? si Sanz" natatawang sabi ni Janna.
"Hayaan nyo na si Sanz, OA lang minsan yon" sabi ni Millie.
"Ah mom, sama lang ako kay Seave" paalam ni Janna sa ina.
"Ok take care, Seave. Alagaan mo baby girl ko ah?" bilin ni Menerva at hinalikan sa pisnge ang anak.
"Yes po" sagot ni Seave saka humalik sa pisnge ng ina at umalis na.
"Pero maiba tayo, ano kailan ang party?" sabi ni Menerva.
Napatingin si Santina kay Salvi na seryuso.
"Payag ka ba?" tanong ni Santina.
"Basta walang sasayaw na matcho dancer?" sabi ni Salvi at niyakap mula sa likod si Santina.
Nagkatingin sila ni Menerva. Pilyang ngumiti ito saka nag taas baba ang kilay.
"Saka sabi ni Jam. May Bachelor party din na hinanda para sayo. Kaya payagan mo na si Santina. Minsan nga lang kami nag sasaya eh. Kaya pumayag ka na, Salvi" sabi ni Menerva.
"Sige na, Mahal" paawa ni Santina.
Napabuntong hininga si Salvi. Hindi niya kayang tanggihan ito dahil bihira lang humiling si Santina sa kaniya.
"Alright, I know naman na mahal na mahal mo ako" sabi ni Salvi at hinarap si Santina saka hinalikan sa noo. "But promise mo, no matcho boys!" dagdag pa nito.
Natawa si Menerva sa sinabi ni Salvi.
Tumango si Santina.
"Salamat" nakangiting sabi ni Santina.
...........
BINABASA MO ANG
BEAUTIFUL ERRONEOUS
RomanceWarning this story is not suitable for young readers. Plagiarism is a crime Be unique Credit to wattpad for the photo.